Pumunta sa nilalaman

Despicable Me

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Despicable me
Despicable Me
Produksiyon
TagapamahagiUniversal Studios
Inilabas noong
20 Hunyo 2010
Haba
95 minuto
BansaEstados Unidos ng Amerika, Pransiya
WikaIngles
Kita543,113,985 dolyar ng Estados Unidos

Ang Despicable Me ay isang 2010 ng Amerikanong computer-animated tatlong dimensional na komedyang pelikula mula sa Universal Pictures at Illumination Entertainment na ay inilabas noong 9 Hulyo 2010 sa Estados Unidos. Ginamit sa pelikula ang tinig ni Steve Carell bilang Gru, ang isang kontrabida na mag-aampon ng tatlong batang babae (ang mga tinig nila Miranda Cosgrove, Dana Gaier, at Elsie Fisher) mula sa isang bahay ampunan; at ang tinig ni Jason Segel bilang Vector, isang karibal ni Gru na nanakawin ang Great pyramid ng Giza. Nang malaman ni Gru ang pakana ni Vector, nagplano sya ng mas matinding pagnanakaw upang paliitin at kunin ang buwan ng mundo. Ito ay ang unang tampok na CGI na ginawa sa pamamagitan ng Universal, sa pakikipag-ugnayan nito sa Illumination Entertainment division. Ganap itong ginawang animado sa French Studio Mac Guff sa Paris, France. Ito ang unang tampok na pelikula ng Illumination Entertainment

Ang pelikula ay nakakuha ng positibong pananaw mula sa mga kritiko, at kumita ng higit sa $ 251 milyon sa US, laban sa isang badyet ng $ 69 milyon. Ang karugtong na bahagi, Despicable Me 2 ay naka-set na ilabas sa 3 Hulyo 2013.

Si Gru (Steve Carell) ay isang kontrabida, ang kaniyang bahay ay nagsisilbing isang pantakip para sa isang ilalim pugad ng kaniyang kasamaan kung saan siya, ang kanyang kasosyo, si Dr Nefario (Russell Brand), at libo-libong maliliit na dilaw na tagasunod ay nagpaplano ng kanilang mga kasuklam-suklam na gawain. Ang pagmamataas ni Gru ay nasugatan nang ang isang hindi kilalang kontrabida ay nagnakaw ng Great pyramid ng Giza bago siya. Siya ay nagpasiya na na paliitin at nakawin ang buwan ng mundo, ang isang ideya na siya ay nagkaroon simula pagkabata kung saan ay palaging hindi sinasang-ayunan ng kaniyang ina (Julie Andrews). Ang plano, kabilang ang isang sasakyang panghimpapawid, ay masyadong mahal, kaya si Gru ay nangutang mula sa Bangko ng kasamaan. Ang presidente ng banko, Mr. Perkins (Willl Arnett), ay humanga sa kaniyang plano ngunit magbibigay lamang ng pera kung makukuha ni Gru ang baril na pampaliit.

Si Gru at ang kanyang mga alagad ay madaling nanakaw ang baril na pampaliit mula sa isang lihim na lugar sa Asya, ngunit ito ay ninakaw rin mula sa kanila nang isang kontrabida, si Vector (Jason Segel), na noon ay responsable din para sa pagnanakaw ng Pyramid.Sinubukan ni Gru ang maraming paraan upang makapasok sa lugar ni Vector ngunit hindi nagtagumpay, ngunit nakita nya ang tatlong mga ulilang batang babae na sina Margo (Miranda Cosgrove), Edith (Dana Gaier), at Agnes (Elsie Fisher), na madaling makapasok sa lugar ni Vector para magtinda ng tinapay. Pineke ni Gru ang kaniyang mga papeles upang maampon ang mga batang babae mula sa Tahanan para sa mga batang babae ni Miss Hattie (Kristen Wiig) , sa pagpaplano sa paggamit sa mga ito upang makalusot sa lugar ni Vector. Gayunpaman, si Gru ay nahirapan sa pag-aalaga sa kanila dahil sa kanilang pag-aaral ng sayaw na ballet at dahil hindi sya sang-ayon maging magulang ng mga ito.

