Diariong Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sipi ng Diariong Tagalog

Ang Diariong Tagalog ay isang makabayang pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.[1] Ang Diariong Tagalog ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle. Tumagal lamang ng limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo 1 ng natura ring taon.[2]

Nilalaman[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinamatnugutan ni del Pilar ang Diariong Tagalog at naglathala ng mga daing ng mga inaapi at pagsulong ng reporma sa pamahalaang Kastila.[3] Nagsulat si Jose Rizal para sa Diarong Tagalog ng makabayang sanaysay na pinamagatang Amor Patrio gamit ang pangalang Laong Laan. Isinalin ito sa Tagalog ni del Pilar at lumabas sa pahayagan noong Agosto 20, 1882.[4]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Almario, Virgilio S., ed (1992) (sa Ingles). Filway's Philippine Almanac (First ed.). Lungsod Quezon: Filway Marketing. 
  2. Kintanar, Thelma B., ed (2009) (sa Ingles). Cultural Dictionary for Filipinos (Second ed.). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. https://books.google.com.ph/books/about/Cultural_dictionary_for_Filipinos.html?id=H1AOAQAAMAAJ&redir_esc=y. 
  3. Villa Panganiban, Jose (1987). Panitikan ng Pilipinas (Binagong ed.). Lungsod Quezon: Rex Bookstore. 92. https://books.google.com.ph/books?id=PPGiIU34k0EC&pg=PA92&lpg=PA92&dq=Diariong+Tagalog&source=bl&ots=wjl4oU7IgM&sig=gDmijanPrxf4GGuY8Oc3-l0G4-A&hl=en&sa=X&ved=0CC8Q6AEwBTgKahUKEwid-Jia9fbHAhUCJZQKHcjyBxg#v=onepage&q=Diariong%20Tagalog&f=false. 
  4. Samson, Lucero (Nobyembre 29, 2005). "Today in the past" (sa Ingles). The Philippine Star. http://www.philstar.com/freeman-opinion/309434/today-past. Hinango noong Setyembre 15, 2015. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.