Pumunta sa nilalaman

Dragong Biyetnames

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eskudo de armas ng Timog Biyetnam, 1955-1975.

Ang mga dragong Biyetnames o dragon ng Biyetnam (Biyetnames: rồng o long ) ay masagisag na mga nilikha sa kuwentong-bayan at mitolohiya ng Biyetnam. Ayon sa isang pang-unang kapanahunang mito ng paglikha, ang mga taong Biyetnames ay nagmula sa isang dragon at sa isang diwata.

Para sa mga tao ng Biyetnam, ang dragon ay nagdadala ng ulan, na mahalaga para sa agrikultura. Kumakatawan ito sa emperador, at sa kariwasaan at kapangyarihan ng bansa. Katulad ng dragong Intsik, ang dragong Biyetnames ay isang sagisag ng yang, na kumakatawan sa sansinukob, buhay, pag-iral, at paglaki.

Ang umiiral pang pagtukoy sa dragong Biyetnames ay bihira na sa ngayon, dahil sa masidhing mga pagbabago sa kasaysayan na hatid ng sinisisasyon ("pagiging makakulturang Intsik") ng Dinastiyang Nguyễn.

Ang panlimang salinlahing apong lalaki ni Shennong, Lạc Long Quân - hari ng kadragunan na namumuhay malapit sa dagat Đông ay nagpakasal sa diyosang si Âu Cơ na anak na babae ng hari ng kaibunan na si Đế Lai. Si Âu Cơ ay nangitlog ng isandaang mga itlog, na napisa upang maging isandaang mga anak na lalaki. Ang panganay na lalaki ay naging hari ng Lạc Việt, ang unang dinastiya ng Biyetnam, at ipinahayag ang kanyang sarili bilang si Emperador Hùng Vương. Ang Una ay nasundan ni Hùng Vương Ang Ikalawa, Hùng Vương Ang Ikatlo, at iba pa, sa loob ng labinwalong mga pamumuno. Ito ang pinagmulan ng kasabihang Biyetnames na "Con Rồng, cháu Tiên" ("Mga anak ng dragon, mga apo ng mga diyos").

HayopMitolohiyaBiyetnam Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop, Mitolohiya at Biyetnam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.