Pumunta sa nilalaman

Gimbap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gimbap
Mga hiwa ng ginimbap na gulay
LugarKorea
Pangunahing SangkapGim, bap
BaryasyonChungmu-gimbap, samgak-gimbap
Pangalang Koreano
Hangul김밥
Binagong Romanisasyongimbap
McCune–Reischauerkimbap

Ang gimbap (Koreano김밥; lit. Gim kanin; IPA: [kim.p͈ap̚]) o kimbap, ay isang putaheng Koreano na gawa sa kanin, gulay, isda, at karne na inilulon sa loob ng gim—pinatuyong damong-dagat—at inihahain sa mga kagat-laking piraso.[1] Pinagdedebatihan ang pinagmulan ng gimbap. Inimumungkahi ng ilang sanggunian na hango ito sa norimaki ng mga Hapones, na ipinakilala noong pamamahalang kolonyal ng mga Hapones,[2][3][4][5] habang iginigiit naman ng iba[sinong nagsabi?] na isa itong modernisadong bersiyon ng bokssam mula sa panahong Joseon.[6]

Madalas na ibinabaon itong putahe bilang bahagi ng dosirak, na kakainin sa mga piknik at panlabas na mga kaganapan, o bilang magaan na tanghalian, na sinasabayan ng danmuji o kimchi. Itineteykawt ito ng marami sa Timog Korea at ibang bansa[7] at kilala ito bilang kombinyenteng pagkain dahil madali itong bitbitin.

Tumutukoy ang gim () sa nakakain na damong-dagat sa genus Porphyra at Pyropia. Tumutukoy naman ang bap () sa sinaing. Isang neolohismo ang salitang tambalan na gimbap; noong ika-20 siglo lamang ito naging bahagi ng wikang Koreano. Noong panahong Joseon (1392–1897), mayroong kahawig na pagkain, inilulong kanin at gim, na tinatawag na bokssam (복쌈; 福-).[8][9]

Ginamit ang salitang gimbap sa isang artikulo sa diyaryong Koreano noong 1935[10] ngunit sa panahong iyon, ginagamit din ang norimaki, isang salitang hiram. Hango sa pangalan ng isang kahawig na putaheng Hapones, ang salitang norimaki ay bahagi ng bokabularyong Hapones na pumasok sa wikang Koreano noong pananakop ng mga Hapones (1910–1945). Nagamit ang dalawang salita nang halinhinan hanggang ginawang unibseral o tanging salita ang gimbap, bilang bahagi ng pagsisikap na alisin ang mga labi ng kolonyalismong Hapones at dalisayin ang wikang Koreano.[11]

Sangkap at paghahanda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gim at bap ang dalawang pangunahing sangkap ng gimbap. Habang pinakakaraniwan ang paggamit ng maikling butil na puting kanin, maaari ring gamitin ang maikling butil na pinawa, itim na kanin, o iba pang butil.[kailangan ng sanggunian]

Kabilang sa mga baryante ng gimbap ang keso, maanghang na nilutong pusit, kimchi, nilutong karne, dongaseu, pimyento, o maanghang na tuna. Maaaring pahiran ang gim ng langis ng linga o budburan ng linga. Sa isang baryasyon, maaaring ibadbad ang mga hiwa ng gimbap sa itlog at prituhin, para makain ang lumang gimbap.[kailangan ng sanggunian]

