Pumunta sa nilalaman

Dinamita (pagkain)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dinamita
Ibang tawaglumpiyang dinamita
dynamite lumpia
dynamite spring rolls
barako finger
chili cheese sticks
KursoPampagana
LugarPilipinas
Ihain nangmainit, mainit-init
Dinamita na may kasamang mayonesa't bawang

Ang dinamita (kilala rin bilang dynamite) ay isang piniritong Pilipinong pangmeryenda na binubuo ng pinalamanang siling haba na nakabalot sa manipis at de-itlog na krep. Kadalasan, ang palaman nito ay giniling na baka, keso, o kombinasyon ng dalawa ngunit maaari rin itong iakma para gumamit ng mga iba pang sangkap, kabilang dito ang tusino, hamon, bacon, at hinimay na manok. Kilala rin ang dinamita bilang lumpiyang dinamita, bukod sa iba pang mga pangalan. Isa itong uri ng lumpiya at karaniwan itong kinakain bilang pampagana o bilang pulutan kasabay ng serbesa.

Dinamita ang tawag sa pagkaing ito dahil sa pagkakahawig nito sa isang dinamita na may mahabang piyus; tumutukoy rin ito sa init ng sili.[1][2] Dahil isa itong uri ng lumpiya, kilala rin ito bilang "lumpiyang dinamita", "dynamite lumpia", at "dynamite spring rolls". Mayroon din itong mga ibang malikhaing pangalan tulad ng dynamite cheese sticks (kapag may kasamang cheddar o kahit mozzarella sa palaman), "barako finger" (lit. "daliring barako"), na may konotasyon ng pagkalalaki.[2][3][4]

Tulad ng karamihan ng mga resipi ng lumpiya, napakadaling ihanda ang dinamita at maaaring iakma kaagad. Iginigisa ang palaman, giniling, sa tinadtad na sibuyas at bawang, at binubudburan ng asin at paminta.[5][6][7][8]

Dinamitang pampagana sa isang restoran

Ang siling ginagamit sa dinamita ay ang berdeng siling haba (kilala rin bilang siling pansigang). Dahan-dahang hinihiwa ang sili nang pahaba at tinatanggal ang ubod at binhi habang sinisigurado na maiiwan ang tangkay. Pagkatapos, pinapalamanan ito ng giniling at isang piraso ng keso (kadalasan cheddar). Saka binabalutan ang pinalamanang sili ng pambalot ng lumpiya (mainipis na krep na gawa sa itlog) at iniiwanang nakalabas ang tangkay sa isang dulo. Pinipirito ito hanggang sa maging mamula-mula ito at inihahain habang matulong pa ito.[5][9][10]

Kinakain ito nang walang kasabay na sarsa o sinasawsaw ito sa mga karaniwan sawsawan ng lumpiya tulad ng ketsap na saging, agri dulse, mayonesa't bawang, hani't mustasa, o suka na may labuyo at kalamansi.[1][9][11] Kadalasan itong kinakain bilang pampagana o pulutan (kukutin) kasabay ng serbesa o iba pang uri ng inuming nakakalasing.[5][1]

Mga baryasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Hot" (maanghang) ang marka ng siling haba sa sukatang Scoville, na nasa 50,000 SHU. Gayunman, nanuniyutralisa ang karamihan ng anghang dahil sa keso at pagtatanggal ng mga binhi. Maaaring iakma ang tindi nito sa paggamit ng ibang uri ng sili. Bilang halimbawa, mababawasan ang anghang kung gagamitin ang siling jalapeño o serrano; habang tataas naman ang anghang kapag ginamit ang siling habanero. Isa pang paraan ang paghahalo ng mga tinadtad na labuyo sa palaman, na napakaanghang kumpara sa siling haba na may markang 80,000 hanggang 10,000 SHU sa sukatang Scoville. Maaari ring iwanan ang ilan sa mga binhi ng siling haba para umanghang pa lalo ito, ngunit maaaring pumait din ito kung mag-iiwan ng masyadong marami.[3][12]

Maaari ring iakma ang lasa ng palaman. Sa mga ilang baryante ng dinamita, maaaring balutin o palamanan ang sili ng tusino, hamon, o bacon, bilang halimbawa, bago ito balutin. Maaari ring tanggalin ang keso o gumamit ng hinimay na manok o kahit de-latang tuna.[11][13][14] Maaari ring idagdag ang mga iba pang sangkap, tulad ng asanorya o kintsay.[2] May mga iba na nagpapahid ng mumong panko sa lumpiya.[15][16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Pantig, Laurice. "Dinamita". Craving for Homemade? (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Dinamita (Dynamite Spring Rolls)" [Dinamita (Lumpiyang Dinamita)]. Pinoy Kusinero (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 22, 2018. Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Polistico, Edgie. "Barako finger (dynamite chili stick)". Philippine Food Illustrated (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Dynamite Lumpia with Cheese (Dynamite Cheese Sticks Recipe)" [Lumpiyang Dinamita na may Keso (Resipi ng Dynamite Cheese Sticks)]. Pinoy Recipe At Iba Pa (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 ""Dynamite" – Filipino TEXMEX style Spring Rolls" ["Dinamita" – Pilipinong mala-TEXMEX na Lumpiya]. Maputing Cooking (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "PICA PICA SERIES: DINAMITA! (Green Chili Finger Food) best partnered with BELOW ZERO BEER!" [SERYE NG PICA PICA: DINAMITA! (Berdeng Sili na Kukutin) pinakabagay isabay sa SERBESANG MABABA SA SERO!]. Curious May (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Dynamite Stick Recipe (Dynamite Lumpia)" [Resipi ng Dynamite Stick (Lumpiyang Dinamita)]. Atbp.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Deep Fried Chilli Peppers (Dynamite Lumpia)" [Piniritong Sili (Lumpiyang Dinamita)]. Asian Inspirations (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Dynamite Lumpia" [Lumpiyang Dinamita]. Kawaling Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Walker, Timothy (Pebrero 6, 2015). "Food of the Philippines: Ka-boom! Explosive spicy dynamite sticks" [Pagkain ng Pilipinas: Ka-boom! Mga eksplosibong maaanghang na dynamite stick]. Philippines Lifestyle News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Merano, Vanjo (Marso 2, 2015). "Chicken Dynamite Lumpia Recipe" [Resipi ng Manok na Lumpiyang Dinamita]. Panlasang Pinoy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Dinamita (Dynamite Sticks)". One Filipino Recipe At A Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Dynamite Lumpia with Cheese" [Lumpiyang Dinamita na may Keso]. Panlasang Pinoy Meaty Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Cheese Dynamite (Chili Cheese and Ham Stick)" [Dinamitang Keso (Stick ng Siling Keso at Hamon)]. Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Dynamite Lumpia" [Lumpiyang Dinamita]. Ang Sarap (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Dynamite Recipe (Dynamite Spring Roll / Dynamite Cheese Sticks)" [Resipi ng Dinamita (Lumpiyang Dinamita / Dynamite Cheese Sticks)]. Yummy Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)