Frederick Winslow Taylor
Si Frederick Winslow Taylor (Marso 20, 1856 – Marso 21, 1915) ay isang Amerikanong inhinyerong mekanikal na naglayon na painamin ang kahusayang pang-industriya.[1] Isa siya sa unang mga kasangguning pampamamahala.[2] Isa si Taylor sa mga pinunong intelektuwal ng Kilusan sa Pagpapahusay at ang kaniyang mga ideya ay naging napaka maimpluwensiya sa Panahong Progresibo. Nilagom ni Taylor ang kaniyang mga teknika ng pagpapahusay sa kaniyang aklat na pinamagatang The Principles of Scientific Management (Ang mga Prinsipyo ng Pamamahalang Maka-agham). Bilang isang inhinyero ng pagpapahusay o efficiency, siya ang nagpakilala ng sistema ng pagmamanupaktura na tinawag na scientific management na tumanaw sa mga manggagawa bilang mga bahaging mekanikal ng proseso ng produksiyon, hindi bilang mga tao.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "F. W. Taylor, Expert in Efficiency, Dies". New York Times. Marso 22, 1915. Nakuha noong Marso 14, 2008.
Frederick Winslow Taylor, originator of the modern scientific management movement...
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Frederick Taylor, Early Century Management Consultant". The Wall Street Journal. Hunyo 13, 1997. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 14, 2008. Nakuha noong Mayo 4, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.