Pumunta sa nilalaman

Deva (Hinduismo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa pinakaunang Vedic na panitikan, ang mga Devas ay mabait na supernatural na nilalang ; [1] sa itaas, isang tansog estatwa ni Indra, "Pinuno ng mga diyos", mula sa Nepal noong ika-16 na siglo.

  Deva (Sanskrit: देव, bigkas sa Sanskrit: [de:vɐ]) ay nangangahulugang “maningning,” “mataas,” “makalangit na nilalang,” “banal na nilalang,” o “anumang dakila o natatangi,” at isa rin ito sa mga salitang Sanskrit na ginagamit upang tukuyin ang isang diyos sa Hinduismo. Ang Deva ay panlalaki; ang katumbas na pambabae ay Devi. Ang salita ay kaugnay ng Latin deus (“diyos”) at Griyegong Zeus.

Sa pinakamaagang panitikan ng Veda, lahat ng mga nilalang na supernatural ay tinatawag na Devas at Asuras. Sa kalaunan, nagbago ang mga konsepto at alamat sa sinaunang panitikang Indiyano, at pagsapit ng huling panahon ng Veda, ang mga mabubuting nilalang ay tinawag na Deva-Asuras. Sa mga tekstong Hindu pagkatapos ng Veda, gaya ng Puranas at Itihasas, ang mga Deva ay kumakatawan sa mabuti, at ang mga Asura naman sa masama. Sa ilang panitikang medieval ng India, ang Deva ay tinatawag ding Sura at inihahambing sa kanilang kapatid na kasing-lakas ngunit masama, na tinatawag na Asura [2] [3] [4] [5]

Ang mga Deva, kasama ng Asura, Yaksha (mga espiritu ng kalikasan), at Rakshasa (mga halimaw o demonyo), ay bahagi ng mitolohiyang Indiyano, at ang mga Deva ay lumilitaw sa maraming kosmolohikal na teorya ng Hinduismo. [6] [7]

Ang Deva ay salitang Sanskrit na makikita sa panitikang Veda noong ika-2 milenyo BCE. Ayon kay Sir Monier Monier-Williams, isinasalin ito bilang “makalangit, banal, mga bagay na mataas ang uri, mga maningning.” Ginagamit din ito upang tukuyin ang isang diyos. [8] [9]

Nagmula ang Sanskrit na deva- sa Indo-Iranian daiv- na nagmula naman sa Proto-Indo-European na deiwo-, na orihinal na nangangahulugang “makalangit” o “maningning.” Ito ay kaugnay ng ugat na dyew- na nangangahulugang “magningning” lalo na sa liwanag ng kalangitan sa araw. Ang anyong pambabae ng deiwos ay deiwih₂ na naging Devi sa mga wikang Indiko, na nangangahulugang “diyosang babae.”[10] Kaugnay din ng Deva ang Griyegong Zeus/Ζεύς, Dias/Δίας, ang diyos-amang Griyego; Lithuanian Dievas, Latvian Dievs, Prussian Deiwas; Germanic Tiwaz (nakikita sa salitang Ingles na Tuesday); Old Norse Tivar (mga diyos); at Latin Deus (“diyos”) at divus (“banal”), na siyang pinagmulan ng Ingles na divine at deity. Kaugnay ito ng Dyeus, na maaaring tumutukoy sa “makalangit na nagniningning na ama,” at sa gayon ay sa “Ama ng Langit,” ang pinakapinuno ng mga diyos ng mga Indo-Europeo, na nagpapatuloy sa Sanskrit na Dyaus. Ang tirahan ng mga Deva ay tinatawag na Dyuloka.

Ayon kay Douglas Harper, ang ugat ng salitang Deva ay nangangahulugang “ang maningning,” mula sa div- na “magningning,” at kaugnay ito ng Griyegong dios (“banal”) at Zeus, at ng Latin na deus (“diyos”). Ang salitang Deva ay may pagkakahawig din sa Persyanong Daeva. [11] [12] [13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Klostermaier, Klaus K. (2007). "Part I. Hinduism: Sources and Worldview – The Many Gods and the One God of Hinduism". A Survey of Hinduism. India and South Asian Studies (ika-3rd (na) labas). Albany, New York: SUNY Press. pp. 101–102. ISBN 9780791470824. LCCN 2006021542. The Hindu deva is not God—at the most deva could be loosely translated as a "divine being." Etymologically it means "god", "shiny," "exalted"; and thus we find that the term deva covers everything that has to do with the supernatural: all figures, forms, processes and emotions, melodies, books, and verse meters—whatever needs the explanation of a transcendent origin or status—are called devas or devatā. The functions of different parts of the body, symbols, and syllabes are explained as deva. In Vedic religion we find the term used in a relatively restricted way; but even there we are not entitled to equate it with god, but rather with supernatural powers in general.
  2. George Williams (2008), A Handbook of Hindu Mythology, Oxford University Press, ISBN 978-0195332612, pages 90, 112
  3. Wash Edward Hale (1999), Ásura in Early Vedic Religion, Motilal Barnarsidass, ISBN 978-8120800618, pages 5-11, 22, 99-102
  4. Nicholas Gier (2000), Spiritual Titanism: Indian, Chinese, and Western Perspectives, State University of New York Press, ISBN 978-0791445280, pages 59-76
  5. Jeaneane D Fowler (2012), The Bhagavad Gita, Sussex Academic Press, ISBN 978-1845193461, pages 253-262
  6. Don Handelman (2013), One God, Two Goddesses, Three Studies of South Indian Cosmology, Brill Academic, ISBN 978-9004256156, pages 23-29
  7. Wendy Doniger (1988), Textual Sources for the Study of Hinduism, Manchester University Press, ISBN 978-0719018664, page 67
  8. Klaus Klostermaier (2010), A Survey of Hinduism, 3rd Edition, State University of New York Press, ISBN 978-0791470824, pages 101-102
  9. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang monier); $2
  10. "Appendix I - Indo-European Roots".
  11. Krishnan, K. S. (2019-08-12). Origin of Vedas (sa wikang Ingles). Notion Press. ISBN 978-1-64587-981-7. Nakuha noong 24 January 2021.
  12. Boyce, Mary (2001). Zoroastrians: Their Religious Beliefs and Practices (sa wikang Ingles). Psychology Press. p. 11. ISBN 978-0-415-23902-8. Nakuha noong 24 January 2021.
  13. Essays on the History of Religions (sa wikang Ingles). BRILL. 2018. p. 6. ISBN 978-90-04-37792-9. Nakuha noong 24 January 2021.