Pumunta sa nilalaman

Diyalogo Hinggil sa Dalawang Pangunahing mga Sistema ng Mundo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pultada o unang-panig at pahina ng pamagat ng Dialogue.

Ang Diyalogo Hinggil sa Dalawang Pangunahing mga Sistema ng Mundo (Ingles: Dialogue Concerning the Two Chief World Systems', Latin: Dialogo sopra i due massimi sistemi del mondo) ay isang aklat na sinulat ni Galileo Galilei na inilabas sa taong 1632 sa wikang Italiano na nagkumpara sa sistemang Copernican sa tradisyunal na sistemang Ptolemaic. Isinalin ito sa Latin bilang Systema cosmicum[1] noong 1635 ni Matthias Bernegger.[2] Ang aklat, na inihandog sa patron ni Galileo, Ferdinando II de' Medici, Dakilang Duke of Tuskanya at hinatid sa kanya noong 22 Pebrero 1632,[3] ay naging mabenta.[4]

Sa sistemang Copernikano, ang Daigdig at iba pang planeta ay umiikot sa Araw, samantalang sa sistemang Ptolemaiko ang lahat ng nasa kalangitan ay umiikot sa Daigdig. Ang Dialogue ay inilathala sa Florence sa ilalim ng isang pormal na pahintulot mula sa Inquisition. Noong 1633, hinatulan si Galileo na "masidhing pinaghihinalaan ng erehiya" batay sa naturang aklat, na inilagay sa Listahan ng mga Bawal na Aklat at nanatili dito hanggang 1835 (matapos ang mga ideyang itinaguyod dito ay pinayagang mailimbag noong 1822.)[5] Sa isang aksiyon na hindi inihayag sa panahong iyon, ang paglathala ng ibang kahit anong mga sulatin o isusulat pa lang nya ay ipinagbawal din.[6]

Pauang pagtalakay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang sinusulat ang aklat, tinawag ito ni Galileo bilang kanyang Dialogue on the Tides, at nang dumating ang manuscript sa Inquisition para sa pahintulot, ang pamagat ay Dialogue on the Ebb and Flow of the Sea. Inutusan syang tanggalin ang anumang banggit ng tide sa pamagat at baguhin ang preface, dahil ang pagpahintulot sa naunang pamagat ay magmumukhang pagpahintulot sa kanyang teorya tungkol sa tides, na nagtangkang patunayan ang pisikal na galaw ng Earth. Dahil dito, ang pormal na pamagat sa pahinang-pamagat ay Dialogue, na sinundan ng pangalan ni Galileo at ng kanyang pwesto sa akademiya, na sinundan naman ng isang mahabang pangalawang pamagat. Ang pangalan kung saan kilala ang naturang aklat sa ngayon ay sinipi mula sa isang bahagi ng pangalawang pamagat. Dapat itong tandaan kapag tinatalakay ang layunin ni Galileo nang isulat ang aklat.

Ang aklat ay inilahad bilang serye ng talakayan, sa loob ng apat na araw, ng dalawang pilosopo at isang karaniwang tao:

  • Si Salviati ay nangatwiran para sa posisyong Copernican at naglahad sa ilan sa mga direktang pananaw ni Galileo, at tinawag siyang "Academician" bilang pagbibigay-karangalan sa pagiging kasapi ni Galileo sa Accademia dei Lincei. Ipinangalan sya mula sa kaibigan ni Galileo na si Filippo Salviati (1582–1614).
  • Si Sagredo ay isang karaniwang taong may matalas na pag-iisip na sa simula ay walang kinikilingan. Ipinangalan sya mula sa kaibigan ni Galileo na si Giovanni Francesco Sagredo (1571–1620).
  • Si Simplicio, isang matapat na tagasunod kay Ptolemy at Aristotle, ay naglahad ng mga tradisyunal na pananaw at mga katwirang laban sa posisyong Copernican. Sya ay ipinangalan daw mula kay Simplicius ng Cilicia, isang komentarista tungkol kay Aristotle noong ika-6 na siglo, ngunit ang pangalang ito ay pinaghinalaang isang double entendre, dahil ang Italiano ng "simple" (tulad ng "simpleng isip") ay "semplice".[7] Si Simplicio ay inihambing sa dalawang kontemporaryong pilosopo na makaluma, Ludovico delle Colombe (1565-1616?), pinakamatinding katunggali ni Galileo, at Cesare Cremonini (1550–1631), isang katrabaho sa Padua na tumangging sumilip sa teleskopyo.[8] Si Colombe ay pinuno ng isang grupo ng mga katunggali ni Galileo sa Florence, na kung tawagin ng mga kaibigan ng huli ay "the pigeon league".[9]

