Gamagōri
Gamagōri 蒲郡市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Panoramang urbano ng Gamagori kasama ang Estasyong Gamagori sa harap; Gusaling Panlungsod ng Gamagori; Takeshima Aquarium; Katahara Onsen (Hydrangea Park); Takeshima (Pulo ng Take); Gamagori Classic Hotel | |||
| |||
Kinaroroonan ng Gamagōri sa Prepektura ng Aichi | |||
Mga koordinado: 34°50′35″N 137°13′10.5″E / 34.84306°N 137.219583°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Hisaaki Suzuki | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 56.92 km2 (21.98 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Oktubre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 80,063 | ||
• Kapal | 1,400/km2 (3,600/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Camphor Laurel | ||
- Bulaklak | Azalea | ||
Bilang pantawag | 0533-66-1111 | ||
Adres | 17-1 Asahi-chō, Gamagōri-shi, Aichi-ken 443-8601 | ||
Websayt | [www.city.gamagori.lg.jp Opisyal na websayt] |
Gamagōri | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pangalang Hapones | |||||
Kanji | 蒲郡市 | ||||
Hiragana | がまごおりし | ||||
Katakana | ガマゴオリシ | ||||
|
Ang Gamagōri (蒲郡市 Gamagōri-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon na 80,063 katao ang lungsod sa 32,800 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 1,407 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 56.92 square kilometre (21.98 mi kuw).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natuklasan ang mga tala ng mga pangalan ng lugar sa kasalukuyang Gamagōri buhat sa panahong Nara. Nahati ang lugar sa ilang shōen noong panahong Heian, malakihang nasa kapangyarihan ng angkang Udono. Noong panahong Edo, karamihan sa lugar ay isang teritoryong tenryō na tuwirang pinamunuan ng kasugunang Tokugawa sa pamamagitan ng mga tagapangasiwang hatamoto, kalakip ng mga bahaging pinamunuan ng Dominyong Yoshida at Dominyong Okazaki.
Kasunod ng pasimula ng panahong Meiji, ibinuo ang nayon ng Gamagōri sa Distrito ng Hoi, Prepektura ng Aichi noong Oktubre 1, 1889. Itinaas ito sa katayuang pambayan noong Oktubre 6, 1891. Lumaki ang bayan sa pamamagitan ng mga pagdudugtong ng karatig na mga nayon ng Toyooka, Kaminogo at Shizusato noong Hulyo 4, 1906. Naiwasan ng bayan ang pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit napinsala ang ilang mga bahagi ito sa lindol sa Mikawa noong 1945.
Inihayag ang Gamagōri bilang lungsod noong Abril 1, 1954 nang sinanib ito sa katabing bayan ng Miya at nayon ng Shiotsu. Sinama ang nayon ng Otsuka sa Gamagōri noong Oktubre 1, 1956. Kasunod nito ang Katahara noong Abril 1, 1962 at Nishiura noong Abril 1, 1963.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Gamagōri sa baybaying-dagat ng Look ng Mikawa sa Karagatang Pasipiko sa timog-silangang bahagi ng Prepektura ng Aichi. Banayad ang klima dahil sinisilong ito ng Tangway ng Chita at Tangway ng Atsumi. Ang lungsod ay nasa loob ng mga hangganan ng Mikawa Wan Quasi-National Park.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] panayan ang populasyon ng Gamagōri sa nakalipas na 30 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1950 | 63,923 | — |
1960 | 75,723 | +18.5% |
1970 | 82,868 | +9.4% |
1980 | 85,295 | +2.9% |
1990 | 84,819 | −0.6% |
2000 | 82,108 | −3.2% |
2010 | 82,222 | +0.1% |
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Datos ng klima para sa Gamagōri (1971–2000) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 9.2 (48.6) |
9.7 (49.5) |
13.2 (55.8) |
18.5 (65.3) |
22.7 (72.9) |
25.5 (77.9) |
29.2 (84.6) |
30.9 (87.6) |
27.4 (81.3) |
22.2 (72) |
17.1 (62.8) |
11.9 (53.4) |
19.8 (67.6) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 5.3 (41.5) |
5.5 (41.9) |
8.9 (48) |
14.2 (57.6) |
18.5 (65.3) |
21.9 (71.4) |
25.5 (77.9) |
26.9 (80.4) |
23.6 (74.5) |
18.3 (64.9) |
13.1 (55.6) |
8.0 (46.4) |
15.8 (60.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 2.0 (35.6) |
1.9 (35.4) |
4.9 (40.8) |
10.1 (50.2) |
14.7 (58.5) |
18.8 (65.8) |
22.6 (72.7) |
23.8 (74.8) |
20.7 (69.3) |
14.9 (58.8) |
9.6 (49.3) |
4.5 (40.1) |
12.4 (54.3) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 47.9 (1.886) |
59.2 (2.331) |
135.9 (5.35) |
149.5 (5.886) |
178.7 (7.035) |
231.5 (9.114) |
175.3 (6.902) |
157.5 (6.201) |
257.2 (10.126) |
127.8 (5.031) |
93.0 (3.661) |
38.9 (1.531) |
1,649.8 (64.953) |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 169.3 | 173.6 | 192.9 | 196.4 | 190.9 | 137.0 | 163.9 | 215.4 | 150.4 | 168.3 | 169.2 | 183.9 | 2,110.7 |
Sanggunian: [3] |
Mga ugnayan ng kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gisborne, New Zealand, (kapatid na pantalan mula noong Hulyo 27, 1996)[4]
- Urasoe, Okinawa, mula noong Nobyembre 4, 1981
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gamagōri City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Gamagōri population statistics
- ↑ "気象庁 / 平年値(年・月ごとの値) 蒲郡". Nakuha noong 22 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sister Cities". Gisbourne official home page (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Enero 2019. Nakuha noong 29 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Hapones)
- Mayroong datos pang-heograpiya ang OpenStreetMap tungkol sa Gamagōri
- Wikitravel - Gamagōri(sa Hapones)
- Gamagori Turismo Association