David Consunji
David Consunji | |
---|---|
Kalihim ng Mga Gawaing Pambayan, Transportasyon at Komunikasyon | |
Nasa puwesto 1970–1975 | |
Pangulo | Ferdinand Marcos |
Nakaraang sinundan | Antonio Syquio |
Sinundan ni | Alfredo Juinio |
Personal na detalye | |
Isinilang | 2 Nobyembre 1921 Bataan, Pilipinas |
Yumao | 4 Setyembre 2017 Maynila, Philippines | (edad 95)
Kabansaan | Pilipino |
Asawa | Fredesvinda Almeda |
Alma mater | Pamantasan ng Pilipinas |
Trabaho | Tagapangulo ng Lupon (DMCI) |
Propesyon | Pulitiko |
Kilala bilang | Tagapagtatag ng DMCI |
Websitio | dmcinet.com/dmci.asp |
Si David Mendoza Consunji (2 Nobyembre 1921 – 4 Setyembre 2017) ay isang Pilipinong negosyante at tagapangulo ng pampublikong nakatala sa kumpanyang pang-ari-arian, DMCI Holdings, Ingkorporado (PSE: DMC). Siya ay dating kalihim ng Kagawaran ng Mga Gawaing Pambayan, Transportasyon at Komunikasyon mula 1970 hanggang 1975, sa kapanahunan ng pamamahala ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Noong 2014, itinala siya ng Forbes bilang ikaanim na pinakamayamang Pilipino, na may halagang $3.9 bilyon.[1] Noong 2017, noong siya ay namatay, siya pa rin ang ikaanim na pinakamayamang Pilipino na may $ 3.68 bilyong halaga na sang-ayon pa rin sa Forbes.[2]
Edukasyon at karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kumuha si Consunji ng inhineryang sibil sa Pamantasan ng Pilipinas at nagtapos noong 1946 at pumasa ng pampamahalaang pagsususulit sa taong din iyon.
Pagkatapos ng kanyang pagtatapos, naghanapbuhay si Consunji bilang guro sa Bataan at kinamamayaang tagasuri ng kungkreto para sa Kuenzle at Streiff.
Itinatag niya ang D.M. Consunji, Ingkorporado noong 1954 at naging Tagapangulo nito mula noon. Noong 1995, itinatag niya ang DMCI Holdings, Ingkorporado upang pag-isahin ang mga negosyo.
Naglingkod siya bilang pangulo ng Kapisanan ng Mga Kontraktor sa Pilipinas, Kapisanang Pandaigdig na Pederasyon ng mga Asyano at Kanlurang Pasipikong Kontraktor, Istituto ng mga Inhinyerong Sibil ng Pilipinas ay Pangalawang-Pangulo ng Kapisanan ng Pagsasama-samang Pandaigdigang Kontraktor. Bukod sa mga organisasyong ito, siya rin ang tagapangulo ng Kapisanan ng mga Kontraktor, ang Lupon ng Pantahanang Konstruksyon ng Pilipinas at Pundasyon ng Pananaliksik Pang-inhineriya at Kaunlaran ng U. P.
Noong 2014, bumama siya bilang tagapangulo ng DMCI at ang kanyang anak na si Isidro ang namuno sa DMCI Holdings at Semirara.[2]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Yumao si Consuji noong 4 Setyembre 2017 sa edad na 95. Ang dahilang ng kanyang kamatayan ay hindi pa nabubunyag.[3]
Sumulat ng aklat si Consunji ng kanyang talambuhay, Ang Pagmamahal sa Pagpapatayo: Ang Talambuhay ni David M. Consunji. Ang kanyang anak, Isidro Consunji ay kasalukuyang pangulo ng DMCI Holdings, Ingkorporado. Isa sa kanyang apo, Victor Consunji, ay ikinasal sa Bb. Pilipinas World 2007 Maggie Wilson noong Disyembre 2010.[4][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ David Consunji Profile Forbes Nakuha noong 16 Disyembre 2014
- ↑ 2.0 2.1 https://www.forbes.com/profile/david-consunji/?sh=3fa167854a89
- ↑ "David Consunji ng DMCI Holdings yumao sa edad na 95". ABS-CBN Balita. 4 Setyembre 2017. Nakuha noong 7 Setyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Reuters". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-12-16. Nakuha noong 2020-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David M. Consunji Nagtatayo ng Isang Pamana
- Mga kompanyang nakatala sa Pamilihang Sapi ng Pilipinas
- Ipinanganak noong 1921
- Namatay noong 2017
- Mga Pilipinong bilyonaryo
- Mga Pilipinong negosyante
- Mga Pilipino na may dugong Tsino
- Mga mamamayan mula sa Maynila
- Mga Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan ng Pilipinas
- Mga Kalihim ng Transportasyon ng Pilipinas
- Mga nagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas
- Mga kasapi ng gabinete ng Pamahalaang Marcos
- Mga tagapagtatag ng mga kumpanyang Pilipino
- Mga Pilipinong inhinyero
- Mga kontraktor na pang-inhineriyang sibil