Digmaang Taglamig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Digmaang Taglamig
Bahagi ng ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Petsa30 Nobyembre 1939 – 13 Marso 1940 (3 buwan, 1 linggo at 6 na araw)
Lookasyon
Silangang Pinlandya
Resulta Pagkapanalo ng mga Sobyet
Pagbabago sa
teritoryo
Pagbibigay ng mga pulo sa Golpo ng Pinlandya , Karelian Isthmus, Ladoga Karelia, Salla, and Rybachy Peninsula, at pagakila ng Hanko sa Unyong Sobyet
Mga nakipagdigma

Finland Pinlandya

 Unyong Sobyet

Mga kumander at pinuno
Finland Kyösti Kallio
Finland Risto Ryti
Finland C.G.E. Mannerheim
Unyong Sobyet Joseph Stalin
Unyong Sobyet Kirill Meretskov
Unyong Sobyet Kliment Voroshilov
Unyong Sobyet Semyon Timoshenko[F 1]
Lakas
300,000–340,000 kawal[F 2]
32 na tanke[F 3]
114 sasakyang panghimpapawid[F 4]
425,000–760,000 kawal[F 5]
2,514–6,541 na tanke[F 6]
3,880 na sasakyang panghimpapawid[14]
Mga nasawi at pinsala
25,904 patay o nawawala[15]
43,557 sugatan[16]
800–1,100 nabilanggo[17]
20–30 na tanke
62 na sasakyang panghimpapawid[18]
1 armadong tagasira ng yelo ang nasira
Ladoga Destakamentong Pandagat ng Pinlandes binigay sa Unyong Sobyet
70,000 kabuuang nasawi
126,875–167,976 patay o nawawala[19][20][21][22]
188,671–207,538 sugatan o nagkasakit[19][20] (ikasama ang mahigit 61,506 na may sakit o nagyelo[23])
5,572 nabilanggo[24]
1,200–3,543 na tanke[25][26][27]
261–515 na sasakyang panghimpapawid[27][28]

321,000–381,000 kabuuang nasawi

Ang Digmaang Taglamig (Finlandes: talvisota, Suweko: vinterkriget, Ruso: Зи́мняя война́, tr. Zimnyaya voyna)[29] ay isang digmaan sa pagitan ng Unyong Sobyet at Pinlandya noong 1939–1940. Nagsimula ito nang lusubin ng Unyong Sobyet ang Pinlandya noong Nobyembre 30, 1939 (tatlong buwan pagkatapos ng simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig), at natapos sa Kasunduan ng Kapayapaan sa Moscow noong Marso 13, 1940. Dineklara ng Liga ng mga Bansa ang paglusob na ilegal at pinalayas ang Unyong Sobyet mula sa Liga noong Disyembre 14, 1939.[30]

Inaangkin noon ng Unyong Sobyet ang mga teritoryo ng Pinlandya, kasama rito ang pag-urong ng hangganan ng Pinlandya palayo, pangunahin na para protektahan ang Leningrad, na 32 kilometro lamang ang layo mula sa hangganan ng Pinalndya.[31][32][33] Tumanggi ang Pinlandya kaya lumusob ang USSR. Maraming akda ang nagsasabi na nilayon ng Unyong Sobyet na sakupin ang buong Finland, [34][35][36][37][38][39] ngunit may mga akda rin na nagsasabi ng kabaligtaran.[40][41][42]

Mas maraming sundalo (tatlong beses), eroplano (tatlumpung beses), at tanke (isangdaan beses) ang mga Sobyet kaysa sa mga Pinlandes, ngunit ang hukbo ng Unyong Sobyet ay lubhang humina dahil sa Great Purge ni Joseph Stalin noong 1937.[43] Umabot sa mahigit tatlumpung libong mga opisyal ng hukbo ang naalis sa pwesto nila, binitay man o ipinakulong, kaya karamihan sa mga opisyal ng Hukbong Pula ay kulang sa kasanayan.[44][45] Dagdag rito ang mataas na morale at magandang liderato ng hukbo ng Pinlandya, kaya nagawa nilang mapigilan ang mga paglusob ng Unyong Sobyet sa loob ng maraming buwan.[46]

Ngunit dahil sa inayos muli ang organisasyon ng Hukbong Pula, nagawang makalampas sa mga hangganan ang mga puwersa ng Unyong Sobyet. Dahil dito, pumayag ang Finland na magsuko pa ng higit na lupain kaysa sa hinihingi ng Unyong Sobyet noong 1939. Tinanggap ito ng mga Sobyet dahil sa dami ng mga nasawi sa kanilang panig.

