Pumunta sa nilalaman

Mga Filisteo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Filisteo)
Ayon sa Tanakh, ang limang mga siyudad ng Filisteo ang Gaza, Ashdod, Ashkelon, Ekron at Gath.

Ang Mga Filisteo (Ingles: Philistines) ay mga sinaunang lipi ng tao na nanirahan sa katimugang Canaan mula ika-12 siglo BCE hanggang 604 BCE nang ang kanilang politiya ay napailalim sa maraming siglo ng Imperyong Neo-Asiryo at sa huli ay winasak ni Nabucodonosor II ng Imperyong Neo-Babilonyo.[1] Pagkatapos maging bahagi ng kanyang imperyo at ang sumunod ritong Imperyong Akemenidaa, ang mga Filisteo ay nawalan ng natatanging pagkakakilanlang etniko at naglaho sa historikal rekord noong ika-5 siglo BCE.[2] Ayon sa Tanakh, ang mga Filisteo ay kalaban ng mga Israelita. Ang pag-iral ng mga Filisteo ay napatunayan sa mga relief sa sa templo ni Ramses III sa Medinet Habu kung saan sila tinawag na Peleset[a] (tinanggap na kaugnay ng Hebreong Peleshet);[3] ang katulad na katawagang Asiryanong Palastu,[b] Pilišti,[c] o Pilistu.[d][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. St. Fleur, Nicholas. 2019. "DNA Begins to Unlock Secrets of the Ancient Philistines." New York Times.
  2. Meyers 1997, p. 313.
  3. Raffaele D'Amato; Andrea Salimbeti (2015). Sea Peoples of the Bronze Age Mediterranean c.1400 BC-1000 BC. Bloomsbury Publishing. pp. 30–32. ISBN 978-1-4728-0683-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hans Wildberger (1979) [1978]. Isaiah 13-27: A Continental Commentary. Sinalin ni Thomas H. Trapp. Fortress Press. p. 95. ISBN 978-1-4514-0934-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2