Pumunta sa nilalaman

Hannibal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Hannibal, anak ni Hamilcar Barca
248–183 o 182 BK
Pinapanigan Carthaginian Empire
Hanay Heneral, punong kumander ng sandatahang lakas ng mga Kartago
Labanan/digmaan Ikalawang Digmaang Puniko: Labanan sa Lawa ng Trasimene, Labanan sa Trebia, Labanan sa Cannae, Labanan sa Zama

Si Hannibal, anak ni Hamilcar Barca,[n 1] karaniwang kilala bilang Hannibal (248–183 o 182 BK)[n 2][2][3][4][5] ay isang Kartagong pinuno at taktiko ng militar na popular na kinikilala bilang isa sa mga pinakatalentadong kumander sa kasaysayan. Isang namumunong kumander ng mga Kartago ang kanyang amang si Hamilcar Barca noong panahon ng Unang Digmaang Puniko. Sina Mago at Hasdrubal ang kanyang mga nakakabatang kapatid, at bayaw siya ni Hasdrubal ang Bello. Nabuhay si Hannibal sa panahon ng tensiyon sa Mediteranyo, nang naitatag ng Roma (Republika ng Romano noon) ang pangingibabaw nito sa ibang malalaking kapangyarihan katulad ng Kartago, at ang Helenistikong kaharian ng Masedonya, Syracuse, at ang imperyong Seleucid. Isa sa mga sikat na natamo niya ang pasiklab ng Ikalawang Digmaang Puniko nang nagmartsa siya ng isang sandatahang lakas, na kabilang ang mga elepanteng pandigma, mula Iberia sa ibayo ng Pyrenees at ang Alpes hanggang sa hilagang Italya. Sa kanyang ilang taon sa Italya, nanalo siya ng tatlong dramatikong tagumpay sa Trebia, Trasimene at Cannae at nagkaroon ng ilang Romanong kakampi. Bagaman, pagkalipas ng 17 taon, isang kontra-sakop na sinagawa ng mga Romano sa Hilagang Aprika ang nagpilit sa kanyang bumalik sa Kartago, kung saan natalo siya ni Scipio Africanus sa Labanan sa Zama. Pinag-aralan ni Scipio ang mga taktika ni Hannibal, at sariling lumikha ng ilan, na ginamit niya upang ilabas si Hasbrubal sa labas ng Espanya, at sa kalaunan, talunin ang kanyang guro sa militar, si Hannibal, sa Zama.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ameling, Walter Karthago: Studien zu Militär, Staat und Gesellschaft p.81-82
  2. "Microsoft Encarta — Hannibal (general)". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-06. Nakuha noong 2009-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. M.O.B. Caspari, HANNIBAL ("grace of Baal") Naka-arkibo 2007-10-11 sa Wayback Machine. 1911 Encyclopædia Britannica
  4. Mary Macgregor. "The Death of Hannibal". The Story of Rome. Nakuha noong 2006-07-05. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Church, Alfred J., The Story of Carthage, p. 269
  1. Katulad ng kasanayan ng Griyego at Romano na banggitin ang relasyon, karaniwan din na bahagi ito sa pagpapangalan ng mga Kartago.[1]
  2. Pinakakaraniwang binibigay ang petsa ng pagkamatay ni Hannibal's bilang 183 BC, ngunit may posibilidad na maaaring nangyari ito noong 182 BC.