Pumunta sa nilalaman

Gawang ulila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumutukoy ang isang gawang ulila (orphan work) sa isang gawang isinasanggalang ng karapatang-sipi ngunit positibong hindi na matukoy o mahagilap ang mga mayhawak ng karapatang-sipi. Kung minsan, kilala ang mga pangalan ng mga manlilikha o ng mga mayhawak ng karapatang-sipi, subalit hindi maaaring makipag-ugnayan sa kanila dahil hindi mahanap ang karagdagang mga impormasyon hinggil sa kanila.[1] Nagiging "ulila" ang isang gawa sa mga sumusunod na kadahilanan: hindi alam ng mga mayhawak sa karapatan nila sa kanilang mga gawa, o ang kanilang pagkawala (hal., pumanaw nang manlilikha o nagsarang mga kompanya) at hindi naging praktikal ang pagtatatag ng mana.[2] Sa ibang mga kaso, bigong matukoy ng masaklaw at masikap na pananaliksik ang sinuman sa mga manlilikha o may-akda ng isang gawa. Simula noong 1989, dumami nang husto ang dami ng mga gawang ulila sa Estados Unidos dahil sa mga sumusunod: ang ilang mga gawa ay nailathala ng mga manlilikhang ayaw magpakilala, hindi kinakailangang ibunyag sa madla ang mga pagtatalaga ng mga karapatan, at hindi sapilitan ang pagpaparehistro. Bunga nito, nananatiling hindi alam ng madla ang katayuan ng maraming mga gawa hinggil sa kung sino ang mayhawak ng mga karapatan, kahit na masigasig na pinakikinabangan ng mga manlilikha o ng ibang mga mayhawak ng karapatan ang nasabing mga karapatan.[3]

Mga detalye ayon sa bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtatag ang Canada ng kapupunang pamamaraan ng paglilisensiya sa ilalim ng Seksiyon 77 ng Copyright Act nito, na nagbibigay-daan sa Lupon sa Karapatang-sipi ng Canada na maglabas ng lisensiya para sa paggamit ng nailathalang mga gawa sa ngalan ng mga mayhawak ng karapatang hindi na mahagilap, pagkaraan ng "makatuwirang pagsisikap" ng isang inaasahang tagapaglisensiya " na mahanap ang [mga mayhawak ng] karapatang-sipi". Naglabas ang Lupon ng 321 mga lisensiya at tinanggihan ang 36 na mga aplikasyon noong Hunyo 2023.[4][5]

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula noong 2015, walang ipinasang pormal na batas sa Estados Unidos na may kinalaman sa pangkalahatang paggamit ng mga gawang ulila. Noong Hunyo 2015, inilabas ng Tanggapan sa Karapatang-sipi ng Estados Unidos ang Orphan Works at Mass Digitization: A Report on the Register of Copyrights na nagbigay ng pangkalahatang buod sa kalagayan ng mga gawang ulila sa Estados Unidos at nagmungkahi ng pagpasa ng naaangkop na batas.[6][7]

Sa ilalim ng probisyon ng 17 USC § 108(h), may kaunting pahintulot ang pampublikong mga aklatan at arkibo sa Estados Unidos na gumawa ng mga kopya ng mga gawang ulila.

Naglunsad ang Tanggapan ng Ari-Ariang Intelektuwal ng Reyno Unido (IPO) ng isang online na pamamaraan ng paglilisensiya sa mga gawang ulila noong ika-29 ng Oktubre 2014.[8] Naiiba ito sa direktiba ng Unyong Europeo (na hindi na nalalapat sa UK) [9] sa ilang aspekto, tulad ng pagpapahintulot sa sinumang makapagsumite ng mga gawa sa halip na mga institusyong pankalinangan lamang, habang nagpapataw pa rin ng mga bayad sa aplikasyon at paglilisensiya.[10] Ang isang release press release ng IPO ay Pinamagatang "UK opens access to 91 million Orphan Works" ("Binuksan ng Reyno Unido ang pagkuha sa 91 milyong mga Gawang Ulila") ang isang inilabas na pahayag ng IPO, ngunit makalipas ang apat na taon, 144 na lisensiya lamang ang nabigyan, na sumasaklaw sa 877 na mga gawa.[10] Noong hatinggabi ng ika-31 ng Disyembre 2020, kasunod ng katapusan ng yugto ng pagbabago bunsod ng "Brexit" at ng tuluyang pagkalas ng Reyno Unido sa Unyong Europeo, inalis na sa batas ng kaharian ang eksepsiyon hinggil sa mga gawang ulila (na buhat sa direktiba ng Unyong Europeo) at hindi na ito inilalapat sa buong kaharian.

Iba pang mga bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtatag ang Unggarya,[11] India,[12] Hapon,[13] Saudi Arabia,[14] at Timog Korea[15] ng mga pagpipilian sa paglilisensiya ng mga gawang ulila na igagawad ng estado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Borgman, Christine L. (2007). Scholarship in the digital age: information, infrastructure, and the internet (sa wikang Ingles). MIT Press. p. 108. ISBN 978-0-262-02619-2.
  2. In from the Cold: An assessment of the scope of 'Orphan Works' and its impact on the delivery of services to the public by Naomi Korn (PDF). JISC Collections Trust. Abril 2009. p. 9. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-11-18. Nakuha noong 2020-07-06.
  3. National Writers Union (Marso 5, 2021). "NWU comments on discussion draft, Digital Copyright Act (DCA) of 2021" (PDF).
  4. "Unlocatable Copyright Owners". Copyright Board of Canada. 2023. Nakuha noong Hunyo 7, 2023.
  5. "Unlocatable Copyright Owners". Copyright Board of Canada. Nakuha noong Hunyo 7, 2023.
  6. "Orphan Works". U.S. Copyright Office. Nakuha noong Abril 29, 2025.
  7. "Orphan Works and Mass Digitization: A Report of the Register of Copyrights" (PDF). U.S. Copyright Office. Hunyo 2015. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 20, 2023. Nakuha noong Abril 30, 2023.
  8. "Apply for a licence to use an orphan work". www.gov.uk. IPO UK Government. Nakuha noong Oktubre 29, 2014.
  9. "Orphan works and cultural heritage institutions".
  10. 10.0 10.1 Martinez, Merisa; Terras, Melissa (Mayo 13, 2019). "'Not Adopted': The UK Orphan Works Licensing Scheme and How the Crisis of Copyright in the Cultural Heritage Sector Restricts Access to Digital Content". Open Library of Humanities (sa wikang Ingles). 5 (1): 36. doi:10.16995/olh.335. ISSN 2056-6700. {{cite journal}}: |hdl-access= requires |hdl= (tulong)
  11. 1999. évi LXXVI. törvény a szerzői jogról [Act No. LXXVI of 1999 on Copyright] (Act LXXVI, §§ 41/A–41/K) (sa wikang Unggaro). National Assembly of Hungary. 1999. Nakuha noong 2020-09-22.
  12. Art. 31a, Indian Copyright Act.
  13. Art. 67, Japanese Copyright Act.
  14. Art. 16, Copyright Act of Saudi Arabia.
  15. South Korean Copyright Act, Art. 47.