Pumunta sa nilalaman

Daliri sa paa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daliri ng paa)
Mga daliri sa paa
Mga daliri sa isang paa. Ang pinaka panloob na hinlalaki ng paa (nasa ibaba sa gawing kaliwa sa loob ng larawan), na nilalarawan bilang pinaka malaking daliri ng paa, ay ang karaniwang tinatawag na hallux.
Mga detalye
Latindigiti pedis
Mga pagkakakilanlan
TAA01.1.00.046
FMA25046

Ang mga daliri sa paa o mga daliri ng paa ay mga bahagi ng katawan ng mga hayop na tinatawag na tetrapod, na kabilang ang tao. Ang mga espesye ng hayop na katulad ng mga pusa na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga daliri sa paa ay inilalarawan bilang dihitigrado. Ang mga tao, at iba pang mga hayop, na naglalakad sa pamamagitan ng mga talampakan ng kanilang mga paa, ay inilalarawan bilang mga plantigrado. Ang mga ungguligrado naman ay ang mga hayop na naglalakad sa pamamagitan ng kanilang mga kuko (mga hoof), partikular na ang sa mga dulo ng kanilang mga hinlalaking pampaa. Ang mga hinlalaki ng paa, magmula sa midyal (panggitna) papuntang lateral (panggilid), ay ang mga sumusunod:

May limang daliri sa paa ang tao. Binbuoo ito ng:

  • Hallux o malaking daliri ng paa, ang pinaka panloob o naka hilera sa gitnang patayong hati ng katawan ng tao, o midyal) na daliri ng paa. Maaaring hindi ito ang pinakamahabang daliri sa paa ng ilang mga indibiduwal. Binigyan ito ng bilang na digit I (unang daliri) sa wikang Ingles. Ang anyong panturing o pang-uri ng salitang hallux sa Ingles ay hallucal o "pangmalaking daliri ng paa". Nagmula ang hallux sa wikang Latin, katulad ng pollex na tumutukoy sa hinlalaki ng kamay, na siyang katumbas na daliri sa kamay.
  • Pangalawang daliri ng paa o ang mahabang daliri ng paa
  • Pangatlong daliri ng paa, panggitnang daliri ng paa o hinlalato ng paa [1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
  1. "Bones of the Foot (Dorsal view)". The Visual Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2012. Nakuha noong Agosto 21, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)