Bagama't ang aklat ay pormal na inilahad bilang pagsasaalang-alang sa dalawang pananaw (na syang kailangang gawin para ito ay mailathala), malinaw na ang panig na Copernican ang nakakuha ng mas mahusay na pangangatwiran. Dahil sa ganitong makaisang-panig na pagtalakay, marami ang tumukoy dito bilang isang klasikong halimbawa ng katwirang Straw man. Kung ano ang naging talakayan kung si Simplicio ay naging kasingtalas at kasingmaalam lamang ni Salviati ay bagay na haka-haka, dahil walang sumubok na magsulat ng isang bersyon ng dialogue kung saan ang mga tradisyunalista ang nanaig.

Ang dialogue ay hindi nagtalakay sa Tychonic system na naging sistemang nagustuhan ng simbahang Catholic sa panahon ng paglathala. Sa sistemang Tychonic, ang Earth ay hindi gumagalaw ngunit hindi rin Ptolemaic; isa itong magkahalong sistemang Copernican at Ptolemaic. Ang Mercury at Venus ay umiikot sa Araw (tulad ng sa sistemang Copernican) sa mga maliliit na bilog, habang ang araw ay umiikot naman sa di-gumagalaw na Earth; Ang Mars, Jupiter, at Saturn ay umiikot sa Araw sa mas malalaking bilog, na nangangahulugang sila ay umiikot din sa earth. Ang sistemang Tychonian ay matematikong katumbas ng sistemang Copernican, maliban lang sa ang sistemang Copernican ay humuhula ng isang stellar parallax, samantalang ang sistemang Tychonian ay walang ganitong paghula. Ang stellar parallax ay hindi pa kayang sukatin hanggang sa ika-19 na siglo, at samakatwid sa panahong iyon ay walang mabisang patibay na mali ang sistemang Tychonic sa batayang empirical, o ni isang di-mapag-aalinlanganang patunay na tama ang sistemang Copernican. Ang sistemang Copernican ay mahihinuha mula sa laws of motion and gravity ni Newton, lamang ang mga ito ay hindi pa nailathala hanggang 1687.

Hindi kailanman sineryoso ni Galileo ang sistema ni Tycho, gaya ng makikita sa kanyang mga lihaman, itinuring ito bilang kapos at di-kasiya-siyang kompromiso. Ang dahilan ng pagkawala ng sistema ni Tycho (kahit pa man sa maraming pagsangguni kay Tycho at kanyang gawa sa aklat) ay maaaring makita sa teorya ni Galileo tungkol sa tides, na syang nagtakda ng orihinal na pamagat at prinsipyo ng pagsasaayos ng Dialogue. Sapagka't, habang ang sistemang Copernican at Tychonic ay geometrikong magkatumbas, sila ay dynamikong magkaiba. Ang teoryang tidal ni Galileo ay nangailangan ng aktwal, pisikal na pag-inog ng Earth; ibig sabihin, kung totoo, magkakaloob ito ng uri ng patunay tulad ng siyang ipinagkaloob ng Foucault's pendulum dalawang siglo ang lumipas. Nang may pagsangguni sa teoryang tidal ni Galileo, wala ng pagkakaiba sa pagitan ng sistemang Ptolemaic at Tychonic.