Sa kalaunan, si Gru at ang mga batang babae ay nagtagumpay sa pagkuha ng baril na pampaliit. Ang mga batang babae ay nagmungkahi ng isang araw sa liwasang panlibangan upang magdiwang, si Gru ay sumang-ayon, sa paniniwalang maiiwan nya ang mga bata doon. Sa kanyang pagkagulat, lalo siyang napalapit sa mga bata sa kabuuan ng araw, at iniuwi niya rin ang mga ito pauwi sa bahay niya. Sa kalaunan, si Gru ay nagbalik sa banko ng kasamaan para sa kanyang utang, ngunit tinanggihan siya muli ni Perkins, sa pagsasabi na mas interesado pa sila sa mas batang kontrabida, tulad ng kanyang anak na lalaki na si Vector, na kumpletuhin ang pagnanakaw. Habang si Gru ay nasa malungkot na kalagayan sa bahay, ang mga batang babae ay nag-aalok ng mga nilalaman ng kanilang alkansya upang pondohan ang kaniyang plano. Si Gru ay inspirado, at nagsakripisyo ng mga bahagi ng kanyang lugar upang magawa ang sasakyang panghimpapawid. Si Gru ay nagplanong nakawin ang buwan kapag ito ay pinakamalapit sa mundo, ngunit ito ay ang parehong araw na ng pagsayaw ng mga batang babae sa kanilang paaralan. Si Gru ay naguluhan, at nakita ni Dr Nefario na nakakasagabal ito sa plano, laya inayos nya ang lahat upang bumalik na ang mga batang babae sa bahay ampunan.

Si Gru ay nagpatuloy sa kanyang plano upang nakawin ang buwan, at siya ay nagtagumpay na paliitin ito na kasinglaki ng kanyang kamay. Hindi niya alam na natuklasan ni Dr. Nefario na ang mga epekto ng baril na pampaliit ay mabilis na nawawala. Napagtanto ni Gru na maaari pa siyang umabot sa pagtatanghal ng mga batang babae, ngunit siya ay nahuli na dahil nakuha na ni Vector ang mga bata, at ibabalik lamang niya ito kapalit ng buwan. Pumayag si Gru na ipagpalit ang buwan para sa mga batang babae ngunit hindi tumupad si Vector dahil umalis sya kasama ang mga bata. Nang magsimula na ang buwan na bumalik sa dati nitong anyo sa sasakyang panghimpapawid ni Vector, si Dr. Nefario, at ang mga alagad ni Gru ay dumating upang iligtas ang mga batang babae at bago masira ng buwan ang sasakyan ni Vector at bumalik na ito sa kalawakan. Vector ay nakulong sa buwan habang ito ay lumalaki.

Sa kinalaunan, inampon ulit ni Gru ang mga bata at itinuring niya itong kaniyang pamilya at nagsulat siya ng libro mula sa kaniyang karanasan at binasa niya ito bago matulog ang mga bata. Niyakap ni Margo si Gru, at sinabi niya na mahal niya ito, at niyakap din siya ni Gru at sinabing mahal niya rin ito. Ang mga batang babae ay nagtanghal ng baley resaytal para kay Gru, kanyang ina, kay Dr Nefario, at ang mga alagad, at nagtapos ang pelikula na lahat sila ay sumasayaw sa awit na "You Should Be Dancing".

  • Steve Carell bilang Gru, ang pangunahing kalaban at ang dating nangungunang kontrabida sa mundo. Siya ay nagnanais na paliitin at nakawin ang buwan upang makakuha ng katayuan at pagtanggap mula sa kanyang ina.
  • Jason Segel bilang Victor "Vector" Perkins, ang pangunahing kalaban at pinakabagong pangunahing kontrabida sa mundo matapos ng kanyang pagnanakaw sa dakilang pyramid ng Giza. Siya ay lumilikha ng mga armas gamit ang mga nilalang sa dagat.
  • Russell Brand bilang Dr. Nefario, ang nakakatanda kay Gru, may kapansanan sa pandinig at mabuting kaibigan.
  • Julie Andrews bilang Marlena, ina ni Gru.
  • Will Arnett bilang Mr Perkins, ang president ng banko ng kasamaan at ama ni Vector.
  • Kristen Wiig bilang Miss Hattie, ang maybahay ng isang lokal na bahay ampunan.
  • Miranda Cosgrove bilang Margo, ang pinakamatanda sa tatlong batang babae. Siya ay isang nakatatandang kapatid kina Agnes at Edith, nakasalamin, at kalaunan ay itinuring si Gru bilang kanyang ama pagkatapos ang nag-aalinlangan nito noong una.
  • Dana Gaier bilang Edith, ang gitnang babae sa grupo. Siya ay parang lalaki kung gumalaw ngunit mahilig sa kulay rosas.
  • Elsie Fisher bilang Agnes, ang bunsong babae. Siya ay mahilig sa mga kabayong may sungay at mahal niya si Gru halos agad-agad.
  • Pierre Coffin bilang Tim, Bob, Mark, Phil, at Stuart, limang alagad ni Gru.
  • Chris Renaud bilang Dave, isa sa alagad ni Gru.
  • Jemaine Clement bilang Jerry, isa sa alagad ni Gru.
  • Ang Jack McBrayer bilang ama ng turista at tagagawa ng tinapay sa karnibal.
  • Ken Jeong bilang tagapagsalita sa isang palabas sa telebisyon.
  • Danny McBride bilang Fred McDade, ang kapitbahay ni Gru.
  • Mindy Kaling bilang ina ng turista.
  • Rob ang Huebel bilang Anchorman at tagabalita.
  • Ken Daurio bilang Egyptian na taga bantay.

NBC (na kung saan ay pag-aari ng Universal) ay nagkaroon ng matinding pagsasapubliko ng kanilang kampanya hanggang sa paglabas ng pelikula. Ang mga paunang pagpapasilip ng pelikula ay ipinapakita sa mga kabanata ng The Biggest Loser. Ang Despicable Me ay naitampok rin sa Last Comic Standing nang si Gru ay dumating sa awdisyon. Ang mga kainan ng IHOP ay nagkaroon ng tatlong pagkain sa kanilang talaan, agahan para sa mga bata, at inumin na may pangalan na "minion". Ang AirheadsCandy ay naglabas ng pakete ng mga ang mga nagsiganap at may isang kodigo para sa Despicable Me na laro sa kompyuter

Ang Best Buy ay naglabas rin ng isang libreng Smartphone application na tinatawag na "Movie Mode" na isinasalin kung ano ang Minions ay sinasabi habang ang dulo ng mga credits. May mga espesyal na nilalaman ang laro na ito kapag nabuksan pagkatapos mapanood ang pelikulo.

Noong Mayo 2010, tatlong libro na may kaugnayan sa pelikula ay nailimbag na, pati na rin ang mga libro na tampok sa pelikula. Ang una, ang My Dad the Super Villain (ISBN 0316083828), ay minarkahan bilang isang libro para sa bata na wala pa sa elementarya. Ang ikalawa, Despicable Me: Ang Junior na nobela (ISBN 0316083801), ay minarkahan bilang isang Junior Reader para sa mga edad 8 hanggang 12. Ang ikatlo, Despicable Me: The World's Greatest Villain (ISBN 0316083771), ay minarkahan para sa mga edad 3-6 taon. Ang libro na Sleepy Kittens (ISBN 031608381X) ay isinulat sa pamamagitan nina Cinco Paul at Ken Daurio at mga larawan na inilathala ni Paul. Larong video

Ang isang video game na may pamagat na Despicable Me: Ang laro ay inilabas para sa PlayStation 2, PlayStation Portable at Wii. Ang isang bersyon ng Nintendo DS ay inilabas sa ilalim ng pangalan ng Dispicable Me:Minion Mayhem. Ang Namco din ay naglabas ng isang bersyon para sa iPhone at iPad platform na pinamagatang Dispicable Me: Minion Mania, na binuo ng Anino Games Home media.

