Gusaling Halimaw
Gusaling Halimaw | |
---|---|
怪獸大廈 | |
![]() Harapan ng gusali sa King's Road | |
![]() | |
Iba pang pangalan | Monster Building |
Pangkalahatang impormasyon | |
Pahatiran | King's Road |
Bansa | Hong Kong |
Natapos | d. 1960 |
Taas | |
Pinakaitaas na palapag | 18 |
Gusaling Halimaw |
---|
Ang Gusaling Halimaw o Monster Building ay isang pangkat ng limang konektadong gusali sa King's Road, Quarry Bay, Hong Kong.[1][2] Isa itong sikat na lokasyon para sa pagkuha ng mga litrato at naging inspirasyon para sa ilang mga lokasyong pampelikula.[3] Mayroong 2,243 yunit sa limang bloke na may taas na 18 palapag. Sa kasalukuyan, 10,000 katao ang nakatira sa kompleks.[4]
Kasaysayan at katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na itinayo ang pabahay noong d. 1960 at at pinangalanang Parker Estate (百嘉新邨; sa pagtukoy sa Bundok Parker, sa timog ng ari-arian) at kalaunan ay naibenta. Noong 1972, hinati ang gusaling pabahay sa limang bloke: ang Fook Cheong Building (福昌樓), ang Montane Mansion (海山樓), ang Oceanic Mansion (海景樓), ang Yick Cheong Building (益昌大廈), at ang Yick Fat Building (益發大廈). May mga tindahan sa kalye sa harap ng gusa-gusali. Ang pinakamalaking gusali ay ang Oceanic Mansion na may 18 palapag. Siksik na siksik ito dahil isa itong pinagsama-samang gusali.[5][6]
Kulturang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang pribadong ari-arian ang lokasyon na pumatok sa mga turista at lokal matapos magbayral ang isang litrato nito na kinuha ni Romain Jacquet-Lagrèze noong 2013.[7] Ang litrato ng pabahay ay naging pabalat ng kanyang libro ng larawan 'Vertical Horizon' ("Patayong Abot-tanaw").[8] Naging napakapopular itong lugar anupat naglagay ang mga residente ng mga palatandaan para sa mga bisita na maging magalang.[9] Naging inspirasyon itong lokasyon sa mga pelikula tulad ng Transformers: Age of Extinction at Ghost in the Shell[10][11][12] at sa mga bidyong pangmusika tulad ng "Labyrinth" ni Mondo Grosso at Hikari Mitsushima at "Cave Me In" ni Gallant at Eric Nam.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kate Springer (11 Disyembre 2017). "Pro tips: Shooting Hong Kong like a street photographer" [Mga tip sa pro: Pagkuha sa Hong Kong na parang litratista ng kalye]. CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-24.
- ↑ @NatGeoUK (2018-02-25). "Neighbourhood: Hong Kong" [Kapitbahayan: Hong Kong]. National Geographic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-24.
- ↑ "The beauty of urban Hong Kong through the lens of photographer Peter Stewart" [Ang kagandahan ng urbanong Hong Kong sa mga lente ng potograpo na si Peter Stewart]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-24.
- ↑ 陳銘智 (2017-01-12). "鰂魚涌海山樓何以是打卡聖地?建築學者、前街坊還原真面目". 香港01 (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2022-11-24.
- ↑ "變形金剛驚入迷城E" (sa wikang Tsino). Apple Daily. 2013-11-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-04. Nakuha noong 2020-04-13.
- ↑ "鰂魚涌「巨廈」全球絕無僅有". The Sun (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2020-04-13.
- ↑ Lin, Veronica (2019-07-16). "Romain Jacquet-Lagreze, the man who made the 'Transformers' monster building Instagram famous, on making poetry from Hong Kong's iconic street signs" [Si Romain Jacquet-Lagreze, ang taong nagpasikat sa 'Transformers' na gusaling halimaw sa Instagram, sa paggawa ng tula mula sa mga ikonikong karatula ng Hong Kong]. www.scmp.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-13.
- ↑ "Hong Kong's vertical horizons" [Mga patayong abot-tanaw ng Hong Kong]. www.telegraph.co.uk (sa wikang Ingles). 2013-05-10. Nakuha noong 2024-11-13.
- ↑ Lilit Marcus (18 Oktubre 2021). "When your home becomes a tourist attraction" [Kapag naging atraksiyon sa mga turista ang iyong tahanan]. CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Marso 2022.
- ↑ "Quarry Bay 'Monster Building'". Alas Obscura. Nakuha noong 2020-04-13.
- ↑ "Monster Building (Yik Cheong Building)". Time Out Hong Kong. Nakuha noong 2020-04-13.
- ↑ "【影像熱話】海山樓張貼告示禁拍照 遊人懶理照「打卡」" (sa wikang Tsino). 香港01. 2018-01-30. Nakuha noong 2020-04-13.
- ↑ "HONG KONG: EAT, PLAY, LOVE" [HONG KONG: KUMAIN, MAGLARO, MAGMAHAL] (sa wikang Ingles). clashboomband.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-07. Nakuha noong 2020-08-02.