Ang talakayan ay hindi lamang umikot sa paksang pang-astronomiya, bagkus sumaklaw ito sa halos buong kapanahong agham. Ang ilan sa mga ito ay para ipakita kung ano ang tingin ni Galileo ay tamang agham, tulad ng pagtalakay sa gawain ni William Gilbert ukol sa magnetismo. Ang ilang bahagi ay mahalaga sa pagtatalo, sinasagot nila ang mga maling katwiran laban sa paggalaw ng Earth.

Isang klasikong katwiran laban sa paggalaw ng earth ay ang kawalan ng pakiramdam sa bilis sa ibabaw ng earth, kahit na tumatakbo ito sa bilis na 1600 km/h. Sa ganitong pangkat may isang eksperimentong isip (thought experiment) kung saan ang isang tao ay nasa loob ng isang barko at hindi makakapagsabi kung ang barko ba ay nakadaong o mahinahong tumatakbo sa tubig: inoobserbahan nya ang tubig na tumutulo mula sa isang bote, ang isdang lumalangoy sa isang tangke, ang mga paru-parong lumilipad, at iba pa; at ang kanilang mga kilos ay pareho lang tumatakbo man o hindi ang barko. Ito ay isang klasikong pagpapaliwanag ng Inertial frame of reference at pinapabulaanan ang tutol na katwiran na kung tayo ay tumatakbo ng ilang daang milya kada oras habang umiikot ang Earth, lahat ng bagay na inihulog ay mabilis na maiiwan at matatangay papuntang kanluran.

Ang bulto ng pangangatwiran ni Galileo ay maaaring hatiin sa tatlong uri:

  • Pagtanggi sa mga tutol na katwirang iniangat ng mga pilosopong tradisyunal; halimbawa, ang eksperimentong tungkol sa barko.
  • Mga obserbasyon na di-tugma sa Ptolemaic model: mga yugto ng Venus, halimbawa, na simpleng hindi mangyayari, o ang waring paggalaw ng mga sunspot, na maipapaliwanag lamang sa loob ng sistemang Ptolemaic o Tychonic bilang resulta ng di-kapanipaniwalang kumplikadong pag-ikot ng axis of rotation ng Araw.[10]
  • Pangangatwirang nagpapakita na ang eleganteng pinagbigkis na teorya ng Kalangitan na dala-dala ng mga pilosopo, na pinaniwalaang nagpapatunay na ang Earth ay nakapirme, ay mali; halimbawa, ang mga bundok sa Moon, mga buwan ng Jupiter, at ang mismong pagkakaroon ng mga sunspot, kung saan wala ni isa ay bahagi ng lumang astronomiya (bagama't ang mga ito ay may medyo kaduda-dudang kaugnayan, sa dahilang wala sa mga phenomenong ito ay may direktang kaugnayan sa mga tanong tungkol sa paggalaw ng earth o ng araw).

Sa kabuuan, ang mga katwirang ito ay matagumpay na nanatili sa mga tuntunin ng kaalaman ng sumunod na apat na siglo. Kung paano ito naging kapani-paniwala dapat sa isang di-kumikiling na mambabasa noong 1632 ay nananatiling isang pinagtatalunang paksa.

Nagtangka si Galileo ng isang pang-apat na uri ng katwiran:

  • Direktang pisikal na katwiran para sa paggalaw ng Earth, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng pag-akyat-baba ng tubig dagat (tides).

