Dallas Buyers Club
Dallas Buyers Club | |
---|---|
Direktor | Jean-Marc Vallée |
Prinodyus | |
Sumulat | |
Itinatampok sina | |
Sinematograpiya | Yves Bélanger |
In-edit ni | John Mac McMurphy Martin Pensa |
Produksiyon |
|
Tagapamahagi | Focus Features |
Inilabas noong |
|
Haba | 116 minuto |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Badyet | $5 milyon[1] |
Kita | $55.2 milyon[2] |
Ang Dallas Buyers Club ay isang biyograpikong pelikulang drama sa Estados Unidos noong 2013. Ito ay sinulat nina Craig Borten at Melisa Wallack at dinirehe ni Jean-Marc Vallée. Si Ron Woodroof (Matthew McConaughey) ay isang pasyenteng na-diagnose ng AIDS noong kalagitnaang dekada 1980. Ito ay ang panahon na kulanag ang pananaliksik sa gamutan ng HIV/AIDS, ang sakit ay hindi pa nauunawaan at kinamumuhian. Bilang bahagi ng kilusan para sa eksperimental na gamutan sa AIDS, nagpuslit siya ng hindi aprobadong pharmaceutical drugs papuntang Texas para magamot ang kanyang mga sintomas, at ipinamagi niya ito sa kanyang kasamang may AIDS sa pagtatag ng "Dallas Buyers Club" habang humarap sa oposiyon ng Food and Drug Administration (FDA). Dalawang piksiyonal na tagasuportang tauhan, sina Dr. Eve Saks (Jennifer Garner), at Rayon (Jared Leto), ay mga composite roles na ginawa mula sa mga panayam ng manunulat sa mga transgender AIDS patient, aktibista, at doktor.
Pinananyam ni screenwriter Borten si Woodroof noong 1992 at sinulat ang script. Kanya itong pinino kasama ang manunulat na si Wallack noong 2000, at ipinagbili kay prodyuser Robbie Brenner. Ilang mga artista, direktor, at prodyuser ang idinikit sa iba't ibang panahon sa pagpapaunlad ng pelikula ang umalis sa proyekto. Sinikap din ng Universal Pictures ang pelikula, ngunit hindi itinuloy. Isang screenwriter ang sumulat ng burador ngunit tinanggihan ang mga ito. Noong 2009, isinangkot ni prodyuser Brenner si McConaughey, dahil nagmula ito sa Dallas, kagaya ni Woodroof. Pinili ni Brenner ang unang burador na sinulat nina Borten at Wallack, para sa pelikula, at si Vallée para maging direktor nito. Nagsimula ang principal photography noong 11 Nobyembre 2012 sa New Orleans, Louisiana, kasunod ng 25 araw na shooting, kasama ang shooting sa Baton Rouge. Sina Brenner at Rachel Winter ang co-producer ng pelikula. Ang opisyal na soundtrack album ay nagtatampok ng iba't ibang mang-aawit at banda. Ito ay inilabas sa Internet ng Relativity Music Group noong 29 Oktubre 2013.
Lumabas ang Dallas Buyers Club sa 2013 Toronto International Film Festival at sa mga sinehan sa Estados Unidos noong 1 Nobyembre 2013, ng Focus Features. Nagkaroon ito ng wide release noong 22 Nobyembre upang makahabol sa award season. Humakot ng gross na kita ang pelikula ng higit $27 milyon sa bansa at $27.9 milyon sa labas ng bansa. Ang kita sa takilya ay higit sa $55 milyon kompara sa badyet na $5 milyon sa loob ng 182-araw na pagpapalas sa sinehan. May gross itong higit sa $4.5 milyon mula sa benta ng DVD, at higit $3 milyon muna sa benta ng Blu-ray. Natanggap ng maraming papuri mula sa kritiko na nagbunga ng maraming gaward. Pinakapinansin ang pagganap nina McConaughey at Leto, na nakatanggap ng Academy Award para sa Best Actor at Best Supporting Actor sa 86th Academy Awards. Dahil dito ang pelikula ay ang una pagkatapos ng Mystic River (2003), at ang ikalimang pelikula, na nanalo ng parehong gawad. Ang pelikula ay nanalo rin ng Best Makeup and Hairstyling, at nominado ng Best Picture, Best Original Screenplay, at Best Editing.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gray, Tim (Disyembre 2, 2013). "Directors on Their Teams: Jean-Marc Vallee Talks 'Dallas Buyers Club'". Variety. Nakuha noong Enero 3, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dallas Buyers Club". Box Office Mojo. Nakuha noong Setyembre 5, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)