Pumunta sa nilalaman

Dolyar ng Namibiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dolyar ng Namibiya
10 sentimos, 50 sentimos, N$1, at N$5
Kodigo sa ISO 4217NAD
Bangko sentralBangko ng Namibiya
 Websitebon.com.na
User(s) Namibia (kasabay ng rand ng Timog Aprika sa halagang 1 dolyar ay katumbas ng 1 rand)
Pagtaas6.8%
 PinagmulanThe World Factbook, 2016 est.
Pegged withkatumbas ng rand ng Timog Aprika
Subunit
 1/100sentimo
Sagisag$, N$
Perang barya5, 10, 50 sentimo, N$1, N$5, N$10
Perang papelN$10, N$20, N$30, N$50, N$100, N$200

Ang dolyar ng Namibiya (palantandaang pananalapi: N$; kodigo: NAD) ay isang pananalapi ng Namibiya mula pa noong 1993. Karaniwang pinaikli nito sa palantandaan na dolyar $, o kung hindi ito maihalintulad sa mga pananalaping mayroong dolyar, N$ ang ginagamit dito. Ito ay hinati sa 100 sentimos.

Pinalitan ng dolyar mula sa rand ng Timog Aprika, na naging pananalapi habang nasa teritoryo pa ng batas ng Timog Aprika bilang Timog-Kanlurang Aprika mula noong 1920 hanggang 1990, sa katumbas na halaga. Tinatanggap pa rin sa sirkulasyon ang rand sapagkat magkakaugnay ito sa rand ng Timog Aprika ang dolyar ng Namibiya at pinapalitan nito sa gawaing uno-por-uno sa lokalidad. Naging bahagi ng Lugar ng Karaniwang Pananalapi ang Namibiya mula sa kalayaan nito noong 1990 hanggang maipakilala ang pananalaping dolyar noong 1993.

Sa una, inimungkahi ang iba't-ibang pangalan ng dolyar ng Namibiya, kasama ng kalahar ng Namibiya, na galing sa isang disyerto ng Kalahari na makikita sa silangan ng Namibiya, ngunit ginamit ng pamahalaan ang dolyar ng Namibiya bilang pangunahing pananalapi. Naisyu noong ika-15 ng Setyembre 1993 ang unang salaping papel nito.[1] Inisyu naman noong Disyembre 1993 ang kauna-unahang barya nito.

Mga salaping tinatanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Baryang limang dolyares

Ipinakilala ang unang serye ng barya noong 1993, na mayroong denominasyon na 5, 10, 50 sentimo, 1 at 5 dolyares. Ipinakilala naman noong 2010 ang baryang 10 dolyares na katulad ng kulay at komposisyon ng mga metal sa baryang sampung-piso ng Pilipinas. Ipinagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ng kanilang bangko sentral, na makikita sa harapan si Dr. Sam Nujoma na naging pangulo ng Namibiya mula 1990 hanggang 2005. Samantala, itinigil ang paggawa ng 5 sentimong barya sa sirkulasyon noong Enero 2019 dahil sa mababa na ang halaga nito, ngunit gagamitin pa rin itong pambayad sa sirkulasuyon, at unti-unti na itong mawawala sa sirkulasyon o hanggang maideklara nang hindi na tatanggapin sa pangkalahatang sirkulasyon.

Mga barya ng Namibiya
Larawan Halaga Komposisyon Diyamerto Timbang Kapal Gilid Inisyu

5 sentimos bakal na tubog sa nikel 16.9 mm 2.2 g 1.2 mm Makinis 1993―2015

10 sentimos bakal na tubog sa nikel 21.5 mm 3.4 g 1.3 mm Makinis 1993―2012

50 sentimos bakal na tubog sa nikel 24 mm 4.4 g 1.45 mm Bahaging makinis at mala-tinubuan ng tambo 1993―2010

1 dolyar tansong dilaw 22.6 mm 5.0 g 1.9 mm Mala-tinubuan ng tambo 1993―2010

5 dolyares tansong dilaw 25.0 mm 6.2 g 1.8 mm Mala-tinubuan ng tambo 1993―2015
10 dolyares gitna: aluminyo-bronse; argola: tanso-nikel 30 mm 9.1 g 1.9 mm Bahaging makinis at mala-tinubuan ng tambo 2010

