Pumunta sa nilalaman

Gary Valenciano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gary Valenciano
Si Gary Valenciano sa Toronto noong 2014
Si Gary Valenciano sa Toronto noong 2014
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakEdgardo Jose Santiago Valenciano
Kilala rin bilangGary V., Mr. Pure Energy
Kapanganakan (1964-08-06) 6 Agosto 1964 (edad 60)
Santa Mesa, Maynila[1]
PinagmulanMaynila, Pilipinas
GenreInspirational, pop, OPM
TrabahoMang-aawit, Kompositor, Aktor, Mananayaw
Instrumentotinig, Keyboard, Perkusyon
Taong aktibo1983–kasalukuyan
LabelDati: WEA,
Universal Records (Philippines)
WebsiteGaryV.com

Si Edgardo Jose "Gary" Santiago Valenciano (ipinanganak noong 6 Agosto 1964), na kilala rin bilang Gary V. at Mr. Pure Energy, ay isang mang-aawit, mananayaw at kompositor mula sa Pilipinas. Naglabas si Valenciano ng 26 album, at nanalo sa Awit Awards para sa "Best Male Performer" nang 11 ulit. Noong 1998, siya ang naging kauna-unanhang Pambansang Embahador ng UNICEF Philippines. Kabilang sa kaniyang mga tanyag na awitin ang "'Di Bale Na Lang", "Eto Na Naman", "Sana Maulit Muli", "Natutulog Ba Ang Diyos?", "Gaya ng Dati", "Pasko Na, Sinta Ko" at "Narito".

Kasalukuyan siyang bahagi ng ABS-CBN, at madalas siyang napipiling umawit para sa mga awit na pangteleserye ng mismong estasyon at ng mga pelikula ng Star Cinema.

Pinagkalooban si Gary Valenciano ng ASAP Elite Platinum Circle Award for 2008 para sa kaniyang mga pambihirang natamong tagumpay sa local na panghimig na industriya. Sa higit na tatlong dekada sa industriyang panghimig, ginantimpalaan siya ng 5 platinum albums, 4 na dobleng platinum albums, 3 tripleng platinum albums, at 2 sekstuple (anim na ulit) na platinum albums.

Ipinanganak si Gary Valenciano sa Santa Mesa, Maynila noong 6 Agosto 1964. Ikaanim siya sa pitong anak nila Vicente Calacas Valenciano, isang Bikolano na mula sa Camalig, Albay[2] at Grimilda Santiago y Olmo, isang Puwertorikenya na mayroong lahing Italyano[3][4] mula sa Arecibo.[1] Nagkakilala ang kaniyang mga magulang sa New York, nagpakasal at nanirahan sa Maynila.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinasal si Gary Valenciano kay Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan at mayroon silang tatlong anak: Paolo Valenciano (bokalista ng bandang Salamin at ikinasal kay Samantha Godinez), José Angelo Gabriel Valenciano (mang-aawit, mananayaw at pianist, at ikinasal kay Tricia Centenera) at Kristiana Maria Mikaela. Kasalukuyan siyang mayroong diabetes at nagging tagapag-taguyod siya ng ilang produktong pangkalusugan na mayroon kinalaman sa kaniyang kalagayan.[5]

Taon Pamagat Pagganap Mga Tala
1984 Hotshots[6]
1986 Horsey-horsey: Tigidig-tigidig Tommy
1986 Payaso[7]
1987 Di bale na lang[8] Nelson
1987 Maria Went to Town Fernando
1988 Ibulong mo sa Diyos[9]
1988 Rock-a-Bye Baby[10] Mike
1988 Natutulog Pa Ang Diyos Mark Vilchez
1990 Kung tapos na ang kailanman[11]
1990 Papa's Girl[12] Raffy
1995 Hataw na[13] Robbie Mallorca
1996 SPO1 Don Juan: Da Dancing Policeman[14] Bicycle Cop
2005 Gary V: Music Video Collection" Himself Gary Valenciano's Music Video Collection
2007 The Bicycle(Gulong)
2011 Subject: I Love You Choy Based on the "I Love You" computer virus of 2000.
2012 I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila! Nick Fuentebella Won Best Motion Picture (Musical or Comedy)
2016 Fruits N' Vegetables: Mga Bulakboleros Sir Efren de Villa
Taon Programa Pagganap Mga Tala Himpilan
1995 CBN Asia Holy Week Special GMA Network
1995–Kasalukuyan ASAP Siya mismo Pangunahing host/tagapagtanghal ABS-CBN
2002 Ikaw Lang Ang Mamahalin cameo na pagganap GMA Network
2006 Sa Ngalan Ng Anak: A CBN Asia Holy Week Special GMA Network
2008 Maalaala Mo Kaya? ABS-CBN
2009 May Bukas Pa Panauhin
2010 Gulong: A CBN Asia Holy Week Special GMA Network
2010 Twist and Shout Siya mismo Host ABS-CBN
2011 Minsan Lang Kita Iibigin Siya mismo panauhin/tagapag-awit
2012 The X Factor Philippines Siya mismo Hurado
2012 Walang Hanggan Siya mismo panauhin/tagapag-awit
2013 The Voice of the Philippines Siya mismo pangtiwalang tagapayo ni Sarah Geronimo
2015 Your Face Sounds Familiar Season 1 Siya mismo Hurado
2015 Your Face Sounds Familiar Season 2 Siya mismo Hurado

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Philippines, Manila, Civil Registration, 1899-1984 Image Philippines, Manila, Civil Registration, 1899-1984; ark:/61903/3:1:939F-VPSH-YS — FamilySearch.org". Nakuha noong Oktubre 30, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. bulletin.gif[patay na link]
  3. PEP.ph. "Gary V: Live at 25! | Gallery | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-11. Nakuha noong 2012-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gary Valenciano: A Winning Lifestyle". Cbn.com. Nakuha noong 2012-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gary Valenciano currently living with diabetes.
  6. http://80spinas.blogspot.com/2009/12/hotshots-1984.html
  7. http://starforallseasons.com/2013/01/31/filmography-payaso-1986/
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. http://starforallseasons.com/2009/11/16/filmography-ibulong-mo-sa-diyos-1988/
  10. http://film.famousfix.com/tpx_995989/rock-a-bye-baby-tatlo-ang-daddy/
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.