Eponimo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang isang eponimo ay isang tao, lugar, o bagay na kanino o kaninuman ang isang tao o isang bagay ay, o pinaniniwalaang, pinangalanan. Ang mga pang-uri na nagmula sa eponimo ay eponimiko.

Gamit ng salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Ginagamit ang salita sa iba't ibang paraan. Sa pinakamadalas na binabanggit na kahulugan, ang isang eponimo,[1][2] ay isang tao, lugar, o bagay kung saan ipinangalan ito sa kung anuman. Sa ganitong paraan, si Isabel I ng Inglatera ay ang eponimo ng panahong Isabelino. Kung tinutukoy si Henry Ford bilang "ang eponimong tagapagtatag ng Ford Motor Company", sa gayon, maaring tawaging eponimo si Henry Ford mismo, o ang kanyang pangalang "Ford." Maari din tumutukoy ang katawagan sa isang malikhaing gawa na ipinangalan sa isang kathang-isip na karakter (na siya rin ang titulong karakter, tulad ng kay Rocky Balboa ng seryeng pampelikulang Rocky), o sa mga gawang ipinangalan sa mga lumikha nito (tulad ng album na The Doors, na gawa ng bandang The Doors, na tinatawag din bilang isang sariling-titulong album).[3][4][5][6]

Mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Caesar Salad – Ang may-ari ng restawran na si Caesar Cardini ang lumikha ng salad o ensalada na ngayon ay may pangalan na.
  • Sandwich – Habang ang ilan sa mga likod ng kuwanto ay maaaring napakahusay, totoo na ang salitang sandwich ay pinangalanan para sa Earl of Sandwich o Konde ng Sandwich.
  • Amerika – Ang salitang Amerika ay ipinangalan sa tagagawa ng mapa na Italyano, si Amerigo Vespucci.
  • Fahrenheit – Si Gabriel Daniel Fahrenheit ay ang pisiko kung kanino pinangalanan ang pagsukat ng temperatura na ito.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. (sinaunang Griyego ἐπώνυμος (a.) binagay bilang isang pangalan, (b.) pagbigay ng isang pangalan sa bagay o tao, ἐπί sa + ὄνομα, Eoliko ὄνυμα pangalan)
  2. "eponym, n. : Oxford English Dictionary". OED Online (sa wikang Ingles). 2019-10-26. Tinago mula sa orihinal noong 2019-10-26. Nakuha noong 2019-10-27.
  3. "eponym". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Dictionary.com LLC. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.
  4. "eponym". Merriam-Webster Online Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.
  5. "eponymous". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Dictionary.com LLC. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.
  6. "eponymous". Merriam-Webster Online Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.