Salaping papel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makikita sa salaping papel na seryeng 1993 na si Kapitan Hendrik Witbooi, minsang naging hepe ng mga taong Namaqua at naging instrumento sa pagpuno ng mga rebulto laban sa batas ng Aleman noong pagpasok ng ika-20 siglo. Subalit, noong ika-21 ng Marso 2012, ipinakilala ng Bangko ng Namibiya ang bagong serye ng salaping papel na inisyu noong Mayo 2012. Nananatili pa ring pareho ang istruktura sa kasalukuyang pamilya ng salaping papel ng tulad ng sa nakaraang serye. Ang lahat ng denominasyon ay pinahusay sa tampok na iwas-pagbabalatkayo, at makikita pa rin sa salaping papel na 50-, 100-, at 200-dolyares si Kapitan Hendrik Witbooi, at makikita naman si Sam Nujoma, isang pangulong tagapagtatag ng bansang Namibiya, sa mga salaping papel ng 10- at 20-dolyares.[2][3]

Nadiskubre ng Bangko ng Namibiya na nagkaroon ito ng sira sa hugis-diyamanteng tintang pagpapalit ng kulay sa mga salaping papel na 10- at 20-dolyares dahil sa palabisang pagtutupi at paghawak nito. Inisyu sa mga bilang na kalidad ang Bangko ng Namibiya noong 2013 ang panibagong salaping papel na 10- at 20- dolyares na mayroong pinahusay na kalidad at tinanggal ang hugis-diyamanteng tintang pagpapalit ng kulay.[4]

Ipinakilala naman ng Bangko ng Namibiya noong ika-21 ng Marso 2020 ang panibagong salaping polimero na 30-dolyares bilang paggunita ng ika-30 anibersaryo ng kalayaan nito. '3 Dekada ng Kapayapaan at Katatagan' ang tema ng salaping papel na iyon, na ipinapakita ang tatlong pangulo ng Namibiya na umupo mula noong paglaya nito.[5]

Seryeng 2012
Larawan Halaga Laki Pangunaghing kulay Paglalarawan Petsa ng pag-isyu Petsa ng unang pag-isyu Markang tubig
Harapan Likuran Harapan Likuran
[1] [2] N$10 129 × 70mm Bughaw H.E. Dr. Sam Nujoma; Gusaling Parliyamento sa Windhoek Sagisag ng Namibia; tatlong nakatayong springbok (Antidorcas marsupialis) 2011 ika-15 ng Mayo 2012 Si Sam Nujoma at ang elektrotipong 10
[3] [4] N$20 134 × 70mm Kahel H.E. Dr. Sam Nujoma; Gusaling Parliyamento sa Windhoek Sagisag ng Namibia; tatlong nakatayong pulang hartebeest 2011 ika-15 ng Mayo 2012 Si Sam Nujoma at ang elektrotipong 20
[5] [6] N$50 140 × 70mm Luntian Kapitan Hendrik Witbooi; Gusaling Parliyamento sa Windhoek Sagisag ng Namibia; limang nakatayong antelopang kudo (Tragelaphus stepsiceros) 2012 ika-15 ng Mayo 2012 Si Kapitan Hendrik Witbooi at ang elektrotipong 50
[7] [8] N$100 146 × 70mm Pula Kapitan Hendrik Witbooi; Gusaling Parliyamento sa Windhoek Sagisag ng Namibia; tatlong nakatayong oryx (Oryx gazella) 2012 ika-15 ng Mayo 2012 Si Kapitan Hendrik Witbooi at ang elektrotipong 100
[9] [10] N$200 152 × 70mm Lila Kapitan Hendrik Witbooi; Gusaling Parliyamento sa Windhoek Sagisag ng Namibia; tatlong nakatayong umaangal na antelopa 2012 ika-15 ng Mayo 2012 Si Kapitan Hendrik Witbooi at ang elektrotipong 200

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. NAMIBIA CURRENCY SPOTLIGHT Naka-arkibo 2020-09-26 sa Wayback Machine. blog.continentalcurrency.ca. Kinuha noong ika-17 ng Hunyo 2021.
  2. Linzmayer, Owen (2012). "Namibia". The Banknote Book. San Francisco, CA: www.BanknoteNews.com.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Namibia new 2012 banknote family confirmed Naka-arkibo 2012-06-24 sa Wayback Machine. BanknoteNews.com. Kinuha noong ika-1 ng Hulyo 2021.
  4. Namibia new 10- and 20-dollar notes reported Naka-arkibo 2013-06-10 sa Wayback Machine. BanknoteNews.com. Ika-4 ng Hunyo 2013. Kinuha noong ika-1 ng Hulyo 2021.
  5. Namibia new 30-dollar commemorative note (B218a) confirmed BanknoteNews.com. Ika-15 ng Mayo 2020. Kinuha noong ika-1 ng Hulyo 2021.