Ang Dispicable Me ay inilabas sa DVD, Blu-ray, at Blu-ray 3D nuong 14 Disyembre 2010. Inilabas ang laro kasama ng tatlong bagong mga maikling pelikula, na may pamagat na Home Makeover, Orientation Day at Banana. Gayundin, ang ang website MinionMadness ay inilunsad upang itaguyod ang release ng Home Media.

Kritikal na pagtugon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pelikula ay natanggap ng positibong pagsusri mula sa mga kritiko. Rotten Tomatoes, isang website para sa mga sinuring pelikula, ay nagsaad na ang 81% ng mga kritiko ay binigyan ng magandang marka ang pelikula batay sa 185 na mga tugon, na may isang pamantayang iskor na 6.8/10. Ang kabuuang tugon ay: "Ang mabigatang paghiram (at pagsusuri) mula sa Pixar at Looney Toons, ang Despicable Me ay kahanga-hangang malalahanin, pampamilyang handog na may iba pang tinatagong surpresa" . Sa mga "Kataas-taasang kritiko", na binubuo ng mga kritiko mula sa mga sikat na dyaryo at iba pang mga pahayagan, ang pelikula ay humahawak ng isang pang-aprubang marka ng 88% batay sa 32 na review. Ang Metacritic, isa pang website ng mga pinagsama-samang pagsusuri, ay nagbigay ng 72% na putos sa pelikula, na batay sa 34 na mga tugon mula sa mga kritikong mainstream.

Binigyang puri ni Roger Ebert ng Chicago Sun-Times ang pelikula, at binigyang-gantimpala ito ng tatlong bituin sa posibleng apat. Iba pang mga positibong tugon ay galing kay Michael Phillips ng Chicago Tribune at Peter Travers ng Rolling Stone.

Sa kaibahan, si A.O. Scott ng The New York Times ay nagbigay ng negatibong marka sa pelikula, at isinaad na " While there's nothing worth despising, there's not much to remember either”. Eto naman ang sinabi ni Mick LaSalle ng San Francisco Chronicle:

There's nothing in this to engage an audience. Obviously, no one cares if this guy gets to remain as the world's top bad guy. Nor is this situation inherently amusing in a character way or even interesting in a satirical or sardonic way. There is simply nothing here, except a pretext for lots of labored, slapstick spy-versus-spy type shenanigans between the two "villains." Twenty minutes into "Despicable Me," nothing has happened. Nakatanggap ang pelikula ng mga nominasyon para sa Pinakamahusay na Animated Feature Film sa ika-68 na Golden Globe Awards at ang BAFTA Award para sa pinakamahusay na pelikulang animasyon sa ika-64 na BAFTA Awards. Nanalo din ito ng isang 2011 Kids Choice Awards para sa pinakamahusay na pelikulang animasyon. Binigyang puri ni Roger Ebert ng Chicago Sun-Times ang pelikula, at binigyang-gantimpala ito ng tatlong bituin sa posibleng apat. Iba pang mga positibong tugon ay galing kay Michael Phillips ng Chicago Tribune at Peter Travers ng Rolling Stone.

Sa kaibahan, si A.O. Scott ng The New York Times ay nagbigay ng negatibong marka sa pelikula, at isinaad na " While there's nothing worth despising, there's not much to remember either”. Eto naman ang sinabi ni Mick LaSalle ng San Francisco Chronicle:

There's nothing in this to engage an audience. Obviously, no one cares if this guy gets to remain as the world's top bad guy. Nor is this situation inherently amusing in a character way or even interesting in a satirical or sardonic way. There is simply nothing here, except a pretext for lots of labored, slapstick spy-versus-spy type shenanigans between the two "villains." Twenty minutes into "Despicable Me," nothing has happened. Nakatanggap ang pelikula ng mga nominasyon para sa Pinakamahusay na Animated Feature Film sa ika-68 na Golden Globe Awards at ang BAFTA Award para sa pinakamahusay na pelikulang animasyon sa ika-64 na BAFTA Awards. Nanalo din ito ng isang 2011 Kids Choice Awards para sa pinakamahusay na pelikulang animasyon.