Tumigil ang labanan noong Marso 1940 nang malagdaan ang Kasunduan ng Kapayapaan sa Mosku. Sinuko ng Pinlandya ang aabot sa 11% ng lupain nito at 30% ng ekonomiya nito sa Unyong Sobyet. [47] Napakalaki ng nawala ng Unyong Sobyet, kaya humina ang reputasyon nito sa ibang bansa.[48] Nakakuha sila ng malaking teritoryo sa lugar ng Lawa ng Ladoga at lupain sa Hilagang Finland, anupat nagbigay ng hight na lupain sa paligid ng lungsod ng Leningrad.[49] Napanatili ng Pinlandya ang kalayaan nito at napaganda pa ang reputasyon nito.

Mga Nota[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Edwards (2006), p. 93
  2. Edwards (2006), p. 125
  3. Manninen (2008), p. 14
  4. Trotter (2002), p. 204
  5. Palokangas (1999), pp. 299–300
  6. Juutilainen & Koskimaa (2005), p. 83
  7. Palokangas (1999), p. 318
  8. Peltonen (1999)
  9. Meltiukhov (2000): ch. 4, Table 10
  10. Krivosheyev (1997), p. 63
  11. Kilin (1999), p. 383
  12. Manninen (1994), p. 43
  13. Kantakoski (1998), p. 260
  14. Trotter (2002), p. 187
  15. Kurenmaa and Lentilä (2005), p. 1152
  16. Lentilä and Juutilainen (1999), p. 821
  17. Malmi (1999), p. 792
  18. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Tillo1993_160); $2
  19. 19.0 19.1 Krivosheyev (1997), pp. 77–78
  20. 20.0 20.1 Kilin (2007b), p. 91
  21. Petrov (2013)
  22. Sokolov (2000), p. 340
  23. Krivosheyev, Table 100
  24. Manninen (1999b), p. 815
  25. Kilin (1999) p. 381
  26. Kantakoski (1998), p. 286
  27. 27.0 27.1 Manninen (1999b), pp. 810–811
  28. Kilin (1999), p. 381
  29. Ang mga pangalang Soviet–Finnish War 1939–1940 (Ruso: Сове́тско-финская война́ 1939–1940) at Soviet–Finland War 1939–1940 (Ruso: Сове́тско-финляндская война́ 1939–1940) ay madalas gamitin sa Pagsusulat sa kasaysayan ng Rusya. Maaaring tignan ang sumusunod: Baryshnikov, N.; Salomaa, E. (2005), Вовлечение Финляндии во Вторую Мировую войну, sa Chernov, M. (pat.), Крестовый поход на Россию [Krusada laban sa Rusya] (sa wikang Ruso), Moscow: Yauza, ISBN 5-87849-171-0, tinago mula sa orihinal noong 2008-11-06, nakuha noong 2015-01-30 {{citation}}: Binalewala ang unknown parameter |trans_title= (mungkahi |trans-title=) (tulong); Padron:Cite citation; Shirokorad, A. (2001), "IX: Зимняя война 1939–1940 гг. [Winter War 1939-1940]", Северные войны России (sa wikang Ruso), Moscow: ACT, ISBN 5-17-009849-9 {{citation}}: Binalewala ang unknown parameter |trans_title= (mungkahi |trans-title=) (tulong)
  30. "League of Nations' Expulsion of the U.S.S.R." League of Nations. 14 December 1939. Nakuha noong 24 July 2009.
  31. Trotter (2002), p. 15
  32. Edwards (2006), pp. 28–29
  33. Lightbody (2004), p. 52
  34. Manninen (2008), pp. 37, 42, 43, 46, 49
  35. Rentola, Kimmo (2003). Holtsmark, Sven G.; Pharo, Helge Ø.; Tamnes, Rolf (mga pat.). Motstrøms: Olav Riste og norsk internasjonal historieskrivning (Countercurrent: Olav Riste and Norwegian international historiography) (sa wikang Noruwego). Cappelen Akademisk Forlag. pa. 188–217. ISBN 8202218284.
  36. Ravasz, István (2003). "Finnország függetlenségi harca 1917–1945, Magyar önkéntesek Finnországban (Finland's struggle for independence from 1917 to 1945, Hungarian volunteers in Finland)" (PDF) (sa wikang Unggaro). Wysocki Légió Hagyományőrző Egyesületnek. pa. 3. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2017-10-20. Nakuha noong 2015-01-30.
  37. Clemmesen, Michael H.; Faulkner, Marcus, mga pat. (2013). Northern European Overture to War, 1939–1941: From Memel to Barbarossa. Brill. pa. 76. ISBN 978-90-04-24908-0.
  38. Zeiler, Thomas W.; DuBois, Daniel M., mga pat. (2012). A Companion to World War II. Wiley Blackwell Companions to World History. Bol. 11. Wiley-Blackwell. pa. 210. ISBN 978-1-4051-9681-9.
  39. Reiter (2009), p. 124
  40. Chubaryan (2000), p. xvi
  41. Trotter (2002), p. 17
  42. Lightbody (2004), p. 55
  43. Bullock (1993), p. 489
  44. Glanz (1998), p. 58
  45. Ries (1988), p. 56
  46. Ries (1988), pp. 79–80
  47. Edwards (2006), p. 18
  48. Edwards (2006), pp. 272–273
  49. VanDyke (1997), pp. 189-190

