Epekto ng rock music sa lipunan
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Oktubre 2007)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Karamihan sa populasyon at daigdigang sakop ng rock music ay may malaking epekto sa lipunan. Ang rock and roll ay nagimpluwensiya ng pangaraw-araw na buhay, pananamit, turing, at wika sa pamamaraan na napantayan lamang ng kunting pangyayari. Habang lumipas ang panahon, ang musikang rock ay natanggap at naisalin sa kulturang popular. Simula noong 1970s, ang musikang rock ay ginamit sa ibang patalastas; sa sumunod na dekada, ang kasanayang ito ay lumaganap. Sa simula ng 1980s, ang musikang rock ay madalas ipinapakita sa pelikula at sa ponograma ng mga programang telebisyon.
Sekswalidad at bisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang rock and roll na pamumuhay ay sikat na nauugnay sa seks at droga. Marami sa mga nauunang tanyag na tao ng rock and roll (pati na rin ang kanilang mga katapat sa jazz at blues) ay kilala sa kanilang “party hard” na pamumuhay. Sa 1960s, tinulungan ng patagong pamahayagan ng rock, ang pamumuhay ng maraming celebrity ay mas naging kilala. Ang mga musikero ay tagal nang pinapansin ng mga "groupies" (mga babaeng sumusunod sa mga musikero) na sumasama sa banda at madalas binibigyan ng sexual favors ang mga miyembro nito.
Ang mga droga ay madalas nagiging malaking bahagi ng pamumuhay ng rock music. Sa 1960s, ang psychedelic music ay lumitaw; ang ibang musikero ay hinihikayat at inilaan ang mga tagapakinig nito na pakinggan ang kanilang mga kanta sa ilalim ng impluwensiya ng LSD o sa iba pang hallucinogenic na gamot para mapaganda ang pakikinig. Sinabi ni Jerry Garcia mula sa bandang Grateful Dead na "For some people, taking LSD and going to Grateful Dead show functions like a rite of passage.... we don't have a product to sell; but we do have a mechanism that works." Padron:Banggit kailangan
Ang popularidad at pagsulong ng paglibangan ng bawal na gamot ng mga tanyag na musikero ay maaaring naimpluwensiyahan ang paggamit ng droga at ang pang-unawa ng pagtanggap nito sa mga kabataan ng panahon. Nakikita ito sa The Beatles, na noon ay kilala bilang mga mababait na bata, ay umamin na sila'y gumagamit ng LSD. Nang nalaman ng kanilang fans, sila'y agad sinundan. Ang mamamahayag na si Al Aronowitz ay sumulat "...whatever the Beatles did was acceptable, especially for young people."
Sa bandang huli ng 1960s at simula ng 1970s, naglaho ang grupo ng rock and roll na gumagamit ng droga dahil maraming taglay na musikero na namamatay sa paggamit nito. Kasali sa mga namatay si Jimi Hendrix, Janis Joplin, at Jim Morrison. Kahit na marami paring rakista ang gumagamit ng droga, nagkaroon ng respeto ang madla sa panganib ng paggamit ng droga. Dahil dito, maraming anti-droga na kanta naging bahagi sa rock lexicon, kapansin-pansin dito ang "The Needle and the Damage Done" ni Neil Young (1972).
