Pumunta sa nilalaman

Apulid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eleocharis dulcis)

Apulid
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Poales
Pamilya: Cyperaceae
Sari: Eleocharis
Espesye:
E. dulcis
Pangalang binomial
Eleocharis dulcis

Ang apulid[1] (Ingles: Chinese water chestnut o water chestnut [karaniwang katawagan sa Ingles na ang literal na salin ay kastanyas-tubig]; pangalang pang-agham: Eleocharis dulcis) ay isang halamang kamukha ng sedge (isang tila-damong yerba) na itinatanim dahil sa mga nakakaing corm. Ang apulid ay mayroong hugis-tubo at walang-dahong mga tankay na lumalaki hanggang 1.5 mga metro. Ang iba pang mga singkahulugang pangalang ginagamit para sa apulid ay ang mga sumusunod: E. equisetina, E. indica, E. plantaginea, E. plantaginoides, E. tuberosa, at E. tumida). Ang halamang water caltrop, na tinatawag din na water chestnut sa Ingles, ay hindi kamag-anak ng apulid ngunit palagiang napagkakamalang apulid.

Ang apulid (Tsinong tradisyunal: 荸薺; Tsinong payak: 荸荠; hanyu pinyin: bíqí) ay katutubo sa Tsina at malawakang inaalagaan sa mga matutubig na mga taniman sa mga bukirin ng katimugang Tsina at mga bahagi ng Pilipinas. Mas maliliit ang mga apulid na matatagpuan sa Pilipinas. Karaniwang ipinagbibili ng sariwa ang mga ito, ngunit mayroon ding nasa lata.[1]

Ang maliit at biluging bungang corm ay may malutong at puting laman na maaaring kainin ng hilaw, bahagyang pinakuluan, inihaw, inatsara, o dinelata. Ang mga ito ay tanyag na sahog sa mga lutuing Tsino. Sa Tsina, kalimitang kinakaing hilaw ang mga ito, na kung minsan ay minamatamisan. Maaari rin silang gilingin hanggang sa maging harina para gawing mga mamon, na karaniwan nang inihahaing kasama ng mga lutuing may dim sum. Kakaiba sila sa mga gulay sapagkat nananatili silang malutong kahit man matapos maluto o maisadelata. Nagagawa nila ang katangiang ito dahil ang mga dingding ng kanilang mga selula ay magkakaugpong na parang mga krus at pinatitibay ng mga kompawnd na penoliko, isang katangiang-ari na mayroon rin sa ibang mga gulay na nananatiling malutong sa ganitong paraan, katulad ng tiger nut (tigreng mani) at ugat-lotus.[2]

Ang mga corm ay mayaman sa mga karbohidrata (mga 90 bahagdan kapag tinimbang ng tuyo), lalo na ang gawgaw o almirol (mga 60 bahagdan kapag tinimbang ng tuyo), at mainam na pinagkukunan din ng hiblang pagkain, riboplabin, bitamina B6, potasyum, tanso, at manganesa.[3]

Kapag kinain ng hindi luto, maaaring makapagdulot na sakit na Fasciolopsiasis ang pang-ibabaw ng mga halamang ito.

Malapitang larawan ng isang bunga ng apulid.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Apulid - water chestnut". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McGee, Harold (2004). On Food and Cooking (Revised Edition) [Hinggil sa Pagkain at Pagluluto, Binagong Edisyon]. Scribner. pp. p. 308. ISBN 0-684-80001-2. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Waterchestnuts, chinese, (matai), raw (Apulid, tsino (matai), hilaw". NutritionData.com. CondéNet, Inc. Nakuha noong Disyembre 31, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]