Gloria Diaz

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Gloria Diaz
Kapanganakan 10 Marso 1947
Ilocos
Pagkamamamayan Pilipinas
Hanapbuhay artista, komedyante, modelo, beauty pageant contestant

Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay na aktres sa Pilipinas.

Mula sa kanyang pagkapanalo, limang taon muna ang nakalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975. Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.

Kapanganakan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak sa Ilokos at kabilang sa 12 na anak nina Jaime Diaz at Teresa Aspillera. Si Rio Diaz na isa sa kanyang mga kapatid ay naging isa ring artista at minsan na ring lumaban sa patimpalak nang pagandahan. Nagkaroon ito ng kanser sa kolon at namatay matapos ang kanyang paglaban sa sakit.

Kapatid[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamangkin[baguhin | baguhin ang batayan]

Personal na Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang anak na babae si Gloria Diaz kay Bong Daza na sina Isabelle Daza na isang sikat na aktres at si Ava Daza. Mayroon din silang kinupkop na lalaki na si Raphael at mayroon na silang dalawang apo dito.

Miss Universe 1969[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hulyo 19, 1969, itinanghal si Gloria Diaz bilang kauna-unahang babaeng Pilipina na nagwagi at tanghaling Miss Universe. Ito'y ipinasa sa kanya ni Martha Vasconcellos ng Brasil, Miss Universe 1968. Ito'y ginanap sa Miami Beach Auditorium, Miami Beach, Florida, Estados Unidos na nilahukan ng 61 na kandidata mula sa iba't ibang panig ng daigdig.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.