George Westinghouse
Si George Westinghouse (6 Oktubre 1846 - 12 Marso 1914) ay isang kilalang imbentor at tagapag-yari ng mga produktong-pangkalakalan (commercial) sa Estados Unidos.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Westinghouse sa Central Bridge, New York, bilang ika-walo sa walong magkakapatid. Dahil sa mga karanasan niya sa loob ng tindahang pang-makinaryang pang-pagsasaka, nakabuo si Westinghouse ng isang makinang de-singaw at de-rotaryo. Mayroon siyang mahigit sa 400 mga patenteng pang-imbensiyon. Kabilang sa mga ambag niya sa larangan ng industriyang makabago ang mga sumusunod: isang linya ng mga tubong daluyan ng mga hanging-likas, ang naghahalin-hinang daloy ng kuryente para sa mga ilaw at enerhiya, at mga eksperimento hinggil sa mga turbinang pasingaw-hangin at mga paluksong de-hangin (o mga muwelyeng de hangin). Kinandili rin niya ang pagpapabuti ng imbensiyon ni Nikola Tesla: ang motor na gumagana sa pamamagitan ng induksiyon. Itinitag ni Westinghouse ang bahay-kalakal na Westinghouse Electric Company. Ang pinakamahalaga niyang likhain ay ang prenong de-hangin para sa mga tren.[1]
Nagsilbi din siya bilang sundalo noong kapanahunan ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.[1]
Napangasawa niya si Marguerite Erskine Walker noong 1867. Namatay siya sa Lungsod ng New York.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " George Westinghouse " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.