Iba-iba ang mga palaman, kadalasang may opsiyong pambehetaryano at pambegano.[12] Kabilang sa mga sikat na sangkap ang danmuji (dilaw na atsarang labanos), hamon, baka, krab istik, piraso ng itlog, kimchi, bulgogi, espinaka, karot, ugat ng burdock, pipino, de-latang tuna, o kkaennip (dahon ng perilya).[13][14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. National Institute of Korean Language (30 Hulyo 2014). "주요 한식명(200개) 로마자 표기 및 번역(영, 중, 일) 표준안" (sa wikang Koreano). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 23 Enero 2019. Nakuha noong 15 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Levinson, David; Christensen, Karen (2002). Encyclopedia of Modern Asia: China-India relations to Hyogo [Ensiklopedya ng Modernong Asya: ugnayang Tsino-Indiya sa Hyogo] (sa wikang Ingles). Charles Scribner's Sons. ISBN 0-684-80617-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Setyembre 2023. Nakuha noong 3 Mayo 2021. Sinimulan ang prosesong ito noong panahon ng pananakop ng mga Hapones (1910-1945), kung kailan sumikat ang Kanluraning pagkain at inumin, kagaya ng tinapay, konpeksiyoneri, at bir sa mga lungsod ng Korea, at nagsimula ang industriya ng pagproseso ng Kanluraning pagkain. Naging bahagi rin ng lutuing Koreano ang ilang pagkaing Hapones noong panahong iyon, kagaya ng tosirak (ang samu't saring baunan) at sushi na inilulon sa loob ng mga pilyego ng damong-dagat, na naging sikat sa Korea sa pangalang kimbap. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Brunner, Anne (2011). Algas/ Algae: Sabores Marinos Para Cocinar/ Marine Flavors for Cooking (sa wikang Kastila). Editorial HISPANO EUROPEA. ISBN 978-84-255-1977-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Setyembre 2023. Nakuha noong 3 Mayo 2021. En Corea, los gimbaps son derivados de los maki sushis japoneses, pero generalmente estan rellenos de arroz con aceite de sesamo y carne. [Sa Korea, hango ang mga gimbap sa Hapones na maki sushi, ngunit kadalasang pinapalamanan ang mga ito ng kanin, langis ng linga at karne.]{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 김밥 [Gimbap] (sa wikang Koreano). 한국민족문화대백과[Encyclopedia of Korean National Culture]. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Marso 2012. 일본음식 김초밥에서 유래된 것으로 [Hango (ang gimbap) sa norimaki ng mga Hapones]{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 국립국어연구원 [National Institute of Korean languages] (2002). 우리 문화 길라 잡이: 한국인 이 꼭 알아야할 전통 문화 233가지 [Gabay sa Aming Kultura: 233 uri ng tradisyonal na kultura ng Korea para malaman mo] (sa wikang Koreano). 학고재 [Hakgojae]. p. 479. ISBN 89-85846-97-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Setyembre 2023. Nakuha noong 3 Mayo 2021. 일본 음식인 김초밥 에서 유래 한 것으로 [Hango (ang gimbap) sa Hapones na norimaki]{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "김밥". terms.naver.com (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2021. Nakuha noong 4 Abril 2021. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Alexander, Stian (21 Enero 2016). "UK's new favourite takeaway has been revealed – and it's not what you'd think" [Bagong paboritong teykawt ng UK, nahayag – at hindi ito ang iisipin mo]. Daily Mirror (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2018. Nakuha noong 26 Pebrero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kim, Maesun (1819). Yeoryang Sesigi 열양세시기(洌陽歲時記) [Mga Tala ng Pana-panahong Kasiyahan sa paligid ng Kabisera]. Joseon Korea.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Park, Jung-bae (12 Oktubre 2016). "[박정배의 한식의 탄생] 1819년엔 '福쌈'이라 불려… 이젠 프리미엄 김밥도". The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2016. Nakuha noong 26 Pebrero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "휴지통". The Dong-a Ilbo (sa wikang Koreano). 14 Enero 1935. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2019. Nakuha noong 26 Pebrero 2017 – sa pamamagitan ni/ng Naver. 문어 점복에 김밥을 싸먹고 목욕한후 바위등에 누으면 얼화만수——{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "노리마키(海苔卷)". National Institute of Korean Language (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2017. Nakuha noong 27 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Goldberg, Lina (23 Marso 2012). "Asia's 10 greatest street food cities". CNN. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Mayo 2016. Nakuha noong 11 Abril 2012. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Cho, Joy (3 Enero 2021). "Kimbap: Colorful Korean rolls fit for a picnic" [Kimbap: Mga makukulay rolyong Koreano na bagay pampiknik]. Salon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2021. Nakuha noong 13 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Kwak, Darun (9 Setyembre 2020). "Kimbap Recipe" [Resipi ng Kimbap]. NYT Cooking (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2021. Nakuha noong 13 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)