GTV (himpilang pantelebisyon sa Pilipinas)
GTV | |
Uri | Free-to-air television network |
---|---|
Bansa | Philippines |
Umeere sa | Nationwide |
Sentro ng operasyon | GMA Network Center, EDSA cor. Timog Ave. Diliman, Quezon City, Philippines |
Pagpoprograma | |
Wika | Filipino English |
Anyo ng larawan | 480i SDTV |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Citynet Network Marketing and Productions Inc. |
Magulang | GMA Network Inc. |
Pangunahing tauhan |
|
Kasaysayan | |
Inilunsad | 22 Pebrero 2021 |
Dating pangalan | GMA News TV (2011–2021) |
Mga link | |
Websayt | gtv.ph |
Mapapanood | |
Pag-ere (panlupa) (terrestrial) | |
Analog UHF | Listings may vary |
Digital VHF/UHF | Listings may vary |
Ang GTV (Good Television) ay isang Pilipinong himpilang pantelebisyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Citynet Network Marketing and Productions Inc., isang sangay ng GMA Network Inc. Inilunsad ito noong Pebrero 22, 2021, na siyang naging kapalit ng GMA News TV sa punong istasyon nito, ang UHF Channel 27 Metro Manila at ang mga himpilan nito sa probinsya. [1] [2] [3] [4] [5] Ito ay pang-anim na pangkalahatang pangalawang tatak-himpilang pangtelebisyon ng GMA Network mula nang mabuo noong 1995 bilang Citynet Television. Ang himpilan ay gumagawa ng mga programa mula sa mga studio na matatagpuan sa GMA Network Center, EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Lungsod Quezon. Ang pangunahing pasilidad ng himpilan ay matatagpuan sa isang bahagi ng GMA Tower of Power, Tandang Sora, Barangay Culiat, Lungsod Quezon at ito ay sumasahimpapawid tuwing Lunes hanggang Huwebes mula 5:30 am hanggang 12:15 am, Biyernes mula 5:30 am hanggang 11:45 ng gabi, at Sabado at Linggo mula 5:30 am hanggang 12:00 ng hatinggabi, habang umeere ito sa mas maikling oras sa panahon ng Paschal Triduum.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang GMA News TV (2011-2021)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang GTV (2021–kasalukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Availability
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang GTV ay napapanood sa pamamagitan ng mga istasyong pantelebisyon sa Channel 27 sa Metro Manila, Cebu at Davao at iba pang 24 na istasyon nito sa buong bansa. Bukod sa pangunahing analog signal ng GTV, isa itong channel na dapat mapabilang sa lahat ng cable at satellite TV providers sa buong bansa. Mapapanood din ang channel na ito bilang digital subchannel sa pamamagitan ng pangunahing digital transmitters ng GMA sa Metro Manila, Ilocos Sur, Baguio, Batangas, Naga, Cebu, Tacloban, Iloilo, Bacolod, Davao at General Santos.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hallypop (Philippine TV channel)
- GMA Network
- Super Radyo DZBB 594 kHz
- Citynet Television
- ZOE Broadcasting Network
- A2Z
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ GMA Network. "Something good is coming this 2.22!". YouTube. Nakuha noong Pebrero 10, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anarcon, James Patrick. "GMA News TV rebranded as Gtv following launch of entertainment programs". Pep.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 10, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The news you trust and new shows to love: GMA News TV is now GTV". GMANetwork.com. 19 Pebrero 2021. Nakuha noong 19 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GTV offers more variety for 'young and young at heart' audience". GMA News Online. Pebrero 19, 2021. Nakuha noong Pebrero 19, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cua, Aric John Sy (Pebrero 19, 2021). "GMA News TV to rebrand to GTV". The Manila Times. Nakuha noong Pebrero 20, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]