Pumunta sa nilalaman

Gobyernong mayoridad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa sistemang parliamentaryo, ang isang gobyernong mayoridad(majority government) ang isang partidong bumubuo ng gobyerno ng isang bansa na nakakuha ng mga silya(seats) na itinakdang mayoridad. Eto ay salungat sa isang gobyernong minoridad na kahit nakakuha ng pinakamaraming silya ang isang partido, eto ay hindi umabot sa mga bilang ng silya na itinakdang mayoridad. Halimbawa sa United Kingdom, kailangang makakuha ng 326 na silya upang makabuo ng absolutong mayoridad.[1] Kung ang bilang ng silya ng gobyernong minoridad ay mas maliit sa pinagsamang bilang ng mga silya ng ibang mga partido sa loob ng parliamento, eto ay nangangailangan ng suporta upang makapag-pasa ng panukalang batas. Ang isang gobyernong minoridad ay hindi matatag at nalalantad sa pagbagsak ng gobyernong ito kung ang mga katunggaling partido ay nagpasiyang pabagsakin ito sa mga mosyon ng kawalang tiwala. Kung natalo ang gobyernong minoridad sa mosyon ng kawalang tiwala ng ibang mga partido, ang gobyernong ito ay babagsak at magreresulta sa pagtawag ng bagong eleksiyon.

Ang gobyernong mayoridad ay maaaring tumukoy rin sa koalisyon ng dalawa o maraming mga partido na ang pinagsamang bilang ay mas marami sa gobyernong minoridad at nagnais na bumuo ng mayoridad.