Bilang isang paliwanag sa dahilan ng pag-akyat-baba ng tubig dagat o isang patunay ng paggalaw ng Earth, ito ay isang kabiguan. (Sa totoo lang, ang pundamental na katwiran ay nagkakasalungat sa loob, at talagang tutungo sa dulong pasya na ang pag-akyat-baba ng tubig dagat ay hindi umiiral). Subalit si Galileo ay nahibang sa katwirang iyan at ginugol ang "Ika-apat na Araw" ng talakayan dito. Ang antas ng kabiguan nito ay, tulad ng halos lahat ng may kaugnayan kay Galileo, isang bagay na pinagtatalunan. Sa isang banda, ang buong isyung ito ay kamakailan inilarawan bilang "cockamamie."[11] Sa kabilang banda, ginamit ni Einstein ang isang magkaibang paglalarawan:

Ang pag-asam ni Galileo ng isang mekanikal na patunay ng paggalaw ng earth ang siyang nagligaw sa kanya papunta sa maling teorya ng pag-akyat-baba ng tubig dagat. Ang kabigha-bighaning pangangatwiran sa huling pag-uusap ay malamang mahirap nyang matanggap na patunay, kung hindi lang sana sya nakain ng kanyang pag-uugali. [Emphasis added][12][13]

Mga edisyong nakalimbag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Maurice A. Finocchiaro: Retrying Galileo, 1633-1992, University of California Press, 2007 ISBN 0-520-25387-6, 9780520253872
  2. Journal for the history of astronomy, 2005
  3. Gindikin, Semen Grigorʹevich (1988). Tales of physicists and mathematicians. Birkhäuser. p. 62. ISBN 9780817633172. Nakuha noong 22 Pebrero 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-28. Nakuha noong 2011-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Trial of Galileo: A Chronology". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-05. Nakuha noong 2011-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. See Galileo affair for more details, including sources.
  7. Arthur Koestler, The Sleepwalkers: A History of Man's Changing Vision of the Universe (1959), Penguin Books, 1986 edition: ISBN 0-14-055212-X, 978014055212X 1990 reprint: ISBN 0-14-019246-8, 9780140192469 [1]
  8. Stillman Drake: Galileo at Work: His Scientific Biography, Courier Dover Publications, 2003, ISBN 0-486-49542-6, page 355 : Cremonini and delle Colombe
  9. "La legha del pippione". "Pippione" is a pun on Colombe's surname—which is the plural of the Italian word for dove. Galileo's friends, the painter, Lodovico Cardi da Cigoli (sa Italyano), his former student, Benedetto Castelli, and a couple of his other correspondents often referred to Colombe as "il Colombo", which means "the Pigeon". Galileo himself used this term a couple of times in a letter to Cigoli of October, 1611 (Edizione Nazionale 11:214). The more derisive nickname, "il Pippione", sometimes used by Cigoli (Edizione Nazionale 11:176, 11:229, 11:476,11:502), is a now archaic Italian word with a triple entendre. Besides meaning "young pigeon", it is also a jocular term for a testicle, and a Tuscan dialect word for a fool.
  10. Drake, (1970, pp.191–196), Linton (2004, pp.211–12)[patay na link], Sharratt (1994, p.166). This is not true, however, for geocentric systems—such as that proposed by Longomontanus—in which the Earth rotated. In such systems the apparent motion of sunspots could be accounted for just as easily as in Copernicus's.
  11. Timothy Moy (2001). "Science, Religion, and the Galileo Affair". Skeptical Inquirer. {{cite journal}}: External link in |journal= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Foreword; By Albert Einstein; Authorized Translation by Sonja Bargmann". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-25. Nakuha noong 2011-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(passages omitted)
  13. Paul Mainwood (2003-08-09). "Thought Experiments in Galileo and Newton's Mathematical Philosophy" (PDF). 7th Annual Oxford Philosophy Graduate Conference. 7th Annual Oxford Philosophy Graduate Conference. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-09-22. Nakuha noong 2011-06-24. {{cite conference}}: Unknown parameter |booktitle= ignored (|book-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), quoting page xvii of Einstein's foreword in G. Galilei (1632/1953). Dialogue Concerning the Two Chief World Systems. Translated by Stillman Drake. Berkeley and Los Angeles, CA: The University of California Press. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Linton, Christopher M. (2004). From Eudoxus to Einstein—A History of Mathematical Astronomy. Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-82750-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Sharratt, Michael (1994). Galileo: Decisive Innovator. Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 0-521-56671-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]