Estasyon ng 5th Avenue ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
 5th Avenue 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
Mrt5thjf.JPG
Estasyong 5th Avenue
Estadistika ng estasyon
Direksiyon 242 Rizal Avenue Extension pgt. 5th Avenue (C-3 Road), Grace Park East, Caloocan 1403
Linya Unang Linya ng LRT
Estruktura Nakaangat
Plataporma Mga plataporma sa gilid
Riles 2
Iba pang impormasyon
Binuksan Mayo 12, 1985
Kodigo 5A
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Serbisyo

Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Roosevelt
LRT-1
patungong Baclaran

Ang Estasyong 5th Avenue ng LRT, o Estasyong Ika-5 Abenida ng LRT, ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng mga iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong 5th Avenue. Matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal, Barangay Grace Park East, Caloocan. Ito'y nasa tabi ng 5th Avenue (Ika-5 Abenida) o C-3 Road, kung saan nagmula ang pangalan ng estasyon.

Nagsisilbi bilang pang-apat na estasyon ang estasyong 5th Avenue para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-labimpitong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa rin ito sa dalawang nakompletong estasyon ng LRT na naglilingkod sa lungsod ng Caloocan, ang isa pang estasyon ay Monumento.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga kalapit na pook-palatandaan nito ay Sementeryo ng La Loma, Thai To Taoist Temple Pagoda, Ung Siu Si Buddhist Temple, Northern Rizal Yorklin Chinese School at Philippine Cultural College (Annex).

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

Maaaring sumakay ang mga mananakay ng mga dyipni, bus, at taksi papuntang estasyong 5th Avenue.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°37′50.31″N 120°58′53.03″E / 14.6306417°N 120.9813972°E / 14.6306417; 120.9813972