Ginni Mahi
Si Ginni Mahi (ipinanganak 1998) ay isang Indianong mananawit ng Punjabi folk, rap, at hip-hop[kailangan ng sanggunian] na nagmula sa Jalandhar, Punjab, India. Sumikat siya sa kainyang mga kanta na Fan Baba Sahib Di at Danger Chamar na naging viral sa social media. Dumalo siya sa Global Media Forum (GMF 2018) sa Alemanya, kung saan tinawag siyang Young Voice in Equality and Freedom, para sa pagsasalita laban sa paghahampas.[1]
Iniidolo ni Ginni sina Lata Mangeshkar at Shreya Ghoshal sa kaniyang pagkanta habang sinusubukang ihatid ang mga mensahe ni BR Ambedkar sa kaniyang mga liriko. Nagtanghal si Mahi sa labas ng India, sa Canada, Gresya, Italya, Alemanya, at Nagkakaisang kaharian. Idinaos niya ang kaniyang unang Panayam noong 2016 sa NDTV kasama si Burkha Dutt sa Delhi. Kasunod nito, noong 2018 ay dumalo siya sa 'Sahitya' Live na palabas sa pag-uusap na inorganisa ng AajTak TV channel sa New Delhi. Umakyat siya sa entablado upang magsalita para sa pagkakapantay-pantay ng kababaihan sa lipunang Indian.[kailangan ng sanggunian]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ginni Mahi ay ipinanganak kay Rakesh Chander Mahi[kailangan ng sanggunian] at Parmjit Kaur Mahi sa Abadpura, sa Jalandhar, Punjab.[kailangan ng sanggunian] Ang kanyang orihinal na pangalan ay Gurkanwal Bharti.[kailangan ng sanggunian] Ang pamilya ni Mahi ay kabilang sa pananampalatayang Ravidassia, na naniniwala sa kaisahan ng Diyos.[kailangan ng sanggunian] Ang pamilya ay kabilang sa komunidad ng Dalit. Nagsimula siyang kumanta ng mga kanta mula sa kaniyang ama sa murang edad na pito. Habang ang kaniyang pangalan sa entablado ay Ginni Mahi, ang kaniyang orihinal na pangalan ay Gurkanwal Bharti. Pinalitan ng kaniyang mga magulang ang apelyido ng lahat ng kanilang mga anak sa Bharti upang ipaalala sa kanila na sila ay Indiano, higit sa lahat. Ang kaniyang ama ay umalis din sa kaniyang trabaho sa isang opisina ng air-ticketing upang pamahalaan ang karera ni Mahi[kailangan ng sanggunian] Siya ay nag-aaral ng degree sa musika sa Kolehiyong Hans Raj Mahila Maha Vidyalaya.[kailangan ng sanggunian]
Walo pa lang si Mahi nang mapansin ng pamilya ang kaniyang talento sa musika at ipinatala siya sa Paaralang Kala Jagat Narayan sa Jalandhar. Pagkatapos ay nagsimula siyang kumanta ng mga relihiyosong kanta na may suporta kay Amarjeet Singh ng Amar Audio, na gumawa ng parehong kaniyang mga album sa debosyonal.[2] Ginawa niya ang kaniyang unang live show noong siya ay 12 taong gulang pa lamang.[kailangan ng sanggunian] Nais niyang ituloy ang isang PhD sa musika upang ilakip ang pamagat na "Doktor" sa kanyang pangalan. Sa kalaunan ay gusto niyang maging isang Bollywood playback singer sa Mumbai.[3][4]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katarungang panlipunan at ang kaniyang musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang kumanta si Mahi ng mga debosyonal na kanta na kabilang sa komunidad ng Ravidassia. Ang kanyiang unang dalawang album, ang Guraan di Diwani at Gurupurab hai Kanshi Wale Da ay mga debosyonal na himno. Gayunpaman, ito ay isang oda kay Babasaheb Ambedkar na nakakuha ng kaniyang katanyagan. Ang isa sa kaniyang mga unang kanta ay ang 'Fan Baba Saheb di', na isang pagpupugay kay Ambedkar, ang arkitekto ng konstitusyon ng India.[kailangan ng sanggunian] Nag-viral ang kantang ito sa YouTube. Tinawag ni Mahi si Babasaheb Ambedkar ns kaniyang inspirasyon at madalas na nagsusulat ng mga kanta tungkol sa panlipunang pang-aapi na kinakaharap ng mga tao dahil sa kasta. Upang matiyak na ang kaniyang mga kanta ay hindi makakasakit ng sinuman, ang mga liriko ng kanyang mga kanta ay sinusuri ng isang koponan na binubuo ng kaniyang mga magulang, ang direktor ng musika na si Amarjit Singh, at ang direktor ng video na si Raman Rajat.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.m.dw.com/en/global-media-forum-2018-global-inequalities-and-the-digital-future/a-44122976?xtref=https%253A%252F%252Fwww.google.co.in%252F[patay na link]
- ↑ "Ginni Mahi, the 17-year-old Dalit voice from Punjab, is making waves". The Indian Express (sa wikang Ingles). 2016-10-10. Nakuha noong 2020-06-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sahai, Shrinkhla (2020-01-30). "Ginni Mahi's fresh take on Punjabi music". The Hindu (sa wikang Ingles). ISSN 0971-751X. Nakuha noong 2020-06-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kuruvilla, Elizabeth (2016-12-30). "Ginni Mahi: The rise of a brave singer". Livemint (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |