George MacDonald
Si George MacDonald(Disyembre 10, 1824 – Setyembre 18, 1905) ay isang Eskoses na may-akda, makata, at Kristiyanong ministro. Siya ay isang nangungunang pigura sa larangan ng modernong panitikang pantasya at ang mentor ng kapuwa manunulat na si Lewis Carroll. Bilang karagdagan sa kaniyang mga kuwentong bibit, nagsulat si MacDonald ng ilang mga gawa ng teolohiyang Kristiyano, kabilang ang ilang mga koleksiyon ng mga sermon.
Ang kaniyang mga sinulat ay binanggit bilang isang pangunahing impluwensyang pampanitikan ng maraming kilalang may-akda kabilang sina Lewis Carroll, W. H. Auden, David Lindsay,[1] J. M. Barrie, Lord Dunsany, Elizabeth Yates, Oswald Chambers, Mark Twain, Hope Mirrlees, Robert E. Howard , L. Frank Baum, T. H. White, Richard Adams, Lloyd Alexander, Hilaire Belloc, G. K. Chesterton, C. S. Lewis, J. R. R. Tolkien,[2] Walter de la Mare,[3] E. Nesbit, Peter S. Beagle, Neil Gaiman, at Madeleine L'Engle.[kailangan ng sanggunian]
Sinulat ni C. S. Lewis na itinuring niya si MacDonald bilang kaniyang "master": "Pagkuha ng kopya ng Phantastes isang araw sa isang estamte ng mga libro sa estasyon ng tren, nagsimula akong magbasa. Pagkalipas ng ilang oras, alam kong nakatawid na ako sa isang malaking hangganan." Binanggit ni G. K. Chesterton ang The Princess and the Goblin bilang isang aklat na "nakagawa ng pagbabago sa buong buhay ko".[4]
Maging si Mark Twain, na sa una ay hindi nagustuhan si MacDonald, ay naging kaibigan niya, at may ilang ebidensya na si Twain ay naimpluwensyahan niya.[5] Ang Kristiyanong may-akda na si Oswald Chambers ay sumulat sa kanyang "Christian Disciplines" na "ito ay isang kapansin-pansing indikasyon ng kalakaran at kababawan ng modernong pagbabasa ng publiko na ang mga aklat ni George MacDonald ay labis na napabayaan".[6]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si George MacDonald ay ipinanganak noong Disyembre 10, 1824 sa Huntly, Aberdeenshire, Eskosya. Ang kanyang ama, isang magsasaka, ay isa sa mga MacDonalds ng Glen Coe at isang direktang inapo ng isa sa mga pamilyang nagdusa sa masaker noong 1692 .[7][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ David Lindsay: A Scottish Genius
- ↑ Wolfe, Gary K. (1985). "George MacDonald". Sa Bleiler, E. F. (pat.). Supernatural Fiction Writers: Fantasy and Horror. New York: Charles Scribner's Sons. pp. 239–246. ISBN 978-0684178080.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bentinck, Anne (2001). Romantic Imagery in the Works of Walter de la Mare. Lewiston, New York: E. Mellen Press. p. 345. ISBN 978-0889469273.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Macdonald, Greville (1924). George Macdonald and his wife. New York: MacVeagh. p. 9. Nakuha noong 3 Mayo 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Naglalaman ang artikulo na ito ng sinalin na tekso mula sa orihinal na tekso na isang malayang gawang nilalaman. Nakalisensya sa ilalim ng CC-BY-SA 3.0 (pahayag ng lisensya/permiso). Kinuha ang teksto mula sa Biography of MacDonald, PoemHunter.com.
- ↑ Chambers, Oswald (2000) [1936]. The Complete Works of Oswald Chambers: Christian Disciplines (PDF). Bol. 1. Oswald Chambers Publications Association. p. 287. Nakuha noong 19 Hunyo 2018.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Raeper, William, George MacDonald (1987), pp. 15–17.
- ↑ For more information on this massacre, see Anon. "The Massacre of Glen Coe". Scottish History: The making of the Union. BBC. Nakuha noong 6 Nobyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) For more information on the site of the event, see "Site Record for Glencoe, National Trust For Scotland Glencoe Visitor Centre". Royal Commission on the Ancient and Historical Monuments of Scotland. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-24. Nakuha noong 2022-03-13.{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |