Gamelan
Isang naggagamelan na tumutugtog ng bonang. Istilong Yogyakarta sa isang kasalang Habanes. | |
Klasipikasyon |
|
---|---|
Pag-unlad | Indonesya[1] |
Ang gamelan (Balinese: ᬕᬫ᭄ᬩᭂᬮ᭄ᬮᬦ᭄; Javae: ꦒꦩꦼꦭꦤ꧀, romanisado: gamelan (sa rehistrong ngoko), ꦒꦁꦱ, gangsa (sa rehistrong krama)) ay ang tradisyonal na pangkatang musika ng mga Habanes, Sunda, at Balines ng Indonesya, na binubuo ng mga instrumentong pinapalo.[2][3] Ang mga pinakakaraniwang instrumentong ginagamit ay metalopono (na may pantugtog na pamukpok) at isang grupo ng mga kendang, na siyang mga tambol na pangkamay, na nagpapanatili ng tiyempo. Sa Bali, karaniwan ding ginagamit ang mga instrumentong kemanak, isang hugis-saging na idyopono, at ang gangsa, isa pang metalopono. Kabilang sa iba pang mga kapansin-pansing instrumento ang saylopon, plawtang kawayan (katulad ng Indiyanong bansuri), isang instrumentong de-kuwerdas na tinatawag na rebab na tinutugtog gamit ang arko (medyo kahawig ng gadulka ng Bulgarya), at isang malasitarang instrumento na tinatawag na siter, na ginagamit sa gamelang Habanes. Bukod pa rito, maaaring itampok ang mga bokalista, na tinatawag na sindhen kung babae o gerong kung lalaki.[4]
Bagama't bumaba nang kaunti ang kasikatan ng gamelan dahil sa pagpasok ng modernong popular na musika sa Indonesya, malawakang pinahahalagahan pa rin ang sining na ito, at karaniwan pa rin itong itinutugtog sa maraming mga tradisyonal na seremonya. Maaari rin itong tugtugin bilang aliwan sa ilang modernong okasyon tulad ng mga opisyal na pagtitipong pangkultura, pangkorporasyon, pampamahalaan o pang-edukasyon, mapa-pormal man o impormal. Kinaugalian ding likhain at tugtugin ang gamelan bilang saliw sa mga relihiyosong ritwal, seremonya, teatrong pansayaw, sayaw-drama, tradisyonal na teatrong Indones, papetang wayang, awitan, konsiyerto, pista, eksibisyon, at marami pang iba. Malawakang itinuturing ang gamelan bilang napakahalagang bahagi ng kulturang Indones.[5]
Noong 2014, kinilala ang mga tradisyon ng gamelan bilang bahagi ng Pambansang Di-mahahawakang Pamanang Kultural ng Indonesya ng Ministeryo ng Edukasyon at Kultura ng Indonesya.[6]
Noong ika-15 ng Disyembre 2021, naisama ang gamelan sa Representatibong Listahan ng Di-nasasalat na Pamanang Kultural ng Sangkatauhan ng UNESCO. Nakabatay ang nominasyon sa kaugnayang arkeolohiko nito sa Borobudur, at binibigyang-diin din nito ang papel ng lugar sa pagpapalalim ng pambansang pagkakakilanlan at pagmamalaki, pati ang mga aspetong pangkapakanan gaya ng kalusugan ng isip, paglinang ng kasanayang interpersonal, at ang ugnayan sa pagitan ng kosmolohiya nito at ng etikang nakabatay sa paggalang at pangangalaga sa isa't isa. Binubuo ang listahan ng gamelang Habanes (gamelan jawa) ng Gitnang Haba at Espesyal na Rehiyon ng Yogyakarta, gamelang Balines (gamelan bali) ng Bali, gamelang Sunda (gamelan sunda) ng Kanlurang Haba, gamelang Madures (gamelan madura) at gamelang Banyuwangyano (gamelan banyuwangi) ng Silangang Haba, gendang beleq ng Kanlurang Nusa Tenggara, gamelang Banyares (gamelan banjar) ng Timog Kalimantan, gamelang peking ng Lampung, at talempong ng Kanlurang Sumatra bilang Mga Obra Maestra ng Pasalita at Di-nasasalat na Pamana ng Sangkatauhan mula sa Indonesya. Naghikayat ito sa mga mamamayan ng Indonesya at sa pamahalaan ng Indonesya na pangalagaan, ipamana, isulong, at paunlarin ang gamelan.