Pumunta sa nilalaman

Deuterium

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hydrogen-2

General
Name, symbol deuterium, 2H or D
Neutrons 1
Protons 1
Nuclide data
Natural abundance 0.0156% (Earth)
Half-life Stable
Isotope mass 2.01410178 u
Spin 1+
Excess energy 13135.720±0.001 keV
Binding energy 2224.52±0.20 keV

Ang Deuterium (symbol D o 2H, na kilala rin bilang mabigat na hidroheno) ang isa sa dalawang mga matatag na isotopo ng hidroheno. Ito ay may natural na kasaganaan sa mga karagatan ng mundo ng mga isang atomo sa 6420 ng hidroheno. Dahil dito, ang deuterium ay bumubuo ng tinatayang 0.0156% (or sa isang basehang masa: 0.0312%) ng lahat ng mga likas na umiiral na hidroheno sa mga karagagatan samantalang ang pinakakaraniwang isotopong (hydrogen-1 o protium) ay bumubuo ng higit sa 99.98%. Ang kasaganaan ng deuterium ay katamtamang nagbabago mula sa isang uri ng natural na tubig sa isa pa. Ang nucleus ng deuterium ay tinatawag na deuteron na naglalaman ng isang proton at isang neutron samantalang ang higit na mas karaniwang isotopo ng hidroheno na protium ay walang neutron sa nucleus. Ang pangalan ng deuterium isotope ay binuo mula sa Griyegong deuteros na nangangahulugang ikalawa upang tukuyin ang dalawang mga partikulong bumubuo ng nucleus.[1] Ang Deuterium ay natuklasan at pinangalanan noong 1931 ni Harold Urey na nagbigay sa kanya ng Gantimpalang Nobel noong 1934. Ito ay sinundan ng pagkakatuklas ng neutron noong 1932 na gumawa sa istrukturang nukleyar ng deuterium na halata.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dan O'Leary "The deeds to deuterium" Nature Chemistry 4, 236 (2012). doi:10.1038/nchem.1273. "Science: Deuterium v. Diplogen". Time. 1934-02-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-09. Nakuha noong 2013-06-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)