Mga Pinagkunan[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Trotter, William R. (2002) [orihinal: 1991]. The Winter War: The Russo–Finnish War of 1939–40 (ika-5th (na) edisyon). New York (Great Britain: London): Workman Publishing Company (Great Britain: Aurum Press). ISBN 1-85410-881-6. Sipi: First published in the United States under the title A Frozen Hell: The Russo–Finnish Winter War of 1939–40
  • Edwards, Robert (2006). White Death: Russia's War on Finland 1939–40. London: Weidenfeld & Nicolson. ISBN 978-0-297-84630-7.
  • Lightbody, Bradley (2004). The Second World War: Ambitions to Nemesis. London: Routledge. ISBN 0-415-22404-7.
  • Manninen, Ohto (2008). Miten Suomi valloitetaan: Puna-armeijan operaatiosuunnitelmat 1939–1944 (sa wikang Pinlandes). Helsinki: Edita. ISBN 978-951-37-5278-1. (How to conquer Finland: Operational plans of the Red Army 1939–1944)
  • Reiter, Dan (2009). How Wars End (ika-illustrated (na) edisyon). Princeton University Press. ISBN 069114060X. Nakuha noong 29 October 2010.
  • Chubaryan, A. (2002). "Foreword". Sa Kul'kov, E.; Rzheshevskii, O.; Shukman, H. (mga pat.). Stalin and the Soviet-Finnish War, 1939–1940. London: Frank Cass. ISBN 978-0-7146-5203-0.
  • Bullock, Alan (1993). Hitler and Stalin: Parallel Lives. Vintage Books. ISBN 978-0-679-72994-5.
  • Glanz, David (1998). Stumbling Colossus: The Red Army on the Eve of World War. University Press of Kansas. ISBN 978-0-7006-0879-9.
  • Ries, Tomas (1988). Cold Will: The Defense of Finland (ika-1st (na) edisyon). London: Brassey's Defence Publishers. ISBN 0-08-033592-6.
  • Van Dyke, Carl (1997). The Soviet Invasion of Finland, 1939–40. Routledge. ISBN 0-7146-4314-9.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "F", pero walang nakitang <references group="F"/> tag para rito); $2