Dinamika ng likido

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Sa larangan ng pisika, ang dinamika ng likido[tb 1] (Ingles: fluid dynamics; Kastila: fluidodinámica) ay isang kabahaging disiplina na humaharap sa buhos o agos ng likido at pati na ang galaw ng mga gas. Isa ito sa pinaka matandang mga bahagi ng pag-aaral ng pisika. Pinag-aaralan ito ng mga pisiko, mga matematiko, at mga inhinyero. Mailalarawan ng matematika ang kung paano gumagalaw ang mga likido na ginagamit ang mga pormulang pangmatematika na tinatawag na mga ekwasyon.

Ang pag-unawa at pagpapaliwanag sa kung paano ang kaasalan ng mga likido ay nakakatulong na maintindihan ang mga bagay na katulad ng paglipad o pagpapalipad (aeronotika), taya ng panahon (meteorolohiya), at Agham ng Isports (Palakasan). Bilang halimbawa, maaaring magamit ang dinamika ng likido upang maunawaan ang panahon o weather dahil ang mga ulap at hangin ay kapwa mga likido (mga "lusaw"). Maaari ring gamitin ang dinamika ng likido upang matalos ang kung paano nakakalipad ang mga eroplano habang lumalagos sa hangin, o kung paano nakapaglalayag ang mga barko at mga submarino habang nasa tubig.

Magagamit ng mga programang pangkompyuter ang mga ekwasyong pangmatika ng dinamika ng likido upang makagawa ng mga modelo o huwaran at mahulaan ang magiging kilos ng gumagalaw na mga likido. Nakakatulong ang mga kompyuter sa pag-intindi sa dinamika ng likido, at may ilang mga tao na nag-aaral kung paano maimomodelo o magaya ang mga likido sa pamamagitan lamang ng mga kompyuter. Ang pag-aaral sa kung paano naisasagawa ang dinamika ng likido sa pamamagitan ng kompyuter ay tinatawag na computational fluid dynamics (CFD) o komputasyunal na dinamika ng likido (pangkomputasyon na galaw ng likido).

Mayroong tatlong mahahalagang mga saligan ng dinamika ng likido na nakabatay sa tatlong mga prinsipyo: ang konserbasyon (pagpapanatili) ng masa, ang konserbasyon ng enerhiya, at ang konserbasyon ng momentum.

Bago ang ika-20 siglo, ang hidrodinamika ay kasing-kahulugan ng dinamika ng likido. Sumasalamin pa rin ito sa mga pangalan ng ilang paksa tungkol sa dinamika ng likido, tulad ng magnetohidrodinamika at estabilidad ng hidrodinamika, na parehong nailalapat sa mga gas.[1]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. galaw ng likido, kilos ng likido, kasiglahan ng likido o daloy ng likido

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Eckert, Michael (2006) (sa Ingles). The Dawn of Fluid Dynamics: A Discipline Between Science and Technology. Wiley. p. ix. ISBN 3-527-40513-5.