Pumunta sa nilalaman

Elara

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Elara (buwan))
Isang larawan ng buwang Elara galing kay New Horizon noong Marso ng 2007.

Ang Elara ay isang likas na satelayt ni Hupiter at ang pangalawang pinakamalaking di-regular na buwan ni Hupiter na may laki ng mga 80 na kilometro.[1] Ito rin ay ang pangalawang natuklasang di-regular na buwan na natuklasan noong 1905, kasunod ni Himalia sa 1904.[2]

Ang Elara ay umiikot kay Jupiter sa karaniwang layo na 11,703,130 km sa loob ng mga 258 na araw, na may kiling na humigit-kumulang 30° sa kaniyang ligiran sa normal direksyon, at may eksentrisidad na 0.196. Ang ligiran nito ay patuloy na nagbabago dahil sa mga pag-istorbo mula sa araw at ibang planeta.

Si Elara ay kabilang sa pangkat Himalia, isang progradong grupo ng mga buwan na umiikot sa pagitan ng 11 at 13 Gm mula sa Jupiter, may mga kiling na 27 hanggang 30°, at eksentrisidad na 0.11 hanggang 0.24.

Pagkakatuklas at pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natuklasan si Elara ni Charles Perrine mula sa Obserbatoryo ng Lick gamit ang 36-inch na teleskopyo doon noong ika-5 ng Enero sa 1905, isang araw pagkatapos niya ipahayag ang pagkakatuklas ng Himalia.[3] Gayunpaman, ang masamang kondisyon ng panahon ay nagdulot ng pagkaantala sa kumpirmasyon ng pagkakatuklas hanggang Pebrero 21.[4]

Pinangalanan ito kay Elara sa mitolohiyang Griyego, isa sa mga kasintahan ni Zeus at ina ng higanteng si Tisiyo.[5] Hindi natanggap na ang kasalukuyang pangalan nito ay Elsra hanggang 1975; bago noon, kilala lamang ito bilang Jupiter VII. Minsan rin itong tinawag na "Hera" sa pagitan ng 1955 at 1975.[6]

Pisikal na katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May diyametro na humigit-kumulang 80 kilometro si Elara, na may sukat na albedo na 4.6%,[7] kaya ito ang ikawalong pinakamalaking buwan ng Jupiter. Ito ay humigit-kumulang 2.6% ng laki ng Europa. Gayunpaman, kalahati lamang ang laki nito kumpara kay Himalia, kaya ito ang pangalawang pinakamalaking miyembro ng pangkat Himalia.

Katulad ng ibang miyembro ng pangkat Himalia, ang likas na satelayt ay kulay abo (mga indeks ng kulay: B-V=0.66, R-V=0.36), na karaniwan sa mga uring-C na asteroyd.[7]

Bukod dito, ang mababang sukatang halaga ng sinag na 0.79 ± 0.03 ay nagpapahiwatig na may malaking hindi pantay na ibabaw si Elara.[7]

Malamang na hindi nabuo si Elara malapit sa Jupiter kundi nahuli lamang ito ng Jupiter sa kalaunan. Katulad ng ibang miyembro ng pangkat Himalia na may magkakahalintulad na mga ligiran, malamang na ang Elara ay natirang piraso ng isang nabasag na asteroyd na nahuli ng planeta.

Pagtagpo ng New Horizons

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero at Marso 2007, nakunan ng sasakyang pangkalawakan na New Horizons papuntang Pluto si Elara sa ilang mga larawan gamit ang LORRI, mula sa distansyang 8 milyon km (5 milyon mi).[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Moons_of_Jupiter#:~:text=Elara&text=79.9
  2. https://telescope.live/blog/himalia-moon-jupiter#:~:text=Jupiter%20VI,December%201905&text=Perrine%20also,in%201905.
  3. https://science.nasa.gov/jupiter/jupiter-moons/elara/#:~:text=Elara%20was,San%20Jose.
  4. Proctor, Mary (Marso 5, 1905). "Jupiter's Newly Discovered Moons and Solar Cyclones". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 4, 2022.
  5. Marsden, Brian G. (7 Oktubre 1975). "Satellites of Jupiter" (sa wikang Ingles). International Astronomical Union. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Pebrero 2014.
  6. Payne-Gaposchkin, Cecilia; Katherine Haramundanis (1970). Introduction to Astronomy (sa wikang Ingles). Englewood Cliffs, N.J.: Prentice-Hall. ISBN 0-13-478107-4.
  7. 1 2 3 Grav, T.; Bauer, J. M.; Mainzer, A. K.; Masiero, J. R.; Nugent, C. R.; Cutri, R. M.; atbp. (Agosto 2015). "NEOWISE: Observations of the Irregular Satellites of Jupiter and Saturn". The Astrophysical Journal (sa wikang Ingles). 809 (1): 9. arXiv:1505.07820. Bibcode:2015ApJ...809....3G. doi:10.1088/0004-637X/809/1/3. S2CID 5834661. 3.
  8. Hamilton, Thomas Wm. (2013). Moons of the solar system (sa wikang Ingles). Strategic Book Publishing. p. 21. ISBN 978-1625161758.
  9. Perrine, C. D. (27 Pebrero 1905). "Satellites of Jupiter". Harvard College Observatory Bulletin (sa wikang Ingles). 178.
  10. Perrine, C. D. (1905). "The Seventh Satellite of Jupiter". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 17 (101): 62–63. Bibcode:1905PASP...17...56.. doi:10.1086/121624. JSTOR 40691209.
  11. "M.P.C. 115889" (PDF). Minor Planet Circular (sa wikang Ingles). Minor Planet Center. 27 Agosto 2019.
  12. Sheppard, Scott. "Scott S. Sheppard - Jupiter Moons". Department of Terrestrial Magnetism (sa wikang Ingles). Carnegie Institution for Science. Nakuha noong 26 Nobyembre 2020.
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "Harvard1905" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "Perrine1905" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "MPC115889" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "SheppardMoons" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2