Fastelavn
Ang Fastelavn ay isang tradisyong Karnibal sa mga bansang Hilagaang Europeo at mga historikal na Lutherano sa Denmark, Norway, Sweden, Faroe Islands at Greenland. Ang kaugnay na salitang Fastelovend ay ginagamit para sa karnibal sa Alemanya sa Köln at Bonn. Ang mga tradisyon nito ay iba iba sa bawat bansa at nagbago sa paglipas ng panahon. Ang karaniwang tema sa mga bansang ito ang pagbibihis ng mga bata sa mga costume, pagbabagay bahay habang umaawit at pagtitipin ng mga treat na isang anyo ng trick-or-treat.
Pusa sa bariles
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga kaganapan ang slå katten af tønden ("hampasin ang pusa papalabas ng bariles") na katulad ng piñata. Ito ay ginagawa pagktapos ng pagsisimba sa mga parokya ng Ebangelikal na Simbahang Lutherano sa Denmark ang mga pagdiriwang na hindi relihiyoso sa mga liwasan. Uoang laruin ito,ang usang kahoy na bariles na puno ng candy ay binibitin. Ang bawat kalahok ay hahampas gamit ang mga patpat o kahoy. May mga orange dinat may larawan ng pusa dito. Ang nagpabagsak sa ilakumng bariles ay nagiging kattedronning (reyna ng mga pusa) at ang nagpabagsak ng huking piraso ng bariles ay nagiging kattekonge (hari ng mga pusa). Sa Denmark at Scania, ang tradisyon ay dinadaos ng maraming siglo. Sa simulang panahon, ang bariles ay naglalaman ng buhay na pusa at ang pagbugbog sa bariles ay at pagpatay sa pusa aysumisimbolo sa pagpapalayas ng masasamang espiritu. [1]