Pumunta sa nilalaman

Kutiyapi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Harp)

Ang kutiyapi o kudyapi ay isang dalawang-kuwerdas, laudeng-bangkang tinitipa na mula sa Pilipinas. May haba ito mula apat hanggang anim na talampakan na may siyam na tipa na yari sa pinatigas na pagkit. Inukit ang instrumento sa malambot na kahoy tulad ng sa puno ng langka.

Karaniwan sa lahat ng mga instrumentong kudyapi, pinapatugtog ang isang paulit-ulit na ugong sa isang kuwerdas habang pinapatugtog ang melodya sa iba, isang oktaba sa itaas ng ugong, na may kabit o kalabit sa yantok (yari sa plastik na ngayon). Karaniwan ang katangian na ito sa ibang "laudeng-bangka" (na kilala din bilang "laudeng-buwaya") sa Timog-silangang Asya, na katutubo sa rehiyon.

Mga bersyong pang-rehiyon

Isang kudyapi sa Maguindanao na may temang okir.

Sa iba't ibang mga wika sa Pilipinas, tinatawag ang instrumento bilang: kutyapi, kutiapi (Maguindanao), kotyapi (Maranao), kotapi (Subanon), fegereng (Tiruray), faglong, fuglung (B'laan),[1] kudyapi (Bukidnon at Tagbanwa), hegelong (T’boli), kuglong, kadlong, kudlong o kudlung (Manobo, Mansaka, Mandaya, Bagobo at Gitnang Mindanao),[2][3][4] at kusyapi (Palawan)[5]

Matatagpuan ang kudyapi sa mga pangkat tulad ng mga Bisaya kung saan kumalat tulad ng sa kubing at iba pang instrumentong matatagpuan sa ibang bahagi ng Pilipinas.[6] Habang nakalimutan na ang kutyapi bilang isang instrumento ng mga Tagalog na mababakas lamang sa mga awiting pambayan tulad ng "Sa Libis ng Nayon", ginamit ng mga Tagalog ang isang instrumentong de-kuwerdas sa kasaysayan na binanggit ng pralyeng Heswita na si Pedro Chirino sa Relacion de las Islas Filipinas (1604) na tinawag itong "kutyapi". Hindi tulad ng mga kutyapi sa katimugang Pilipinas, apat na kuwerdas ang instrumentong kutyapi ng mga Tagalog ayon kay Chirino.[7]

Mga sanggunian

  1. de Leon, Felipe M. Jr. (2006). "Gawad sa Manlilikha ng Bayan – 1993 Awardee – SAMAON SULAIMAN and the Kutyapi Artist". National Commission For Culture and the Arts. 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-10. Nakuha noong 2006-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hila, Antonio C. (2006). "Indigenous Music – Tuklas Sining: Essays on the Philippine Arts". Filipino Heritage.com. Tatak Pilipino. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-12-24. Nakuha noong 2006-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Canave-Dioquino, Corazon (2006). "Philippine Music Instruments". National Commission For Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-01-17. Nakuha noong 2006-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. de Jager, Fekke (2006). "Kudyapi". Music instruments from the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2006-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. de Leon, Felipe M. Jr. (2006). "Gawad sa Manlilikha ng Bayan – 1993 Awardee – MASINO INTARAY and the Basal and Kulilal Ensemble". National Commission For Culture and the Arts. 2002. (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-16. Nakuha noong 2006-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "5 Traditional Musical Instruments of the Philippines You Should Learn". Pinoy-Culture.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-12. Nakuha noong 2016-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Brandeis, Hans (2012). Boat Lutes in the Visayas and Luzon – Traces of a Lost Tradition (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Abril 2021 – sa pamamagitan ni/ng ResearchGate.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)