Distritong pambatas ng Sulu

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sulu, Una at Ikalawa ang mga kinatawan ng lalawigan ng Sulu sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Departamento ng Mindanao at Sulu) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Departamento ng Mindanao at Sulu sa mababang kapulungan. Limang kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa pitong bahaging lalawigan ng Departamento ng Mindanao at Sulu — Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga — sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito.

Nanatili ito kahit binuwag ang Departamento noong 1920. Nagtagal ito hanggang 1935, nang bigyan ng tig-iisang kinatawan ang pitong lalawigan ng Mindanao at Sulu sa Kapulungang Pambansa ngunit may pagkakaiba sa paraan ng paghalal. Sa mga lalawigang maraming Kristiyano (Agusan, Bukidnon, Davao at Zamboanga), may karapatang maghalal ang mga botante sa bisa ng Artikulo VI, Seksiyon 1 ng 1935 Konstitusyon. Habang sa mga lalawigang maraming Muslim (Cotabato, Lanao at Sulu), may mahigpit na kwalipikasyon sa pagboto: tanging ang mga opisyal ng bayan (pangulo, bise-pangulo at mga konsehal); senador, mga kinatawan ng kapulungan at mga delegado ng 1935 Konstitusyon; gobernador ng lalawigan at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan; at lahat ng mga dating naluklok sa mga nasabing posisyon, ang pinayagang bumoto. Sa ganitong paraan nahalal ang kinatawan ng Sulu noong 1935.

Sa pamamagitan ng Kautusang Komonwelt Blg. 44 na naipasa noong Oktubre 13, 1936, tuluyang nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kwalipikadong mamamayan ng Sulu (kasama ang Cotabato at Lanao). Nagsimula itong noong eleksyon 1938.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1945.

Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 302, hiniwalay ang ilang munisipalidad ng Sulu upang buuin ang Tawi-Tawi.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon IX sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa dalawang distritong pambatas noong 1987.

Unang Distrito[baguhin | baguhin ang batayan]

Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Abdusakur M. Tan
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Bensaudi O. Tulawie
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Hussin U. Amin
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Yusop Jikiri
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Tupay T. Loong[a]
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
bakante
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Samier A. Tan

Notes

  1. Nahalal para sa ikatlong termino ngunit pumanaw noong Hunyo 30, 2016 bago magsimula ang sesyon.[1] Nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ika-17 na Kongreso.

Ikalawang Distrito[baguhin | baguhin ang batayan]

Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Arden S. Anni
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Asani S. Tammang
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Abdulmunir M. Arbison
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Nur-Ana I. Sahidulla
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Maryam N. Arbison
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Abdulmunir M. Arbison
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

Solong Distrito (defunct)[baguhin | baguhin ang batayan]

Panahon Kinatawan
Unang Pambansang Kapulungan
1935–1938
Ombra Amilbangsa
Ikalawang Pambansang Kapulungan
1938–1941
Gulamu Rasul
Unang Kongreso ng Komonwelt
1945
Ombra Amilbangsa
Unang Kongreso
1946–1949
Ikalawang Kongreso
1949–1953
Gulamu Rasul[a]
Ombra Amilbangsa[b]
Ikatlong Kongreso
1953–1957
Ikaapat na Kongreso
1957–1961
Ikalimang Kongreso
1961–1965
Salih Ututalum[c]
Ikaanim na Kongreso
1965–1969
Indanan Anni[d]
Ikapitong Kongreso
1969–1972

Notes

  1. Inalis sa pwesto noong 1950 matapos matalo sa protestang inihain ni Ombra Amilbangsa.
  2. Pinalitan si Gulamu Rasul matapos manalo sa protestang inihain niya noong 1950.
  3. Inalis sa pwesto noong 1969 matapos matalo sa protestang inihain ni Indanan Anni.
  4. Nanumpa sa tungkulin noong Abril 23, 1969 matapos manalo sa protestang inihain ni Salih Ututalum.

At-Large (defunct)[baguhin | baguhin ang batayan]

1943–1944[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Kasama ang kasalukuyang lalawigan ng Tawi-Tawi
Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Gulamu Rasul
Ombra Amilbangsa (ex officio)

1984–1986[baguhin | baguhin ang batayan]

Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Hussin T. Loong

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Philippine House of Representatives Congressional Library
  1. Lacson, Nonoy E. (December 3, 2016). "Sulu leaders want special elections to fill late Rep. Loong's seat". Manila Bulletin. Nakuha noong February 6, 2017.