Pumunta sa nilalaman

Ebanghelyo ng Katotohanan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ebanghelyo ng Katotohanan ang isa sa mga tekstong gnostiko na natagpuan sa mga kodeks ng Aklatang Nag Hammadi sa Ehipto.[1] Ang ebanghelyong ito ay malamang na isinulat sa Griyego sa pagitan ng 140 CE at 180 CE ng mga gnostikong Valentinianismo. Ito ay alam ni Irenaeus ng Lyons na tumutol dito dahil sa nilalaman nitong gnostiko at idineklara itong heresiya.

Ang Ebanghelyo ng Katotohanan ay inilalarawan na kagalakan sa mga nakatanggap mula sa Ama ng kaloob ng pagkakilala sa kanya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Logos na nagmula sa pleroma at nasa isipan ng Ama na tinatawag na Tagapagligtas. Inihayag ni Hesus ang katotohanan sa sangkatauhan hindi lamang ng pinagmulan nito at kapalaran kundi ang pinakaesensiya ng Ama. Ang kamangmangan tungkol sa Ama ay nagdudulot ng sindak at takot. Ang kamangmangan at paghahangad na makita ang Ama ay lumilikha ng takot na kumakapal sa isang hamog na walang nakakakita. Sa pamamagitan nito ay lumakas ang Kamalian. Sa pamamagitan ni Hesus ay naliwanagan ang mga nasa kadiliman dahil sa pagiging makalimutin. Kanyang nilawanagan sila at nagbigay ng isang landas na katotohanang kanyang itinuro sa kanila. Dahil dito, ang Kamalian ay nagalit kay Hesus at ipinako siya sa krus. Ang mga nanatiling mangmang ay isang nilalang ng pagiging makalimutin at mapapahamak kasama nito. Inihayag ng Ama ang kanyang tagong sarili na kanyang anak upang sa pamamagitan ng habag ng Ama, ay makikilala siya ng mga aeon at wakasan ang kanilang nakapapagod na paghahanap sa Ama at humimlay sila sa kanya na nalalamang ito ay kapahingahan. Pagkatapos niyang punuin ang hindi kumpleto ay kanyang winakasan ang anyo. Ang anyo nito ang daigdig na pinagsilbihan nito. Sapagkat kung saan may inggit at alitan ay mayroong kawalang kakumpletuhan, ngunit saan may pagkakaisa ay may kakumpletuhan. Dahil ang kawalang kakumpletuhan ay nangyayari dahil hindi nila nakilala ang Ama, kaya kapag nakilala nila ang Ama, ang kawalang kaklumpletuhan ay nagwawakas. Kung paanong ang kamangmangan ay naglalaho kapag nakakamit ng isa ang kaalaman, at kung paanong ang kadiliman ay naglalaho kapag ang liwanag ay lumilitaw ay gayundin na ang kawalang kakumpletuhan ay natatanggal ng kakumpletuhan. Tiyak na mula sa sandaling iyon, ang anyo ay hindi na namamalas ngunit natutunaw sa pagsasanib sa pagkakaisa. Sa ngayon, ang kanilang mga gawa ay nagkalat. Kalaunan, ang pagkakaisa ay gagawa sa mga espasyong kumpleto. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, mauunawaan ng bawat isa ang kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kaalaman ay dadalisayin nito ang pagkakaiba-iba na may isang pananaw tungo sa pagkakaisa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]