Maraming rock musicians, katulad ni Lemmy, John Lennon, Paul McCartney, Bob Dylan, Buffy Sainte Marie, Jerry Garcia, Stevie Nicks, Jimmy Page, Keith Richards, Eric Clapton, Pete Townshend, Brian Wilson, Carl Wilson, Dennis Wilson, Steven Tyler, Scott Weiland, Sly Stone, Madonna, Ozzy Osbourne, Mötley Crüe, Layne Staley, Kurt Cobain, Courtney Love,Anthony Kiedis, Dave Mustaine, David Bowie, Elton John, at iba pa, ay kilalang lumalaban sa addictions sa maraming mga droga kabilang dito ang kokaina at heroin; marami sa kanila ang nagtagumpay dahil sa mga programang rehabilitasyon, ngunit, may ibang namamatay. Sa simula ng 1980s, kasama ang pagsikat ng bandang Minor Threat, ang straight edge lifestyle as sumikat rin. Ang pilosopiyang straight edge na nagsasabing umiwas sa droga, alak, tabako, at seks ay naging kaugnay sa hardcore punk music sa paglipas ng mga taon, at itong dalawa ay nananatiling sikat sa kabataan ngayon. Padron:Banggit kailangan
Paraan ng pananamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang rock music at fashion ay parating konektado. Ang maangas na imahe ng naunang mga rakista tulad ni Gene Vincent ay nagimpluwensiya ng henerasyon ng mga kabataan sa dalawang panig ng dagat. May sumiklab na labanang kultura sa gitnang 1960s sa UK sa pagitan ng "Mods" (na pinapaboran ang sosyal at mamahaling kasuotan) at ng "Rockers" (na pinapaboran ang mga T-shirt at pantalon); ang bawat estilo ay may pinapabor ring musika at banda. Ang mga bandang ito ay mas lalong pinalala ang labanan sa paggawa ng mga kantang pabor sa isang estilo (ang laban ng Mods at Rockers ay ang gumawa ng backdrop para sa rock opera Quadrophenia ng The Who). Sa 1960s, dinala ng The Beatles and mop-top na gupit, collarless blazers, at Beatle Boots.
Ang mga rock musicians ay isa sa mga unang nakisabay sa hippie fashion. Ipinakilala rin nila ang mga katulad na estilo, halimbawa dito ang Nehru jacket; ang ibang banda katulad ng Beatles ay nagimpluwensiya ng 1960s style sa kanilang panamit. Habang ang mga genre ng rock music ay dumadami, ang sinusuot ng artista ay naging sing-importante sa musika mismo sa pagbuo ng intensiyon at relasyon sa kanilang fans. Ang Glam rock ng 1970s ay ginawang masimportante ang fashion sa rock music dahil sa imaheng "glitter" ng mga artistang katulad ni T. Rex at Alice Cooper. Ang mga artista na aktibo sa huling 1960s katulad ni David Bowie, Lou Reed, at Iggy Pop ay sila rin nagpatibay ng glam-influenced na imahe. Sa huling 1970s, ang disco naman ang nakatulong upang dalhin ang marangyang estilo mula sa lungsod, habang ang mga grupong New wave ay nagsimulang magsuot ng mock-konserbatibong kasuotan (kabilang ang mga suit jackets at skinny ties) sa pagtatangkang hindi sila katulad sa mainstream rockers (kung sino pa rin ang pinapaboran ang asul na maong at mga suot na may impluwensiya ng hippies).
Sa simula ng 1990s, ang katanyagan ng grunge ay nagdala ng sariling fashion. Ang mga grunge musicians at fans ay nagsusuot ng gutay-gutay na maong, lumang sapatos, flannel shirts, at nakabaliktad na sumbrerong baseball, at pinahaba rin nila ang kanilang buhok bilang isang laban sa clean-cut na imahe at ang mabigat na pinag-commercialize na kulturang pop-music na sikat sa panahon na iyon. Ang mga musikero ayay patuloy nananatiling fashion icons; ang mga pop-culture na magasin katulad ng Rolling Stone ay madalas nagsasali ng fashion layouts na nagtatampok ng mga musikero bilang models.
Katunayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga rock musicians at fans ay matagal nang naghihirap sa kabalintunaan ng "selling out"—upang maisaalang-alang na "tunay", ang rock music ay dapat panatilihin ang isang tiyak na distansiya mula sa pangkalakalan (commercial) na mundo at ang mga konstrak nito; gayunpaman paniniwala parin na may ilang mga compromises na dapat gawin upang maging matagumpay at upang gawing available ang musika sa madla. Ang problemang ito ay gumawa ng distansiya sa mga musikero at tagahanga, hanggang umabot sa ibang mga banda na gumagawa ng kahit ano upang maiwasan ang imaheng "selling out" (habang may paraan paring pananatilihing magarang ang kanilang buhay). Sa ibang estilo ng rock, katulad ng punk at heavy metal, ang mga musikero na pinaniniwalaang nag-"sell out" para sa pera ay nalalabel sa nakaksirang "poseur" na term.