[7]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinango ang salitang Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. mula sa salitang Habanes na Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (ꦒꦩꦼꦭ꧀) sa rehistrong ngoko, na nangangahulugan ng pagtugtog ng mga instrumentong pinapalo o sa kilos ng pagpupukpok gamit ang malyete, at nilagyan ng hulaping Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. upang mabuo ang pangngalang ito.[8]:225[9][4][10] Sa wikang Sunda, degung ang salita para sa gamelan, isang lumang termino na tumutukoy sa mga gong at pangkat ng mga gong. Dahil dito, maisasabi na kasingkahulugan ang mga salitang degung at gong ng salitang Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral.. Gayundin, ang ekspresyong gamelan degung ay maaaring tumukoy sa isang pangkat ng gamelan na nakatono sa eskalang tinatawag na degung.[11] Tumutukoy ang terminong Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (ꦏꦫꦮꦶꦠꦤ꧀)[8]:619 sa klasikong tugtugan at pag-eensayo ng gamelan. Nanggaling ito sa salitang Habanes na Kamalian sa panitik: Ang tinukoy mong tungkulin ay hindi umiiral. (ꦫꦮꦶꦠ꧀)[8]:619 na may pinagmulan sa Sanskrito at may kahulugang 'masalimuot' o 'pinong pagkagawa',[10] na tumutukoy sa pagkalamyos at pagkaelegante na inuuliran sa musikang Habanes.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Learn the History Behind Gamelan, Indonesian Music and Dance" [Alamin ang Kasaysayan sa Likod ng Gamelan, Indones na Musika at Sayaw]. ThoughtCo. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2019. Nakuha noong 13 Nobyembre 2018.
- ↑ "Gamelan". Cambridge. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 August 2017. Nakuha noong 17 December 2020.
- ↑ "Gamelan". Merriam-Webster. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 November 2020. Nakuha noong 17 December 2020.
- ↑ 4.0 4.1 Sumarsam (1998). Introduction to Javanese Gamelan [Pambungad sa Gamelang Hapones] (PDF) (sa wikang Ingles). Middletown. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Disyembre 2017.
- ↑ Prijosusilo, Bramantyo (22 Pebrero 2011). "Indonesia needs the Harmony of the Gamelan" [Kailangan ng Indonesya ang Armonya ng Gamelan] (sa wikang Ingles). The Jakarta Globe. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-15.
- ↑ "Warisan Budaya Takbenda, Penetapan". Cultural Heritage, Ministry of Education and Culture of Indonesia. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2021. Nakuha noong 15 Disyembre 2020.
- ↑ "Gamelan". UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2022. Nakuha noong 18 Disyembre 2021.
- ↑ 8.0 8.1 8.2 Robson, Stuart; Wibisono, Singgih (2002). Javanese English Dictionary. Periplus Editions. ISBN 0-7946-0000-X.
- ↑ "History and Etymology for gamelan" [Kasaysayan at Etimolohiya para sa gamelan]. Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Nobyembre 2020. Nakuha noong 17 Disyembre 2020.
- ↑ 10.0 10.1 Lindsay, Jennifer (1992). Javanese Gamelan: Traditional Orchestra of Indonesia [Gamelang Habanes: Tradisyonal na Orkestra ng Indonesya] (sa wikang Ingles). p. 10. ISBN 0-19-588582-1.
- ↑ "Indonesia For Beginners: Priangan and Gamelan Degung" [Indonesya Para sa Mga Baguhan: Priangan at Gamelan Degung]. The Attic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2019. Nakuha noong 26 Oktubre 2020.