Pumunta sa nilalaman

Lakas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Force)
Power
Mga kadalasang simbulo
P
Yunit SIwatt (W)
Sa Batayang yunit SIkgm2s−3
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
Dimensiyon

Sa pisika, ang lakas o power ang halaga ng enerhiya na nakokonsumo kada unit ng panahon. Sa sistemang MKS, ang unit ng lakas ang joule kada segundo (J/s) na kilala bilang watt. Halimbawa, ang rate na binabago ng bombilya ang enerhiyang elektrikal tungo sa init at liwanag ay nasusukat ng watts. Ang mas maraming wattage ay mas maraming lakas o sa katumbas ay mas maraming enerhiyang elektrikal ang ginagamit kada unit ng panahon. Ang paglilipat ng enerhiya ay magagamit upang gumawa ng isang gawain kaya ang lakas ay ang rate rin na isinasagawa ang gawaing ito. Ang input power ng isang elektrikong motor ang produkto ng torque ng motor na lumilikha ng anggular na belosidad ng output shaft nito. Ang integral ng lakas sa paglipas ng panahon ay naglalarawan sa gawang nagawa. Dahil ang integral na ito ay nakasalalay sa trahektorya ng punto ng paglalapat ng puwersa at torque, ang pagkukuwenta ng gawa ay sinasabing nakasalalay sa landas.

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.