Kapag ang isang performer ay kilala sa isang estilo, ang paglipat sa ibang estilo ay maaaring makita bilang selling out sa mga tagahanga. Sa kabila, ang ibang mga artista ay kinokontrol sa mga managers at producers, katulad sa nakakagulat na paglipat ni Elvis Presley mula sa "Hillbilly Cat" patungong "your teddy bear". Mahirap sabihin kung alin ang paghahanap ng masmaraming tagahanga o kung nagsesell out lamang ang isang artista. Iniwan ni Ray Charles ang kanyang klasikong pagbabalangkas ng rhythm at blues upang magkanta ng country music, pop songs at mga patalastas ukol sa soft-drink. Sa paglipat nito, umakyat siya galing sa kunting tagahanga patungong pandaigdigang katanyagan. Sa pinakahuli, ito ay isang moral na desisyon na ginagawa ng artista, management at tagahanga.
Hangaring panlipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pag-ibig at kapayapaan ay napaka-karaniwang tema na sa rock music noong 1960s at 1970s. Ang mga rock musicians ay madalas na tinangkaang iaddress ang mga isyu ng lipunan sa pamamagitan ng commentary o bilang tawag sa pagaksiyon. Sa Vietnam War unang narinig mga mga rock protest songs, na ginawang inspirasyon ang mga kanta ng mga folk musicians katulad kay Woody Guthrie at Bob Dylan. Ang mga protest songs na ito ay nagsisimula sa mga di malinaw na tawag para sa kapayapaan katulad ng "If I Had a Hammer" ni Peter, Paul and Mary, abot sa dire-diretsong diatribes nina Crosby, Stills, Nash & Young na "Ohio". Ang ibang mga musikero, kapansin-pansin si John Lennon at Yoko Ono, ay malinaw sa kanilang anti-war na kuro-kuro, at ito'y nakikita sa kanilang musika at salita.
Ang mga sikat na rock musicians ay nagpatibay ng mga galawan mula sa kapaligiran (ang "Mercy Mercy Me (The Ecology)" ni Marvin Gaye at "Biko" ni Peter Gabriel), hanggang sa karahasan (ang "Sunday Bloody Sunday" ng U2), at ang daigdigang patakaran sa ekonomiya (ang "Kill The Poor" ng The Dead Kennedys). Ang isa pang kapansin-pansin na protest song ay ang "People Have The Power" ni Patti Smith. Sa okasyon, ang pagsusuporta nito ay lalampas sa pagsulat ng kanta at aabot sa mga concert o sa mga televised na kaganapan, madalas na pagtataas ng pera para sa charity o kamalayan sa pandaigdigang isyu.
Ang rock and roll bilang social activism ay umabot ng milyahe sa Live Aid concerts, na ginanap noong 13 Hulyo 1985, na nanggaling sa 1984 na kanta "Do They Know It's Christmas?" at naging pinakamalaking concert sa kasaysayan na may nagpapakitang-gilas sa dalawang pangunahing yugto: isa sa London, England, at ang isa sa Philadelphia, USA. Ang concert ay nagtagal ng 16 na oras at naitampok ang halos lahat na taglay na tao ng rock at pop noong 1985. Ang charity event ay nagkaroon ng milyong-milyong mga dolyar para tulungan ang famine sa Africa. Ang Live Aid ay naging halimbawa para sa maraming iba't-ibang fund-raising na kaganapan.
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga manunulat ng kanta katulad ni Pete Townshend ay ginalugad ang espirituwal na aspekto sa kanilang trabaho. Ang karaniwang paggamit ng term na "rock god" ay kinikilala ang pangrelihiyong paghahanga sa ibang mga rock stars. Si John Lennon ay naging kasumpa-sumpa pagkatapos ng isang pahayag na ginawa niya sa 1966 na ang The Beatles ay "bigger than Jesus".[1] Gayunman, mamaya niyang sinabi na ang pahayag na ito ay hindi niya sinadyang gawing anti-Christian.[2]
Maraming artista katulad ng Iron Maiden, Ozzy Osbourne, King Diamond, Alice Cooper, Led Zeppelin, Marilyn Manson, Slayer at iba pa ay akusado ng pagiging satanist, immoral, o kung hindi man nagkakaroon ng isang "masamang" impluwensiya sa kanilang tagapakinig. May mga sentimentang anti-relihiyon ring nakikita sa punk at hardcore. Halimbawa dito ang kantang ""Filler" ng Minor Threat, ang pangalan at sikat na logo ng bandang Bad Religion at ang pagpula ng Kristiyanismo at lahat na relihiyon.
Kristiyanismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Christian rock, alternative rock, metal, punk, at hardcore, ay tiyak na makikilalang genres ng rock music na may malakas na impluwensiya ng Kristiyanismo. Maraming grupo at indibidwal na hindi isinasaalang-alang bilang Kristiyanong rock artists ay may sariling paniniwala. Halimbawa dito sina The Edge at Bono ng U2 na Methodist at Anglican. Si Brandon Flowers naman na mula sa The Killers ay isang Latter Day Saint.
Gayunman, ang isang maliit na dakot ng mga konserbatibong Kristiyano ay nagsasabi na ang genres na hip hop, rock, blues at jazz ay mayroong jungle beats, o jungle music, at ang beat na ito ay sadyang masama, immoral, at/o sensual. Kaya, ayon sa kanila, kahit anong kanta sa genre na ito ay masama, hindi alintana ng mga lyrics o mensahe. May iba ngang pinahaba ang analysis na ito sa mga kantang Christian rock.[3]
Ang konserbatibong Kristiyanong manunulat na si David Noebel ay isa sa mga kapansin-pansin na parte sa pagkakaroon ng jungle beats. Sa kanyang mga sulat at talumpati, sinabi ni Noebel na ang paggamit ng beats na iyon ay isang komunismong plano upang pasamain ang moralidad ng kabataan ng Estados Unidos.[4] Ang paniniwala ni Pope Benedict XVI, ayon sa British Broadcasting Corporation, na "Rock... is the expression of the elemental passions, and at rock festivals it assumes a sometimes cultic character, a form of worship, in fact, in opposition to Christian worship."[5]
⅔===Ateismo=== Si Lemmy ng Motörhead, Kerry King ng Slayer at Noel Gallagher ng Oasis ay sikat na rakista na atheists or agnostics.Padron:Banggit kailangan Inilabas ni John Lennon ang sikat na kantang Imagine, na naglalarawan ng isang masmagandang mundo na kung saan walang relihiyon.
Satanismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilang metal bands ay gumagamit ng mga imaheng diyablo, bagaman hindi nila pagsamba o kinakailangang naniniwala kay Satanas.Padron:Banggit kailangan Si Ozzy Osbourne ay sinasabing Anglican at si Alice Cooper ay kilalang born-again na Kristiyano.Padron:Banggit kailangan Sa ilang mga kaso, bagaman, ang mga metal performers ay nagpakita ng satanic na pananaw. Si Varg Vikernes ay pagano at maraming iba pa sa unang Norwegian black metal scene ay Statnists.Padron:Banggit kailangan Kahit na sa loob ng naisalokal na sub-genre na musika bagaman, ang panununog ay nahatulan ng ilang mga kilalang tao sa Norwegian black metal scene, tulad ng Kjetil Manheim.[6]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Evening Standard, 4 Marso 1966
- ↑ Chicago Press Conference Transcript "Chicago Press Conference"
- ↑ "Virtue Magazine » Blog Archive » Music; how does it affect you?". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-12-16. Nakuha noong 2011-06-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [https://web.archive.org/web/20110718175453/http://www.conelrad.com/media/atomicmusic/sh_boom.php?platter=22 Naka-arkibo 2011-07-18 sa Wayback Machine. CONELRAD: Atomic Platters | The Marxist Minstrels [1968]]
- ↑ "Pope Benedict XVI in his own words". BBC News. 20 Abril 2005. 2005-04-20. Nakuha noong 2008-10-15.
{{cite news}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martin Ledang, Pål Aasdal (2008). Once Upon a Time in Norway.
- Alain Dister, The Story Of Rock Smash Hits And Superstars, (New York: Thames and Hudson, 1993), 40.