Pumunta sa nilalaman

Eric Gordon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eric Gordon
Si Gordon noong Nobyembre 2016
No. 10 – Houston Rockets
PositionShooting guard
LeagueNBA
Personal information
Born (1988-12-25) 25 Disyembre 1988 (edad 35)
Indianapolis, Indiana
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 4 pul (1.93 m)
Listed weight215 lb (98 kg)
Career information
High schoolNorth Central (Indianapolis, Indiana)
CollegeIndiana (2007–2008)
NBA draft2008 / Round: 1 / Pick: ika-7 overall
Selected by the Los Angeles Clippers
Playing career2008–kasalukuyan
Career history
20082011Los Angeles Clippers
20112016New Orleans Hornets / Pelicans
2016–kasalukuyanHouston Rockets
Career highlights and awards
Stats at NBA.com
Stats at Basketball-Reference.com

Si Eric Gordon (ipinanganak noong Disyembre 25, 1988) sa Indianapolis, Indiana ay isang Amerikanong manlalaro ng basketbol na naglalaro para sa Houston Rockets sa NBA. Siya ay may taas na 6 na talampakan at 4 na pulgada at may timbang na 215 libras. Siya ay anak ni Eric at Denise Gordon.

Siya ay nagtapos ng High School ng taong 2007 sa North Central High School sa Indianapolis, Indiana kung saan siya ay nagsimulang maglaro ng basketball. Sa kasalukuyan siya ay isang freshman na manlalaro ng college basketball sa Indiana University sa koponan ng Indiana Hoosiers na may posisyong shooting guard at may suot na jersey # 23 at itinuturing na isa sa mga mahuhusay na freshman sa bansa.

Ang Kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Nobyembre ng taong 2005, si Eric Gordon na noon ay isang junior ay nakipagkasundo sa University of Illinois. Ngunit matapos na ang dating head coach ng Oklahoma na si Kelvin Sampson ay tanggapin ang trabaho ng men’s basketball coaching sa Indiana University, ang pamilya ng Gordon ay nagsimulang makipag-usap sa Indiana University.

Noong Oktubre ng taong 2006, si Eric Gordon ay tumalikod sa pakikipagkasundo sa University of Illinois at nakipagkasundo sa Indiana University na sinasabing siyang paboritong eskwelahan ni Gordon simula noong siya ay bata pa.

Basketball career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang isang manlalaro, si Eric ay masigasig sa paglalaro, seryoso sa bawa’t laro at may mahusay na shooting hand. Mayroon siyang kakayahan na pumuntos sa tinatawag na big scoring runs. Komportable din siyang magbuslo ng bola pagkatapos niyang magdribble sa loob ng playing court. Isa siyang mahusay na atleta kung kumpara sa unang impresyon sa kanya.

Si Gordon ay mayroon ding mataas ns kumpiyansa sa perimeter area. Siya ay sinasabing mid-range game at mahusay na atleta na ibinibilang sa mga manlalaro ng elite level.

Simula ng kanyang paglalaro ng basketball, si Eric Gordon ay nagtala ng mga sumusunod: na impormasyon at pagkilala:

• Si Eric Gordon ay tinaguriang pangunahing prospect ng bansa bilang isang senior • Siya ay kabilang sa mga nagtapos ng 2007 Indianapolis North Central High School • Siya ay naglaro kay Coach Doug Mitchell • Siya ay ibinoto bilang Mr. Indiana • Siya ay pinangalanan bilang Indiana Gatorade Player of the Year at Jordan Brand All-American • Siya ay nagsimula at nagtala ng 16 puntos para sa yellow squad ng Jordan Brand All-American Classic sa Madison Square Garden • Siya ay naglaro sa McDonald's All-Star Game at nagtala ng 13 puntos para sa West squad • Siya ay dumalo sa Adidas Basketball Experience sa New Orleans • Siya ay nahirang sa all-state choice at sa Indiana All-Star named all-state • Pinangunahan niya ang kanyang koponan sa record na 21-5 record sa Class 4A state title game • Siya ay nagtala ng averaged 29 puntos, 6.2 rebounds at 3.3 assists • Siya ay nagtala ng 57.0% shot mula sa field, 46.2% mula sa three-point range at 88.1% mula sa line • Pinangunahan niya ang koponan ng Indiana sa two-game sweep sa Indiana/Kentucky All-Star series • Siya ay nagtala ng 32 puntos sa Bowling Green at 20 puntos sa contest sa Indianapolis • Siya ay nagtala ng average na 26.1 puntos, 5.5 rebounds, 2.8 steals at 1.2 blocks bilang isang a junior

• Siya ay nagtala ng 50.9% shot mula sa floor at 85.9% mula sa line