Hanapbuhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Maaaring Aklat ni Job ang hinahanap mo. Maghanap din sa paggawa (paglilinaw).
Isang uri ng paghahanapbuhay.

Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, o trabaho (Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.

Kahalagahan[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilirawan ng Amerikanong si Henry Van Dyke ang hanapbuhay sa isang tula. Ganito ang kanyang sinaad ukol dito:

Sa orihinal na Ingles[baguhin | baguhin ang batayan]

"Let me but do my work from day to day,
In field or forest, at the desk or loom,
In roaring market-place, or tranquil room
Let me find it in my heart to say,
When vagrant wishes beckon me astray  –
'This is my work  – my blessing, not my doom  –
Of all who live I am the one by whom
This work can best be done in my own way'."[1]
"Pabayaan mo akong gawin ang gawain ko sa araw-araw,
Sa kabukiran man o sa kagubatan, sa mesa o sa habian,
Sa maingay na pamilihan, o tahimik na silid,
Pahintulutan nawang hanapin sa puso ko ang masabing,
Kapag hinihikayat ako ng pagala-galang mga pagnanais na paglayo  –
Ito ang aking gawain  – aking biyaya, hindi kapariwaraan  –
Sa lahat ng mga nabubuhay, ako ang nag-iisang
Pinakamahusay na makagagawa ng gawaing ito sa sariling kong paraan'."

Mensahe ng tula[baguhin | baguhin ang batayan]

Batay sa tulang ito ni Van Dyke, bawat tao ay mayroong gawaing dapat gawin na hindi pag-aari ng iba. At kailangang igalang ang sariling hanapbuhay, at bigyan ito ng pinakamataas na antas ng kahusayan o kagalingan.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 The Christophers (2004). "Henry Van Dyke, may-akda, propesor sa Pamantasan ng Princeton, Presbiterong ministro, Ministro ng Estados Unidos para sa Nederlandiya, The Worth of Work". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.  External link in |publisher= (help), pahina para sa Setyembre 5.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.