Pumunta sa nilalaman

Dalagitang may Hikaw na Perlas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dalagitang may Perlas na Hikaw
Alagad ng siningJohannes Vermeer
Taoncirca 1665–1675
TipoLangis sa kanbas
KinaroroonanMauritshuis, Ang Haya

Ang Dalagitang may Hikaw na Perlas o Dalagitang may Perlas na Hikaw (Ingles: Girl with a Pearl Earring; Olandes: Het Meisje met de Parel) ay isa sa mga obra maestrang dibuho ng pintor ng Olandang si Johannes Vermeer, at ipinahihiwatig nga ng pamagat ng dibuho na ginamit ang perlas bilang isang pamukaw ng atensiyon. Kasalukuyang nakabahay ang larawan sa Ang Mauritshuis sa Haya. Paminsan-minsan itong binabansagang "ang Mona Lisa ng Hilaga" o ang "Mona Lisa ng mga Olandes".

Sa pangkalahatan, kakaunti lamang ang nalalaman hinggil kay Vermeer at sa kaniyang mga likha. May lagdang "IVMeer" ang dibuho, subalit walang petsa. Malabo kung kinumisyon ang gawang ito o hindi, at kung ipinagawa nga ng isang tao ang tanong ay sino ang nagpaguhit. Sa anumang kaso, maaaring hindi ito ginawa bilang isang kumbensiyonal na larawan.

Itinuturo ng mas bagong sulatin hinggil kay Vermeer na isang 'tronie' ang imahen, ang ika-17 daantaong deskripsiyon ng 'ulo' ng mga Dutch na hindi naman sinadya para maging isang portrait. Matapos ang kamakailan lamang na pagbibigay-sigla sa larawan noong 1994 napatingkad at muling nabigyan ng buhay ang banayad na iskema ng pagkukulay at ang kabighabighaning pagtingin ng dalaginding sa tumatanaw.[1](Mula sa panahong 1994 bago isagawa ang kamakailan lamang na restorasyon ang ipinapakitang larawan na naririto at sa gayon hindi kinatawan ng kasulukuyang kondisyon ng larawang ipininta.)

Sa payo ni Victor de Stuer, na may ilan taong sumubok na pigilin ang pagbebenta sa labas ng bansa ng mga Dutch ng mga pambihirang katha ni Vermeer, binili ni A.A. des Tombe sa isang subasta sa Ang Hague noong 1881 sa halagang dalawang gilder at tatlumpung sentimo lamang. Noong panahong iyon, masamang-masama ang katayuan ng larawan. Walang pamamanhan si Des Tombe kung kaya't inambag niya ito at ang iba pang mga dibuho sa Mauritshuis noong 1902.[2]

Noong 1937, isang kahawig na kahawig na dibuho, na noo'y iniisip na akda rin ni Vermer, ang inambag ng kolektor na si Andrew W. Mellon sa Pambansang Galeriya ng Sining ng Washington, D.C. Sa ngayon, malawakan na itong itinuturing na peke. Pinatunayan ng dalubhasa sa mga gawa ni Vermeer na si Arthur Wheelock sa isa niyang pag-aaral noong 1995 na ang gawa ng ika-20 siglong manghuhuwad ng sining na si Theo van Wijngaarden ang di-tunay na larawan. Kaibigan si van Wijngaarden ni Han van Meegeren.[2]

  1. Wadum, Jørgen; May mga kontribusyon nina L. Struik van der Loeff at R. Hoppenbrouwers (1994). Vermeer illuminated. Conservation, Restoration and Research. The Hague.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Vrij Nederland (magasin) (26 Pebrero 1996), p. 35–69.