Pagganap sa takilya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa paglabas nito noong sa 9 Hulyo 2010, sa Estados Unidos, Ang Despicable Me ay natakda agad bilang numero uno sa takilya at nakaipon sila ng $ 56,300,000. Dahil dito, ang pelikula ay nakilala bilang ikatlo sa pinakmataas na naipon sa unang bukas nito para sa isang animated film sa taong 2010, kasunod lang sa Toy Story 3 at Shrek Forever After. [34] Sa ikalawang linggo nito, bumaba ng 42% ang pelikula sa ikalawang puwesto kasunod ng Inception na nakaipon ng $ 32,800,000. Bumaba ulit ng 27% sa ikatlong linggo ang pelikula at nagtapos na ito sa ikatlong pwesto na may talang $ 23,800,000 na ipon. Noong 5 Agosto 2010, lumagpas ito sa markahang $ 200 milyong naipon, at ito’y nakilala bilang unang pelikula na gawa ng Universal na nakaabot sa ganitong milyahe, mula nang nagawa ito ng pelikulang Bourne Ultimatum noong 2007.

Sa linggong nagtagal mula Setyembre 3 hanggang 5, 2010, nilampasan nito ang Shrek Forever After para maging pangalawa sa pinakamataas sa kabuuang naipon para sa isang animated film ng 2010 sa Estados Unidos at Canada, sumusunod sa Toy Story 3. Ito din ang pinakamataas sa kabuuang naipon para sa isang non-DreamWorks/non-Disney • Pixar animated film sa lahat ng oras sa mga teritoryong ito. Ang pelikula ay nakaipon ng $ 251,513,985 sa Estados Unidos at Canada pati na rin sa ibang bansa na ma tinatayang $ 290,500,000. Lahat lahat, ang pelikula ay may kabuuang $ 543,010,705, kontra sa $ 69 milyon nitong produksiyon na badyet. Ang pelikulang ito ay naitala din na ikaanim sa pinakamataas sa kabuuang naipon ng Universal (hindi binago para sa pagpintog) at ang ikasampung pinakamataas sa kabuuang naipon para sa isang animated feature sa lahat ng oras sa North America.Kung ipapanggkat sa kabuuang mundo ang kita, ito ay ang ikaanim na pinakamalaking pelikula ng Universal Studios, ang ika-apat na-pinakamalaking pelikulang animasyon ng 2010 kasunod sa Toy Story 3, Shrek Forever After at Tangled, ika-16 na pinakamalaking animated film ng lahat ng oras at ang ika-9 na pinakamataas sa kabuuang naipon ng 2010.

Ayon kay Chris Meledandri, nasa proseso na ang paggawa ng karugtong nito. Ito ay pansamantalang itinakda na ipapalabas sa 3 Hulyo 2013. Isinaad ni Miranda Cosgrove sa kanyang opisyal na Facebook at Twitter page noong 14 Oktubre 2011 na nagsisimula na ang produksiyon. Noong Pebrero 2012, iniulat na si Al Pacino ay sumali sa mga tauhan at binigyang boses niya ang kontrabida na si Gru. Ang mga direktor ng unang pelikula na sina Pierre Coffin at Chris Renaud ay babalik din sa ikalawang parte ng pelikula.

Noong 1 Marso 2012, inilabas sa iTunes ang isang maagang pampasabik na trailer ng pelikula at itampok dito ang mga minions na inaawit ang "Barbara Ann" ng Beach Boys. Ang trailer ay nakarugtong din sa Ang Lorax, gawa din ng Illumination Entertainment, kung saan ipinalabas ito sa mga sinehan noong 2 Marso 2012.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]