Datig (matematika)

Sa loob-alaming paliwanag, ang isang datig (Ingles: sequence) ay isang "tala" ng mga bagay (na tinatawag na mulhagi o kadatig) kung saan maaari silang maulit at mahalaga ang pagkasunud-sunod. Sa pamamaraang pormal, maituturing ang isang datig bilang isang kabisa mula sa tangkas ng mga likas na bilang (o sa mas lahatang pagtuturing, sa interbal ng mga buumbilang) na nagtatakda ng bawa't kadatig sa isang bilang bilang pananda ng posisyon nito.[1] Karaniwang inilalagay sa panaklong ( ) ang mga mulhagi ng isang datig at itinatala batay sa pagkakasunud-sunod nila.
Bilang paglalarawan, isang halimbawa ng datig ang (D, A, N, I , W), kung saan "D" ang unang kadatig at "W" naman ang huli. Sa mas tiyak na pamamaraan, ang datig na ito ay maituturing bilang sang kabisang f sa mga likas na bilang kung saan f (1) = D, f (2) = A, f (3) = N, f (4) = I at f (5) = W. Ang mga datig ay maaaring may katapusan, tulad ng sa mga binanggit sa itaas, o walang katapusan, tulad ng datig ng lahat ng tukol na likas na bilang (2, 4, 6, ...).
Tinatawag na bilnuro ang kinaroroonan ng isang kadatig; o ang mga mulhagi ng saklaw (domain) ng kabisang f. Batay sa kumbensyon, karaniwang 0 o 1 ang itinatakdang bilang sa unang mulhagi. Sa sipnaying surian, madalas na tinutukoy ng mga titik gaya ng sa , at , kung saan ang subscript n ay tumutukoy sa ika-n mulhagi ng datig; halimbawa, ang ika -n mulhagi ng datig Fibonacci ay karaniwang tinutukoy bilang .
Madalas na itinuturing ang walang-lamang datig ( ) bilang isang datig, nguni't minsan ay hindi ito isinasama batay sa konteksto.
Mga hanggan at paglapit
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tiyak na kahulugan ng paglapit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing lumalapit ang isang datig ng tunay na bilang sa kung, sa lahat ng , mayroong isang likas na bilang kung saan sa lahat ng mayroong[2]
Mga lapat at mahahalagang kinalabasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kung parehong palapit na datig at , mayroon ang mga sumusunod na hanggan at matataya sa pamamagitan ng:[2][3]
- para sa lahat ng tunay na bilang
- , sa pasubaling
- sa lahat ng at
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Shanks, Merill E.; Fleenor, Charles R.; Brumfiel, Charles L. (1981). Pre-calculus Mathematics [Dipa-Tayahang Sipnayan]. Estados Unidos: Addison-Wesley Publishing. ISBN 0-201-07684-5.
- ↑ 2.0 2.1 Gaughan, Edward (2009). "1.1 Sequences and Convergence" [1.1 Mga Datig at Paglapit]. Introduction to Analysis [Pambungad sa Surian]. AMS (2009). ISBN 978-0-8218-4787-9. Maling banggit (Invalid na
<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Gaughan" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Dawikins, Paul. "Series and Sequences" [Mga Dalayray at Datig]. Paul's Online Math Notes/Calc II (notes). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2012. Nakuha noong 18 Disyembre 2012.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hazewinkel, Michiel, pat. (2001), "Sequence", Encyclopedia of Mathematics, Springer, ISBN 978-1556080104
- The On-Line Encyclopedia of Integer Sequences
- Journal of Integer Sequences (libre)