Estasyon ng Libertad ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
 Libertad 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
Clibertadjf.JPG
Estasyong Libertad
Estadistika ng estasyon
Direksiyon Kanto ng Taft Avenue at Arnaiz Avenue, Brgy. Santa Clara, Lungsod ng Pasay
Linya Unang Linya ng LRT
Istruktura Nakaangat
Plataporma Mga plataporma sa gilid
Riles 2
Iba pang impormasyon
Binuksan Disyembre 1, 1984
Kodigo LI
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Silungan
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
toward Baclaran

Ang Estasyong Libertad ng LRT (na kilala rin bilang Estasyong Antonio Arnaiz ng LRT, o sa payak na ngalan, Estasyong Arnaiz) ay isang estasyon sa Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Libertad. Matatagpuan ito sa kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz sa Lungsod ng Pasay. Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng bahaging Pasay ng Abenida Arnaiz, ang Calle Libertad. Ang pangalang Libertad naman ay mula sa salitang Kastila ng "kalayaan". Nanatili ang pangalang "Libertad" bilang pangalan ng pook na kinaroroonan ng estasyon.

Nagsisilbi bilang panlabing-walong estasyon ang estasyong Libertad para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pangatlong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ang Libertad sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, EDSA at Baclaran.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tanawin mula sa Estasyong Libertad.

Malapit sa estasyon ang Victory Pasay Mall, Masagana Citimall at Pamilihan ng Libertad. Malapit din ang St. Mary's Academy – Pasay, Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, Pasay Chung Hua Academy at Philippine School for the Deaf. Ang mga pook na may-kalayuan at matatagpuan sa Bulebar Roxas, subalit nasa paligid pa rin ng estasyon, ay gusali ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, Annex ng Embahada ng Estados Unidos, Embahada ng Hapon, Cuneta Astrodome, Asian Institute of Maritime Studies at HK Sun Plaza.

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga terminal ng bus para sa ilang mga linya ng bus malapit sa estasyon, at humihinto ang mga dyipni, taksi at traysikel sa estasyon at paligid nito. Subalit humihinto rin ang mga bus malapit sa estasyon, para sa mga riding bus na hindi humihinto sa mga kalapit na terminal.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay papuntang Jackman Plaza Emporium
L1 Daanan Victory Pasay Mall, Masagana Citimall, Pamilihan ng Libertad

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°32′52.02″N 120°59′55.07″E / 14.5477833°N 120.9986306°E / 14.5477833; 120.9986306