Elohiyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang elohiyo[1] (Espanyol: elogio; Ingles: eulogy, mula sa εὐλογία, eulogia, Klasikal na Griyego na may kahulugang "mabubuting mga salita" o "mabubuting mga pananalita") ay isang pananalita o talumpati o sulatin na nagbibigay ng papuri sa isang tao o bagay, natatangi na ang sa isang namatay kamakailan lamang o nagretiro na.[2][3][4] Ang paunlak ay maaaring ibigay bilang bahagi ng serbisyong panlibing. Subalit may ilang mga denominasyon na maaaring hindi nanghihikayat o hindi nagpapahintulot ng mga paunlak sa oras ng mga serbisyo upang mapanatili ang paggalang sa mga kaugalian. Ang mga paunlak ay nagbibigay din ng papuri sa isang nabubuhay pang tao o mga tao, na karaniwang nagaganap tuwing mayroong natatanging okasyong katulad ng mga kaarawan at iba pa. Ang mga eulohiya ay hindi dapat ikalito sa mga elehiya, na mga tulang isinulat bilang parangal para sa namatay na; hindi rin ito dapat ikalito sa mga obitwaryo, na mga balita o talambuhay tungkol sa pagkamatay ng isang tao at naglalahad o umaalala sa mga naging buhay ng isang tao o mga taong namatay kamakailan lamang; at hindi rin ito dapat na ikalito sa mga obsequy, na tumutukoy na pangkalahatan sa mga ritwal na nakapalibot sa mga libing. Ang mga paring Katoliko ay pinagbabawalan ng mga rubriko ng Misa mula sa paghaharap o pagpapahayag ng isang eulohiya para sa yumao bilang kapalit o kahalinhin ng isang homilya habang nagaganap ang isang Misang panlibing.[5]

Ang mga paunlak ay karaniwang inilalahad ng isang kasapi ng mag-anak o isang malapit na kaibigan ng pamilya, sa kaso ng isang taong namatay na. Para sa isang paunlak para sa nabubuhay pang tao na ibinibigay sa pagkakataon ng isang pagreretiro, ang isang kolega o kasamang nauna sa trabaho o may senyoridad ang marahil na dapat maglahad nito. Sa ibang mga pagkakataon, ang mga paunlak ay ibinibigay sa mga may karamdamang malubha o matatanda (may edad na) upang makapagpapahayag ng mga pananalita ng pag-ibig at utang na loob bago mamatay ang mga ito.

Naglalarawan ito ng alaala o karanasan ng isang taong namatay bago ito namatay

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Almario, Virgilio, ed. (2010). "elohiyo, eulogy". UP Diksiyonaryong Filipino (Ikalawang ed.). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. ISBN 978-971-635-033-3.
  2. talahulugan ng Umnibersidad ng Cambridge.
  3. [http://georgewbush-whitehouse.archives.gov/news/releases/2004/06/20040611-2.html Eulohiya ni George W. Bush, Pangulo ng Estados Unidos sa Serbisyong Panlibing para kay Ronald Reagan, dating pangulo rin ng Estados Unidos
  4. Funeral Speech
  5. The General Instruction of the Roman Missal 382.


PanitikanPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.