Daniel Day-Lewis
Sir Daniel Day-Lewis | |
---|---|
Kapanganakan | Daniel Michael Blake Day-Lewis 29 Abril 1957 |
Nagtapos | Bristol Old Vic Theatre School |
Trabaho | Aktor |
Aktibong taon | 1970–2012 (on hiatus) |
Asawa | Rebecca Miller (k. 1996) |
Kinakasama | Isabelle Adjani (1989–95) |
Anak | 3 |
Magulang | Cecil Day-Lewis Jill Balcon |
Kamag-anak | Michael Balcon (lolo) Tamasin Day-Lewis (kapatid) |
Si Sir Daniel Michael Blake Day-Lewis (ipinanganak 29 Abril 1957) ay isang Ingles na aktor.[1] Siya ay kapwa mamamayan (citizen) ng United Kingdom at Ireland. Ipinganganak at lumaki sa London, siya ay umarte sa entablado sa National Youth Theatre, bago natanggap sa Bristol Old Vic Theatre School. Nanatili siya dito ng tatlong taon. Kahit na nasanay siya bilang traditional actor Bristol Old Vic, siya ay itinuturing na isang method actor, kilala sa kanyang tapat na debosyon at pananaliksik ng kanyang mga papel.[2][3] Madalas siyang nananatili sa kanyang karakter sa kabuuan ng shooting ng kanyang mga pelikula, minsang hanggang sa puntong naapektohan na ang kanyang kalusugan. Siya ay isa sa mga pinakamapiling aktor sa industriya ng pelikula, lumabas lamang nang limang beses sa pelikula mula 1998, at umaabot hanggang limang taon ang pagitan ng bawat pagganap.[4]
Si Day-Lewis ay isa sa pinakapinupuring aktor ng kanyang henerasyon. Nakaani siya ng maraming parangal, kabilang ang tatlong Academy Award para sa Best Actor sa kanyang pagganap bilang Christy Brown sa My Left Foot (1989), Daniel Plainview sa There Will Be Blood (2007), at Abraham Lincoln sa Lincoln (2012). Dahil dito, siya ang tanging lalaking aktor sa kasaysayan na nanalo nang tatlong ulit sa kategoryang pangunaghing aktor at isa sa tatlong lalaking aktor na nanalo ng tatlong Oscars (ang dalawa pa ay sina Walter Brennan at Jack Nicholson).[5] Nananalo rin siya ng apat na BAFTA Awards for Best Actor, tatlong Screen Actors Guild Awards, tatlong Critics' Choice Movie Awards, at dalawang Golden Globe Awards. Noong Hunyo 2014, tinanggap niya ang knighthood para sa paglilingkod sa drama.[6]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Daniel Day-Lewis Spoofs Clint Eastwood's Obama Chair Routine at Britannia Awards".
- ↑ Gritten, David (22 February 2013).
- ↑ Parker, Emily.
- ↑ Herschberg, Lynn.
- ↑ "Daniel Day-Lewis makes Oscar history with third award"'.
- ↑ "Queen's Honours: Day-Lewis receives knighthood".