Di-materyal na pamanang kultural
Ang di-materyal na pamanang kultural o intangible cultural heritage (ICH)—na kaiba sa materyal na pamamang kultural ng isang lugar, gaya ng mga ari-ariang pangkultura tulad ng mga makasaysayang pook, monumento, at artepakto —ay binubuo ng mga pagpapahayag ng yamang intelektuwal tulad ng mga kaugalian, paniniwala, tradisyon, kuwentong-bayan, wika, at kaalaman, na naipapahayag lalo na sa pamamagitan ng kasanayan sa paggawa at pagtatanghal.
Bilang tugon sa pinaghihinalaang labis na representasyon ng Kanlurang Europa sa mga Pandaigdigang Pamamang Pook,[1] upang pahalagahan ang pagkakaiba-ibang kultural,[2] at kasunod ng mga naunang kaugnay na hakbang sa Hapon (1950) at sa Timog Korea (1962), [1] noong 2001 ay nagsagawa ang UNESCO ng isang sarbey[3] sa mga estado at NGO upang magkasundo sa isang kahulugan. Noong 2003, binuo ang Kombensyon para sa Pangangalaga ng Di-materyal na Pamanang Kultura[4] para sa pangangalaga at pagtataguyod nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 "UNESCO Convention for Safeguarding ICH and the Local Heritages" [Kombensyon ng UNESCO para sa Pangangalaga ng ICH at mga Pamanang Lokal] (sa wikang Ingles). Tokyo National Research Institute for Cultural Properties. Nakuha noong 17 Disyembre 2025.
- ↑ "Intangible Cultural Heritage – a Mirror of Cultural Diversity" [Di-materyal na Pamanang Kultural – isang Salamin ng Dibersidad ng Kultura] (PDF) (sa wikang Ingles). 13 Setyembre 2002. Nakuha noong 17 December 2025.
- ↑ "Meeting of 2001" [Pagpupulong ng 2001] (sa wikang Ingles). UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2015. Nakuha noong 20 Hunyo 2007.
- ↑ "Official website" [Opisyal na websayt] (sa wikang Ingles). UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2013. Nakuha noong 20 Hunyo 2007.