Haja Amina Appi
Haja Amina Appi | |
|---|---|
| Kapanganakan | 25 Hunyo 1925 |
| Kamatayan | 2 Abril 2013 (87 taong gulang) |
| Nasyonalidad | Pilipino |
| Kilala sa | Paghahabi ng banig |
| Estilo | Tepo |
| Parangal | Gawad sa Manlilikha ng Bayan 2004 |
Si Haja Amina Appi (Hunyo 25, 1925 - Abril 2, 2013) ay isang Pilipinang ginawaran ng parangal bilang Manlilikha ng Bayan ng 2004 dahil sa kanyang kadalubhasaan sa paghahabi ng banig gamit ang pamamaraan na tepo ng katutubong komunidad ng Sama.[1][2]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Haja Amina Appi noong Hunyo 25, 1925. Nanirahan siya sa Ungos Matata sa bayan ng Tandubas sa lalawigan ng Tawi-tawi.[2] Namatay siya noong Abril 2, 2013.[3][1]
Manghahabi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kumukuha si Haja Amina Appi ng mga dahon ng pandan sa likod ng kanilang bahay sa Ungos Matata at kanyang ginagamit upang makahabi ng banig gamit ang tradisyunal na pamamaraan ng Sama na tinatawag na tepo.[2]
Inaalisan ni Appi ng mga tinik ang mga dahon ng pandan gamit ang isang kutsilyo. Pinuputol niya ang mga ito gamit ang isang manipis na piraso ng kahoy na may matutulig na ngipin na tinatawag na jangat deyum. Ang resulta ng prosesong ito ay makikitid na mga tadyang. Pinatutuyo niya sa araw ang mga tadyang at pinipipi sa ilalim ng isang malaking troso. Kinukulayan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapakulo gamit ang anjibi na isang komersyal na pulbos na pangulay. Paulit-ulit na dinudurog ni Appi ang mga nakulayang tangkay ng dahon ng pandan gamit ang paggoso o mabigat na troso upang ang mga ito ay maayos na matuyo at hindi nagiging malutong. [1][2]
Sa paggawa ng banig ay ginagamit ni Appi ang tradisyunal na pamamaraan subalit bumubuo siya ng kanyang sariling mga modernong disenyo gamit ang paghahalo ng mga kulay at biswalisasyon at pagpapatupad ng kanyang mga sariling disenyo.[1]
Manlilikha ng Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinarangalan si Haja Amina Appi bilang Manlilikha ng Bayan noong 2004 dahil sa kanyang kahusayan sa paghabi ng banig gamit ang tradisyunal na paghahabi ng mga Sama na matatagpuan sa Ungos Matata.[1]
Simula Hunyo 25, 2025 hanggang Huno 24, 2026 ay idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Sentenyal na Taong ng Manlilikha ng Bayan na si Haja Amina Appi.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 4 5 Tobias, Maricris Jan. "National Living Treasures: Haja Amina Appi". National Commission for Culture and the Arts - Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-24. Nakuha noong 2026-03-26.
- 1 2 3 4 Tobias, Maricris Jan. "Weaving Color Into Culture". UNESCO UNESDOC Digital Library. Nakuha noong 2026-03-26.
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link) - ↑ Cabato, Luisa (2025-07-17). "Marcos sets centennial year for Manlilikha ng Bayan Haja Amina Appi". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-03-26.
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Proclamation No. 963 Declaring the Period 25 June 2025 to 24 June 2026 as the Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Haja Amina Appi" (PDF). Official Gazette of the Republic of the Philippines. Nakuha noong 2026-03-26.
{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)