Pumunta sa nilalaman

Fauna (mitolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa sinaunang relihiyong Romano, si Fauna ay isang diyosa na sinasabi sa iba't ibang sinaunang mga pinanggalingan bilang asawa, kapatid na babae, o anak ni Faunus.[1] Itinuring siya ni Varro bilang ang babaeng katumbas ni Faunus, at sinabing ang lahat ng mga fauni ay mayroong mga kapangyarihan ng panghuhula. Tinatawag din siyang Fatua o Fenta Fauna. Ang pangalan ni Fauna ang isa sa pinagmulan ng salitang Ingles na fauna na pantawag para sa sanghayupan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Joseph Clyde Murley, The Cults of Cisalpine Gaul (Banta, 1922), p. 28 (bagaman si Fauna ay limilitaw sa inskripsiyon sa Cisalpine Gaul).


MitolohiyaRoma Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.