Pumunta sa nilalaman

Damo (paglilinaw)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang damo ay maaaring tumutukoy sa mga sumusunod:

  • Isang miyembro ng pamilya Poaceae o totoong damo. Tinatawag na true grass sa Ingles.
  • Isang karaniwang katawagan sa mga halaman na tinatawag na damo na maaari o hindi maaaring kabilang sa Poaceae. Tinatawag na grass sa Ingles.
  • Isang damong-dagat o halamang dagat.
  • Isang damong masama o halaman na hindi kaayaya o di kapakipakinabang sa tao. Tinatawag na weed sa Ingles. Kilala rin ito bilang damong himatmatin.
  • Maaari ring gamitin ang "masamang damo" sa isang tao na matagal mamatay o mahaba ang buhay, sapagkat inihahambing sa damong palaging umuusbong o tumutubo uli kahit na madalas na kinakalos. O kaya, hindi tinatablan ng kahit anong pamuksa.
  • Ang ipinagbabawal na drogang Cannabis.
  • Ang mga damong-gamot o yerba, ginagamit bilang mga halamang ipinanggagamot.