Pumunta sa nilalaman

Digmaang Prangko-Pruso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Digmaang Prangko-Pruso o Digmaang Prangko-Aleman, kadalasang tinutukoy sa Pransiya bilang ang Digmaang 1870[1] (19 Hulyo 1870—10 Mayo 1871), ay ang labanan sa pagitan ng Pransiya at Prusya, habang tinutulungan ang Prusya ng Hilagang Konpederasyon ng Alemanya, kung saan kasapi ito, at ang mga estado sa Timog Alemanya: ang Baden, Württemberg at Bavaria. Ang ganap na pagkapanalo ng Prusya at Alemanya ang nagdulot ng huling pag-iisa ng Alemanya sa ilalim ng Haring Wilhelm I ng Prusya. Ito rin ang nagtadhana sa pagbagsak ni Napoleon III at ang pagtapos ng Ikalawang Imperyo ng Pransiya, na pinalitan ng Ikatlong Republika. Bilang isang bahagi ng kasunduan, kinuha ng Prusya ang halos lahat ng teritoryo ng Alsace-Lorraine bilang bahagi ng Alemanya, na nanatili hanggang sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Taithe, Bertrand (2001). Citizenship and Wars: France in Turmoil 1056-1871. Routledge.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.